•36

60 2 0
                                    

Chapter 36. Celebration

(Typos and Wrong Grammar)

Everyone in the house is very busy early in the morning. Faith is cleaning our house. Mama is preparing all of the necessary items and ingredients, while Papa is preparing the pig that will be roasted later.

Mas lalong naging abala ang lahat ng sumapit ang hapon. Ang Mama ni Louise na si Auntie Beth ay pumunta sa bahay namin upang tulungan si Mama sa pagluluto. Ang tiyuhin kong sina Tiyo Armand at Tiyo Toto naman ay tumulong para sa pagluluto ng lechon. Natatawa nga ako dahil nakisali pa si Clyde sa kanila at tinuturuan pa talaga siya.

Mga alas tres ng hapon ay dumating sina Louise at Mairi, kaya doon ko na pormal na ipinakilala si Clyde sa kanila ng personal.

"Love, these are my other two friends, whom you meet through video call. This is Mairi and Louise." I introduced my friends to him.

"Guys eto nga pala si---"

"Okay na Faye! Kilala na namin siya. No need to introduce him to us. Dahil siya lang naman si Clyde Dylan Smith ang kaisa-isang lalakeng nagpatibok sa pusong bato na si Faye Caballero." Sabi ni Louise na may halong mapanuksong tono. Natawa na lang kami sa sinabi niya.

"Nice to meet you." Clyde said.

"Nice to meet you Clyde."

"Nice to meet you din."

Sabay na sabi nila Mairi at Louise.

After introducing, Clyde excused himself dahil tinawag siya nina Papa. Kaya naiwan ako kasama sina Mairi at Louise. We we're arranging the tables and chairs, while talking.

"Taray ha ba't parang feel ko pang fiesta na ang celebration na ito." Louise said.

"Oo nga sabi mo simpleng handaan at salo-salo lang. Ba't may pa lechon na si Uncle?" Tanong ni Mairi.

"Ewan ko ba sa kanila. Dadating nga din mamaya ang iba ko pang mga kamag-anak." I stated.

"Hindi pala fiesta toh parang meet the boyfie thingy na rin. Parang buong angkan ang pupunta mamaya eh." Tawang sabi ni Louise.

While doing some stuffs, we enjoyed talking and checking-up on each other because we haven't seen each other for so long.  Raine also texted me that she's already coming and riding a bus.
Nagsimulang nagsidatingan ang iba kong mga kamag-anak. Kaya ako naman ay abala na ipinakilala si Clyde sa kanila. Kahit sa oras ng kainan ay abala parin sila sa pakikipag-usap.
Tuwang-tuwa pa nga sila ng makita si Clyde. Dahil daw ito ang unang pagkakataon na nagpakilala at nagdala ako ng lalaki sa harapan nila. Akala nga kasi nila na hindi na ako magkakaroon ng nobyo dahil NBSB nga daw ako.  Si Clyde naman ayon hinagit na ng mga tiyahin ko. I can see how awkward and shy he was while talking to them.

"Mga tiyahin kong magaganda. Kukunin ko lang po muna saglit ang nobyo ko sa inyo." Sabi ko at ngumiti.

"Aba't na miss ka ka-agad ng iyong pinakamamahal iho, narito't sinusundo ka na." Pabirong sabi ni Tiya Lorna. Tumawa naman sina Mama sa biro ni Tiya Lorna.

"Parang ganoon na nga ho." Sabi ni Clyde at tipid na ngumiti.

"Are you fine? Pasensya ka na at parang na overwhelmed talaga sila na makita ka." Sabi ko ng tuluyang naka-alis kami sa kanila.

Umiling naman siya. "I'm fine love. No need to worry. In fact, I was enjoying meeting your relatives and friends. They are all friendly," He said and held my hand. "You are lucky to have this supportive and kind people around you."

Ngumiti naman ako. "And I am lucky to have you, too."

We are in the middle of talking when someone called me. I turned around and saw Raine waving her hand at me. Lumapit naman siya sa akin. "Mabuti na lang at nakaabot pa ako." Tumingin siya kay Clyde. "Hi Clyde."

My Mr. RoomMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon