•11

129 4 1
                                    

Chapter 11.Back to Work

(Typos and Wrong Grammar)

Maaga akong nagising upang maghanda ng almusal. Magaling na kasi ako kaya balik trabaho na naman.

Habang nagluluto ako ay biglang lumabas si Clyde sa kwarto niya halatang bagong gising dahil sa itsura palang niya.

Lumapit siya sa akin at tinignan ang niluluto ko “Ang aga mo naman gumising” sabi niya at napahikab.

“Ikaw din naman ah” sabi ko “Kung gusto mong kumain mamaya sa lamesa ko lang to ilalagay”

“Bakit san ka ba pupunta?” nagtataka niyang tanong.

Tinignan ko naman siya  “Malamang magtatrabaho” kaswal kong sabi.

Inilagay ko ang niluto ko sa plato at nagsimulang magsandok ng kanin.
Pagkatapos ay umupo ako at nagsimulang kumain.

Bumalik naman si Clyde sa kwarto niya.

Pagkatapos kong kumain ay nagtimpla ako ng gatas para kay Cooper at pinainom ito sa kanya ng malamig-lamig na ito.

Lumabas ako at agad naghanap ng masasakyan.

---

“Welcome back Faye, magaling ka na ba?” masayang bati sa akin Eva.

“Oo sa awa ng Diyos magaling na” sagot ko. “Anong balita nong wala ako?”

Napa-isip naman agad si Eva “Ah! May bagong dating na puppies at isang golden retriever kahapon mga abandoned sila, naawa si Ma'am Olivia kaya nag volunteer siyang ilagay dito”

Napatango naman ako “Ge, punta muna ako don”

“Faye buti naman at andito kana” hingal na sabi ni Peah.

“Anong nangyari?” nagtataka kong tanong.

“May inabandona kasing golden retriever na dumating kahapon kasama din ng mga puppies , eh napaka hyper tingnan mo sa labas” sabi niya. Agad naman kaming nagtungo sa labas na playground din ng mga aso.

At doon ko nga nakita ang isang golden retriever siguro ay mga 6 months old na siya.

Kawawa naman ng asong toh inabandona lang.

“Ang cute niya” nakangiting sabi ko. “Pinakain niyo na ba siya?” baling ko kay Peah.

“Yun na nga eh sa sobrang excited niyang lumabas ay hindi pa siya umiinom ng gatas” nag-aalalang sabi niya.

“Ano ba ang pangalan niya?” tanong ko.

“Wala pang pangalan yan, nakita lang kasi nila sa lansangan yan at wala namang may-ari o kumuha sa kanya. Pinaliguan nga namin yan kahapon eh kasi ang dumi” paliwanang niya.

“Sige ako na ang bahala dito”
Ano kaya ang pwede kong ipangalan sa kanya.

Lumapit naman ako sa aso “Doggy” agad naman itong napatingin sa akin.
Kinuha ko ang bolang kanina pa niya nilalaro at inihagis ito na agad naman niyang nakuha.

Nang mapa-amo ko ang aso ay napa-inom ko ito ng gatas. Matapos kong ibalik ang aso sa kulungan niya ay bumalik na ako sa loob.

“Napa-inom mo na ba ng gatas?” tanong ni Peah

“Oo. Ayos lang ba kung ipapangalan ko siyang Tobi?” tanong ko.

“Okay lang naman pero bakit Tobi?” takang tanong niya.

“Ang cute lang pakinggan sa kanya” paliwanag ko.

“Ede simula ngayon ipapangalan natin sa golden retriever na yun ay Tobi” nakangiting sabi ni Peah.

My Mr. RoomMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon