•10

131 5 0
                                    

Chapter 10. Grocery with Mr. Roommate

(Typos and Wrong Grammar)

Faye's POV

Pagdating namin sa condo ay pumunta si Clyde sa work room niya at ako naman ay nanood lang sa TV.

Tumayo ako at pumunta sa ref dahil nau-uhaw na ako. Pagbukas ko sa ref ay napagtanto kong wala na pala kaming pagkain.

Matapos uminom ng tubig ay pumunta ako sa work room ni Clyde.

Pagbukas ko sa pinto ay nakita kong nagpapaint na naman siya "Clyde mag go'grocery ako gusto mong sumama?" aya ko.

Agad naman siyang napatingin sa akin at nagtanong "Ngayon na?" Tumango ako bilang sagot.

"Wala ka na bang lagnat?"

"Wala na, okay na ako" sagot ko.

"Ililigpit ko lang toh, hintayin mo ako" seryosong sabi niya.

Tumango lang ako at pumunta sa sala at umupo sa may couch para doon siya hintayin.

Biglang lumabas si Clyde sa kwarto niya, suot niya ay white and blue striped t-shirt paired with black shorts and white sneakers.

Grabe mag go'grocery lang parang modelo na ang dating

"Yan ba ang susuotin mo?" kunot-noo niyang tanong habang tinitignan ang suot ko.

Kaya agad naman akong napatingin sa suot kong we bear bear na t-shirt paired with white short and slippers habang ang aking buhok ay naka bun style.

"Oo wala namang masama sa suot ko tsaka mag go'grocery lang naman tayo" simpleng paliwanang ko.

"Change your outfit it doesn't look presentable" malamig niyang sabi.

Aba! Di porket maganda ang outfit niya ay lalaitin niya ako ah! Hmp!

Ayos lang naman ang suot ko. Komportamble ako dito at sa tingin ko presentable naman ako.

"Presentable naman ah" kontra kong sabi.

"No change it now, kung ayaw mong di matuloy ang pag go'grocery natin" malamig niyang utos sa akin.

Ano bang meron sa suot ko? At ayaw niya.

"Oo eto na nga magbibihis nah" maktol kong sabi. Dahil wala na akong magawa ay pumunta ako sa kwarto ko para magpalit ng susuotin.

Ang ipinalit ko sa white shorts nasuot ko kanina ay black jogger pants hindi na din ako nag-abala na palitan ang t-shirt ko dahil ayos lang naman para sa akin. Tinernohan ko ang suot ko ng white sneakers.

Lumabas ako at nakitang naka-upo si Clyde sa may couch.

"Ayos na ba ang suot ko Sir?" walang gana kong sabi.

Agad naman siyang napatingin sa akin "You really like teddy bear shirts huh" sarcastic niyang sabi.

"It's not teddy bear, it's we bear bear" sabi ko at in-emphasize ang word na we bear bear

"Still a bear" kontra niya. "Pwede na yan" sabi niya habang tinitignan ang suot ko. Pagkatapos ay tinalikuran ako.

Agad naman akong sumunod sa kanya at sabay kaming pumunta sa parking lot.

"Sure ka bang okay ka na?" nag-aalalang tanong niya ng nakapasok na kami sa sasakyan niya.

Tinignan ko siya "Oo nga tsaka baka ma busy na ako kasi babalik na ako sa pagtatrabaho bukas, kaya mag-grocery na tayo"

Napabuntong-hininga siya "Okay fine" at nagsimulang magdrive.

---

Dumating kami sa grocery store at kinuha ni Clyde ang cart una naming pinuntahan ang fruit at vegetable section.

"Sinulat mo ba ang dapat bilhin?" tanong niya.

Bigla naman akong napa-isip
Hala! Di ko pala nasulat patay.

Napakamot naman ako sa ulo "Hindi ko nasulat eh"

Sinamaan niya ko ng tingin "Sana di na lang tayo nag grocery"

"Chill ka nga ang seryoso mo" sabi ko at hinila siya sa may mga prutas.

Kumuha ako ng apples at orange tapos hinila ko na naman siya sa may vegetable section.

"Tigilan mo na ang kakahila sa akin" seryosong sabi niya sabay tingin sa kamay kong nakahawak sa kanyang palapulsuhan.

Nag peace sign naman ako "Chill lang boss" at binitawan ang kamay kong nasa palapulsuhan niya.

Pumunta kami sa meat area pagkatapos ay sa snack area naman kami pumunta.

Kumuha ako ng dalawang junk foods agad naman akong pinigilan ni Clyde.

"Nakakasama yan sa kalusugan" malamig niyang sabi.

"Eh hindi naman ako kumakain nito araw-araw ah" depensa ko.

"Still bawal yan" at inangkin ang junk foods

Kinuha ko naman ito agad sa kanya "Bala ka jan gusto ko kumain nito"

Pagkatapos ay iniwan siya.

Agad naman siyang sumunod sa akin at nang lingunin ko siya ay iling siyang nakatingin sa akin.

Bumwelat ako sa kanya pagkatapos ay tinalikuran siya at itinuon ang sarili sa pamimili.

Natapos ang aming pamimili at pumila na kami. Habang pumipila ay napalingon ako sa aking paligid at nakitang may ibang mga taong nakatingin sa amin ni Clyde or siguro kanya lang.

Ngayong araw nato na kasama ko si Clyde ay meron talagang nakatingin sa kanya. Na tila ba isa siyang artista. At naiilang talaga ako.

Di ko lang masabi.

Bumalik ako sa realidad ng tinawag niya ako "Faye ilagay mo na yan sa counter" turo niya sa mga bibilhin namin.

Tumango ako at nagsimulang ilagay ang mga bibilhin namin. Napatingin naman ako sa cashier na nakatingin kay Clyde.

"Ate pakibilisan po sa pag scan" inip kong sabi kaya agad namang napatingin sa akin ang cashier

Matapos naming bumili sa grocery store ay may nakita kaming siomai stall at bumili.

"Japanese siomai at beef siomai ate" sabi ko.

Binigay naman agad ng babae ang siomai at inabot namin ang bayad.

Pagkatapos ay naglakad kami sa parking lot at sumakay na sa sasakyan.

"Ang takaw mo" sabi niya habang nagdadrive.

"Di kaya" tanggi ko.

Humarap ako sa kanya at isinubo ang siomai ng pigilan niya ako. "Anong ginagawa mo?"

I rolled my eyes "Obvious ba? Ede susubuan ka parang naiingit ka yata sa kinakain ko eh" tukso ko.

Sinamaan niya naman ako ng tingin di ko ito pinansin at naghintay parin akong kakainin niya ang siomai.

"Bilis na kainin mo na, arte mo naman" inip kong sabi.

Agad niya naman itong kinuha at sinubo. Kakain din pala dami pang arte.

Dumating kami sa condo ay inilapag ni Clyde sa lamesa ang mga pinamili namin. Pagkatapos ay pumasok siya sa kwarto niya.

Nilinis ko muna ang mga prutas at gulay na kailangang hugasin at in-organize ko ang mga snacks na pinamili namin sa pantry.

Pagkatapos kong mag-ayos at maglinis sa mga pinamili namin ay umupo ako sa may couch at nanood ng telebisyon.




*
Author's Note:

Hello everyone, sorry at ngayon pa po ako nakapag-update. Busy lang po talaga sa studies.
Sa mga readers na patuloy pa rin pong nagbabasa ng “My Mr.  Roommate” maraming salamat po.

My Mr. RoomMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon