Chapter 38. Productive
I just got home from our team dinner. Ma'am Olivia decided to treat us for dinner. Kaya lahat ng mga ka workmates ko ay pumunta. We had lots of fun, eating and talking, they even decided to sing near a karaoke bar, which I politely declined. Naghihintay pa kasi ang mga aso sa bahay at wala pa silang kain. Tsaka malalim na din ang gabi mahirap umuwi lalong lalo na kapag rush hour.
Pagdating ko ay agad akong nagbihis ng damit pantulog. Lumabas ako sa kwarto at nilagyan ng dog food ang kainan nina Tobi at Cooper. Agad namang kumain ang dalawa, para namang isang linggo ko silang hindi pinakain sa inaasta nila. Umiling na lang ako at binigyan sila ng tubig.
Napatingin ako sa kwarto ko ng biglang may tumunog. Naalala kong naiwan ko pala ang cellphone ko sa ibabaw ng aking kama. Agad akong pumunta sa kwarto at sinagot ang tawag.
"Hi love. Nakauwi ka na ba?" Clyde greeted when I answered his call.
"Hello love. Oo kani-kanina lang. Tapos na ba ang trabaho mo? Napatawag ka?"
"Yeah, I just got home. Na miss kita eh kaya tinawagan kita. How are you?"
Humiga ako sa kama bago ko siya sinagot. "Ayos lang naman. Nagkaroon kami ng team dinner, libre ni Ma'am Olivia. Pagkatapos nag-aya sila Dahlia na pumunta sa isang karaoke bar pero tinanggihan ko na sila dahil malalim na ang gabi at hindi pa nakakakain sila Cooper at Tobi..." I told him what happened earlier. "...Ikaw? Kamusta ka diyan?"
"I'm good." Siya naman ang nagsalita, pero ramdam ko ang lungkot at pagod sa boses niya.
"Don't stress yourself too much. Tsaka kumain ka ng maayos. Huwag mong pababayaan ang sarili mo ha."
"Of course love..."
"Sure ka bang ayos ka lang?"
"Oo naman. Bakit?"
"Kasi sa tono ng pananalita mo parang hindi ka okay." Nag-aalala kong sabi.
"I am fine. Maybe its because I just got home from work."
"Okay..."
"I'll hang up now. I need to check my student's output. I love you, konting tiis na lang at malapit na akong umuwi."
I nodded and smiled. "Alam ko. Hihintayin ko ang pag-uwi mo. I love you, too."
The next day, I woke up and get myself ready for work.
"Mark dito mo ilalagay ang mga cat food ha at iba pang mga cat supplies. Pero dapat maayos ang pagkakalagay niyan. Tsaka may mga label din naman kaya madali lang ito." Sabi ko sa bagong kasamahan namin dito sa pet center na si Mark.
"Sige Faye, salamat." Sabi niya at nagsimulang mag-ayos.
"Faye! May dadating daw na mga aso, samahan mo akong salubungin sila." Dahlia said while panting.
Tumango ako. "Sige ba, tara. Huwag ka lang tumakbo." Natatawa kong sabi.
Gaya nga ng sabi ni Dahlia ay may dumating nga na mga aso. Limang puppies ang na rescue, kasama ang nanay nila. Sabi ng naghatid ay nakita daw nila ito sa tabi ng kalsada. Agad namin itong dinaluhan at inalagaan. Binigyan namin sila ng komportableng higaan at pinakain ng maayos.
Sa ilang taon kong pagtatrabaho sa pet center ay may mga nagbago. May mga investors na nag invest, mga naidagdag na mga facilities, at marami pang iba. Dati din ay hindi masyadong tumatanggap ang pet center ng mga abandoned o rescued pets, pero ngayon ay may mga facilities na kami para sa kanila. Ito din ang dahilan kung bakit kailangang magdagdag ni Ma'am Olivia ng mga empleyado.
Sumapit ang hapon at bago umuwi ay napagdesisyunan kung mag mall at pumunta sa grocery. Pagdating ko sa grocery store ay agad akong kumuha ng cart at pumunta sa vegetable and fruit section. Kumuha ako ng kalabasa, pechay, mansanas, saging at ipa pa.Pagkatapos ay nagbayad na ako sa may cashier. Nasa labas na ako ng grocery store nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Faye!" Lumimgon ako at nakita si Raine—kasama si Lucah? Aba! Magkasama na naman ang dalawa ha. I feel something fishy.
Lumapit ako sa kanila. "Raine—Lucah... Nag date kayo?" Yan ang una kong sinabi agad.
Raine's brow furrowed in confusion "Ano bang pinagsasabi mo?"
Lucah chuckled. "We we're checking some establishment here. " He answered.
Napatango ako at nahihiyang ngumiti sa kanilang dalawa. "Sorry akala ko kasi..."
"It's fine. Anyways, did you eat already?"
"Hindi pa."
"Great! Let's have some dinner. My treat." Sabi niya at naunang naglakad.
Wala naman akong nagawa kaya sumunod na lang din ako. Siniko naman ako ni Raine at pinagalitan, kung ano-ano daw kasi ang pinagsasabi ko at nakakahiya daw.Pumunta kami sa isang japanese restaurant. Lucah ordered a ramen and sushi, si Raine naman ay udon, at ako naman ay napagdesisyunan kong mag ramen na lang din. Total nag crave din naman ako ng sabaw na may noodles. Nang dumating na ang aming in-order ay nagsimula na kaming kumain. Na awkward pa ako noong una dahil feel ko third wheel lang ako sa kanilang dalawa...
"So kamusta na kayo ni Clyde?" Lucah started the conversation.
"Ayos lang naman. Medyo busy lang talaga siya kaya may mga araw na hindi kami nag-uusap. Eh, kayo ba?"
"I called him last week and you're right he's busy. I didn't know being a teacher could make a person so busy." He answered and chuckled.
Umiling ako. "What I mean is kayo ni Raine kamusta kayo?" Tanong ko at nagpalipat-lipat ng tingin.
Bigla namang nasamid si Raine sa kinakain niya. Kukuha pa sana ako ng tissue ng agad siyang abutan ng tubig ni Lucah. Tinanggap niya ito at ininom. I saw how worried Lucah is, sa mga mata niya pa lang.
Raine glared at me, binigyan ko lang siya ng isang ngiti. Akala niya siguro wala akong alam. I am sure something's going on between them.
Pagkatapos naming kumain ay hinatid kami ni Lucah sa condo. Napagdesisyunan kasi ni Raine na makitulog sa condo. Sabi niya manghihiram na lang daw siya ng damit sa akin. Pagdating namin sa condo ay hinampas niya naman ang balikat ko.
Noong una ay parang hindi pa kumbinsido si Lucah pero wala naman din siyang nagawa.
"Aray naman! Anong problema mo?" Reklamo ko.
Pagpasok pa lang kasi sa condo ay sinampal ni Raine ang braso ko.
"Ikaw kasi! Anong date pinagsasabi mo kanina. Nakakahiya kay Lucah—este Sir Lucah."
"Sorry na eto naman. Kahit sino naman sigurong makakita sa inyo aakalain na galing kayo sa date."
"Gaga ka talaga!"
"Toh naman. Sorry na nga eh." I pouted.
The day ended pretty well, and very productive. I go to work, feed the dogs, cook food for myself, and more. Lucah invited me for a dinner with Raine, of course. Time flies so fast, and soon Clyde will go home.
*
BINABASA MO ANG
My Mr. RoomMate
RomanceEVERLASTING SERIES #1 Unexpected things happened on unexpected times, just like how I met him, My Mr. Roommate. [Completed] [Plagiarism Is A Crime] "My Mr. Roommate" By: faviecandie *