•39

66 2 0
                                    

Chapter 39. News

(Typos and Wrong Grammar)

“Oh kamusta kayo ni Lucah?” Tanong ko kay Raine. Andito kasi kami sa isang park. Dumalaw kasi sina Mairi at Louise sa amin, kaya nakapag desisyon kami na mag bonding. Tsaka sa condo din namin ni Clyde sila matutulog.

“Bat' parati ninyo yan tinatanong?” Nakabusangot niyang sabi.

“Malamang ramdam kong may namamagitan sa inyong dalawa ayaw mo lang sabihin.” Sabi ko. Gulat niya akong tinignan kaya napataas ako ng kilay.

“Walang namamagitan sa amin.” She said.

“Weh? Sure ka?” Louise said teasingly.

“Okay, sabi mo eh. Basta support ako sa inyo kapag nagkatuluyan kayo.” I patted her shoulders.

“Support din kami.” Mairi and Louise said in unison.

"What are friends for diba.” Mairi added.

“Hinding-hindi magiging kami noh. Malabo...”

“Bakit malabo?” Louise asked.

“Kasi iba ang estado namin sa buhay.”

I sighed and faced her. “Raine hindi sa estado lang ng buhay nasusukat ang pagmamahal. Eh kami nga ni Clyde oh iba din ang estado namin sa buhay pero ganun paman mahal namin ang isa't-isa.”

“Eh iba kayo. Basta hindi kami bagay at mas lalong hindi pwedeng maging kami. Boss ko lang siya at sekretarya niya lang ako. Tsaka hindi ko naman siya gusto.” She said and took a sip of her coffee. Napailing na lang ako sa sinabi niya.

Nakakalungkot na may mga taong nag-iisip ng mga ganun. Aminado ako noon sumagi din sa isip ko na hindi kami bagay ni Clyde dahil lang sa magkaiba kami ng estado sa buhay. Pero habang tumatagal natutunan ko na hindi lang sa estado ng buhay nasusukat ang pagmamahalan. Kahit ano pa ang estado sa buhay ay hindi iyon hadlang para mahalin ninyo ang isa't-isa. Ang importante ay mahal ninyo ang isa't-isa at may tiwala kayo sa bawat isa.

"Eh, kayong dalawa ba kamustang love life ninyu?” I asked Mairi and Louise.

“Alam mo eto nagkajowa lang, nag-iba na. Parang mas madaming alam kapag sa usaping relasyon na, kaysa sa atin.” Mairi said.

“Sorry ako lang toh.” I joked and flipped my hair.

“Dati nagbibigay tayo ng advice kay Faye, ngayon siya na ang nagbibigay sa atin ng advice.” Louise said.

“Pero marami din naman akong natutunan sa inyo ah! Dami niyong binigay na mga advices at dala ko parin ang mga iyon hanggang ngayon.” I said.

Louise clap her hands. "Ayan! Yan very good yan! Dahil jan may jacket ka!”

Binatukan ko naman siya. “Sira!”

Louise always make us laugh parang siya yung happy pill sa aming magkakaibigan. Pero alam kong sa mga ngiti at tawa na binibigay niya sa amin ay may lungkot siyang nararamdaman sa puso niya. Ayaw niya lang aminin sa amin kong ano ang problema niya dahil ayaw niyang mag-alala kami sa kanya.

"Guys picture tayo! Groufie muna!” Raine said. She clicked the camera app on her phone and extends her arm so that all of us will be shown.

Beside me is Mairi and Louise is in the middle. We all positioned ourselves and did some poses. Mairi and Raine smiled, while me and Louise are doing some cute faces.

We took a lot of photos and different poses. The girls are all excited to share those photos to their own social media accounts. Samantalang ako, sinabi ko na lang na mamaya ako mag post ng mga picture namin at i-tag o i-mention na lang din nila ako.

Pagkatapos namin na pumunta sa park ay bumili muna kami saglit ng mga pagkain para dalhin sa condo namin. Ayaw pa sana ni Raine mag sleep over sa condo pero napilit din namin siya. Isang araw lang kasi ang bakasyon nila Mairi at Louise dahil babalik na sila sa lugar namin para magtrabaho ulit.

Ang araw namin ay napuno ng pag-uusap tungkol sa mga nangyayari sa buhay namin, at napuno din ng mga tawanan. Ang dami naming ginawa, gumala at nanood pa kami ng pelikula pagdating namin sa condo. Dalawang pelikula ata ang aming natapos at nakatulog kami pasado alas dos na ng hatinggabi.

It's hard to find true friends that will always be there for you in bad and good times, and will accept you no matter what happens. I'm lucky to have these girls in my life. Magkalayo man kami at minsan busy sa buhay namin ay hindi pa rin nawawala ang aming pagkakaibigan.

The next day...

When we finished eating our lunch, we decided to take a rest just for a little bit of time. Madami kasi kaming ginawa kaninang umaga. The television at the entrance are on. Eva, Peah, and me we're watching some drama when a news suddenlt pop out. Samantalang ang iba naman naming kasamahan sa trabaho ay natulog saglit.

Sampu ang sugatan at dalawa ang patay sa isang aksidente sa Cebu City kaninang umaga. Inararo ng isang ten-wheeler truck ang isang pribadong kotse, jeep, at motorsiklo. Ayon sa mga pulis, sirang manubela ang sanhi ng aksidente kung saan hindi nakaya ng ten-wheeler na truck.

Hindi ko alam pero kumalabog ang puso ko sa balitang aking narinig at bigla akong kinabahan.

“Jusko nakakatakot naman. Kawawa yung mga nadamay sa aksidente.” Peah uttered.

When we finished resting, we finally went back to work. As usual I was bathing some dogs and grooming them.

All of a sudden, Dahlia called me.

"May tumawag sa'yo, hinahanap ka.” She said. I thanked her and went to the telephone.

“Hello? Good afternoon. Sino po sila?” I asked politely.

/Faye, its me Cassandra./

“Ate? Napatawag po kayo?”

/ I'm really sorry for calling you this time. But I need to say something to you. I think you deserve to know this. / She said. However her voice seems weird. Para bang may halong pag-aalala at lungkot.

"Ano po ba iyon?” Curious kong tanong.

/ Si Clyde...He's in critical condition right now. He had a car accident just this morning. / Dahil sa sinabi ni Ate Cassandra ay bigla kong na bitiw ang aking cellphone. Bigla kong naalala ang nakitang balita kanina sa telebisyon.

Nanlambot ang aking mga tuhod at nanginginig ang aking mga kamay.Nakita nina Eva at Peah ang aking reaksyon. They rushed to checked on me. “Anong nangyari Faye? Okay ka lang?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Peah.

"Si--Clyde. Na hos---pital daw siya.” Hindi ko maidugtong ng maayos ang aking mga sinasabi. Eva immediately hugged me.

“Shush...Kumalma ka muna Faye.” Pagpapatahan sa akin ni Peah. Nakita na siguro nila ang namuong luha sa aking mga mata.

Peah and Eva comforted me. Kaya nang kumalma ako ay tinulungan nila ako at nag-usap ulit kami ni Ate Cassandra.

I immediately booked a ticket with the help of Kuya Cedrick which is Clyde's bother. I also asked an emergency absent from Ma'am Olivia. Nag-aalala din si Ma'am Olivia ng sinabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit ako mag-aabsent sa trabaho, Clyde is a family for her dahil sa kaibigan niya ang Mommy ni Clyde at kaibigan din ni Clyde ang anak niyang si Brian.

Umuwi ako sa condo namin. I tried to be strong while packing some clothes that I will bring with me papuntang Cebu. Hindi ko alam kong kailan ako
magtatagal doon pero ang importante sa akin ngayon ay ang makita at malaman ang kondisyon ni Clyde.

I keep on praying ever since I heard the news. I cannot bear to lose him. Clyde is my other half, my life.

*

My Mr. RoomMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon