•15

139 3 0
                                    

Chapter 15. Alone

(Typos and Wrong Grammars)

Tatlong araw simula nang mangyari ang aksidenteng paglapat ng aming mga labi ay hindi ko parin ito makalimutan. Mabuti na lang at biglang umalis si Clyde papuntang Ilocos dahil sa trabaho niya.

Nakahinga talaga ako ng maluwag na aalis siya ng ilang araw. Kaso nga lang mag-isa naman ako dito.

Kinuha ko ang aking cell phone at naisipan kong tawagan si Raine.

Calling: Raine

/Bat napatawag ka?/ 

Sungit naman nito parang wala ata sa mood.

/Wala man lang Hi diyan? Sungit mo teh hahah/

/Hi Faye! Musta? Okay nah? Haha/

/Hello Raine! Gosh miss na kita hahaha/

/Oh, bat ka nga napatawag ka?/

/Punta ka dito sa condo/

Naisipan kong ayain siyang mag overnight dito, total wala din naman si Clyde.

/Luh, ayaw ko nga andiyan si Sir Clyde eh/

/Wala siya dito mawawala siya ng ilang araw kaya dito ka muna tumira sa'kin, kahit overnight lang/

/Oo na aayaw pa ba ako. Magbibihis muna ako/

Matapos ko siyang tawagan ay agad naman akong pumunta sa malapit na convenience store.

Bumili ako ng mga tsiterya at ang favorite na yakult ni Raine at pagkatapos magbayad ay umuwi na din ako.

Habang naghihintay ay naghanap na lang ako ng mapapanood sa Netflix.

Iba din tong tv ni Clyde maypa Netflix sabagay pera niya naman binabayad nito eh kaya ayos lang siguro makigamit.

Biglang tumunog ang door bell kaya napatingin ako. Dali-dali akong pumunta at binuksan agad eto.

“Raine!” napatili ako sa sobrang saya.

“Ako lang eto huwag kang ano” biro niya sabay hair flip.

Napailing nalang ako at agad siyang pinapasok.

“Buti andito kana” I acted like crying in front of her.

“Naman pinapunta mo ako dito eh” agad naman siyang napatingin kina Tobi at Cooper.  “May aso kayo dito?”

“Hindi pusa yan”  sarcastic kong sabi. Tinuro ko naman sila isa-isa  “Si Cooper aso ni Clyde, tas si Tobi aso niya na parang akin na”

“Aso niya na parang akin na?” nalilito niyang sabi.

Napakamot na lang ako sa ulo “Kasi sabi ko sa kanya gusto ba niyang mag adopt ng aso, tas di ko inakala na in adopt niya si Tobi na paborito kong aso sa pet center”

She smiled at me that I felt it almost weird “In'adopt niya si Tobi na paborito mong aso sa pet center?” pag-uulit niya sa sinabi ko.

I nod and got shocked when she screamed “Huwag ka nga sumigaw”

“Baka may gusto siya sayo”

Agad ko naman siyang binatukan “Ewan ko sayo. Ano ba yang dala mo?” turo ko sa plastic bag niyang dala.

Pinakita niya naman sa akin ito  “Bumili ako ng ulam sa karinderya tapos pizza na din kaya huwag kanang magluto”

Napalakpak ako sa tuwa dahil na rin hindi na ako magluluto. Naalala ko yung binili kong yakult bigla. “Raine may binili nga din ako para sayo”

My Mr. RoomMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon