•12

140 5 0
                                    

Chapter 12. Meeting His Sister

(Typos and Wrong Grammar)

Pagdating namin sa condo ay agad tinanggal ni Clyde ang leash ni Cooper.

"Order na lang tayo ng pagkain" suhestiyon ko. Nakakatamad kasi magluto ngayon at alam kong tamad din si Clyde.

"Ikaw bahala basta libre mo" sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin "Daya mo wala akong pera eh"

"You have work, and you get paid"

Naks! Nag english na naman ang lolo niyo.

"You have work din kaya and you make more money, tsaka wala akong pera remember may absent ako because I got sick" paarte kong sabi.

"Fine" talo niyang sabi. Binelatan ko naman siya.

Nang makapag order na si Clyde ay pumunta na naman siya sa work room niya malamang magpipinta na naman yun. Halos araw-araw na yun nagpipinta eh. Baka nga hindi na magkasya lahat ng paintings niya dun.
Eto naman ako at nasa sala nanonood ng teleserye katabi si Cooper.

Napatingin ako sa pinto ng makadinig ako ng doorbell.

Sa wakas andito na ang pagkain namin.

Pagbukas ko sa pinto ay laking gulat ko ng makita ko ang taong nasa harapan ko.

Tinaasan niya ako ng kilay "Who are you!!??"

Napakamot naman ako sa ulo "Ahm..ahh...hehe" Sa sobrang kaba ko ay wala akong masabi.

Pano ba toh! Lord tulong!

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Kaano ano to ni Clyde? Girlfriend niya ba to? Ang ganda eh.

"I said who the hell are you?" sigaw niya.

Naku po! Galit na talaga siya.

Nabuhayan ako ng loob ng lumabas si Clyde at pumunta sa direksyon ko.

"Faye has our food arrived?"
Walang kaalam-alam niyang tanong.

"Ah Clyde may nag-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng nakalapit siya sa amin at nakita ang taong nasa harapan ko.

"Clyde!" Halata sa mukha niya ang pagkagulat ng tawagin siya nito at yakapin.

"Why are you here!?" Gulat niyang tanong.

"Don't you miss me?" sweet na sabi ng babae. Mukhang nakalimutan siguro nila na andito pa ako.

Girlfriend niya talaga toh eh.

"Argh enough Cass" sabi ni Clyde at humiwalay sa pagkayakap sa kanya.

"Hey call me ate" sita ng babae kay Clyde.

Sis..ter? Ate??

Tinuro ko ang babae at si Clyde "Magkapatid kayo?"

"Yeah" kaswal namang sagot ni Clyde.

Tinaasan naman ako ng kilay ng babae "Ahm any problem with that?"

Naku ang taray naman ng ate niya.

Napakamot naman ako sa ulo "Ah eh wala naman po, pasok po kayo"

Pagpasok niya ay umupo kami sa couch.

"So you are my brother's girlfriend?" parang papawisan ako nito ah.

"She's not Cass/Naku! Hindi po" sabay naming sabi ni Clyde.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Are you sure? O baka ayaw niyo lang sabihin sa akin"

My Mr. RoomMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon