Chapter 3. Condo
(Typos and Wrong Grammar)
Natapos kami sa pag iinom ng gatas para sa mga puppies.
Dahil oras na para ilabas ang mga aso sa ground ay binuksan ko ang kanilang mga cage at pinapunta sa ground.
Kasama ko si Manuel at Peah na kasamahan ko din sa trabaho sa pagpapalabas sa kanila.
Nakipag laro kami ng ilang oras. Pagkatapos ay pinainom sila ng tubig.
Nang pumasok ako sa loob ay tinawag ako ni Mrs. Olivia ang may-ari ng center.
“Magandang hapon Faye” bungad sa akin ni Mrs. Olivia pagpasok ko sa office niya.
“Magandang hapon din po. Pinatawag niyo daw po ako” sabi ko at umupo.
“Ah yes regarding sa pagtulog mo dito. Nag-aalala kasi ako ikaw lang mag-isa dito kasama ang mga hayop”
“Ahm opo, huwag po kayong mag-alala naghahanap na po ako ng matitirahan” paliwanag ko.
“Mabuti naman”
Matapos ang usapan namin ni Mrs. Olivia ay nagpaalam na ako at hinanda ang mga snacks ng mga hayop.
Nang alas singko na ay nagsiuwan na ang mga kapwa ko katrabaho.
Naisipan kong lumabas muna. Nasa isang karinderya ako upang bumili ng pagkain.
“Ate magkano po tong pinakbet?”
“25 pesos lang Ma'am”
“Pabili po isa lang” at binigay sa kanya ang bayad ko.
Pagkabigay ng pinakbet sa akin ay bumalik agad ako sa center.
Naghanda na ako para sa makakain ko.
Habang kumakain ay napaisip ako sa sinabi ni Ma'am Olivia kanina.
“Ah yes regarding sa pagtulog mo dito. Nag-aalala kasi ako ikaw lang mag-isa dito kasama ang mga hayop alam mo naman”
“Ahm opo, huwag po kayong mag-alala naghahanap na po ako ng matitirahan” paliwanag ko.
“Mabuti naman”
Hahayst kailangan ko na talagang maghanap ng matitirahan na mura lang ngayon pa lang. Nakakahiya na kasi kay Ma'am Olivia.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Raine.
Calling: Raine
/Raine magandang gabi. Sorry sa abala//Naku ayos lang, wala naman akong ginagawa eh. Napatawag ka?/
/Tungkol kasi sa apartment na sinabi mo sa akin/
/Ah! Oo natanong ko na ang boss ko tungkol jan. Pumayag na daw ang may-ari. Gusto mo bang samahan kita sa pagtingin sa condo?/ Raine.
/Talaga? Hindi ka ba busy?/ tanong ko.
/Hindi naman, wala din kasi ang may-ari ng condo eh ako din ang itinalaga ni Sir para sa pag tour sayo sa condo/
/Talaga! Salamat talaga Raine. Bukas ng hapon ayos lang ba sayo?/
/Ayos lang magpapaalam lang ako kay Boss. Papayag din yun eh tungkol sa condo ang pag-uusapan eh/
/Sige salamat Raine kitakits bukas/
Pinatay ko na ang tawag at tinapos ang pagkain.
(kinabukasan)
Maaga na naman akong gumising. Matapos kong kumain, maligo, at magbihis ay agad akong lumabas upang salubungin ang mga aso sa kwarto nila.
Nakipaglaro ako at hinimas din sila.
Biglang dumating si Dahlia.“Goodmorning” pagbati niya.
“Goodmorning din. Nga pala half day lang ako ngayon”
“Sige ako na ang magsasabi, wala kasi si Ma'am Olivia ngayon eh” sabi ni Dahlia
“Ganun ba, sige salamat”
Nang lunch time na ay naghanda na ako para sa pagkikita namin ni Raine.
Nagpalit ako ng damit at lumabas na para maghanap ng masasakyan.
Nang dumating ako sa lugar na kikitain namin ni Raine ay agad ko naman siyang nakita.
“Raine!” pa sigaw kong sabi. Agad naman siyang lumingon at kumaway.
Nang makalapit ako ay agad niya akong niyakap.
“Buti naman at nakadating ka”
“Ako pa!” sabay hair flip
“Hali ka na lalakarin lang naman natin at makakadating na tayo sa condo na sinasabi ko” tugon niya.
Nagsimula na kaming maglakad at palinga-linga ako habang tinitignan ang mga daan na tinatahak namin.
Nang makarating kami sa condo ay nilagay ni Raine ang password ng condo at agad ito binuksan.
Napa wow na lang ako ng pumasok kami ni Raine sa condo. Ang ganda yan lang ang masasabi ko.
Makikita ang magandang tanawin ng buong shudad, may balkonahe din sa labas na sakto lang ang laki, magandang sala at kusina. May tatlong kwarto din dito at isang banyo.
Pinasok namin ang isang kwarto at nagulat ako dahil tumambad ang mga paintings at drawings.
“Mahilig din mag drawing at mag paint ang may-ari ng condo. Ito ang hobby niya at nagiging trabaho na rin” paliwanag niya.
Napatango ako habang isa-isa tiningnan ang mga canvas paintings at mga drawing.
May mga drawing na tungkol sa kultura ng Pilipinas, may Eiffel Tower,at marami pang iba. Napaka gifted niyang tao. Ang ganda niya siguro at isa pa siyang artist.
“Kaya siguro ito ang pinili niyang condo noh matatanaw niya ang buong shudad”
“Siguro din at napakaganda din ng lighting dito. Sabi ni boss centro daw ang sunset dito. Dahil ang ganda daw tignan” paliwanag niya
“Bakit pala boss mo ang naghananap ng roommate dito? Eh hindi naman siya ang may-ari” takang tanong ko.
“Diba sabi ko sayo na magkaibigan sila at tsaka nasa ibang bansa ang may-ari nito. Ibinilin niya kay boss ang condo para maghanap ng ka roommate niya, tanging kwarto niya lang ang naka lock dito”
“Matanong ko nga Raine bakit kailangan niya ng roommate eh mukhang mayaman naman siya at mukhang hindi mauubusan ng pera”
“Dahil isa siyang artist minsan ay umaalis siya at pumupunta sa ibang lugar o bansa, minsan aabot ng isang buwan bago siya makabalik dito.”
Napatango ulit ako sa mga sinasabi ni Raine.
“Raine ayos lang naman ang condo nato at tsaka malapit lang sa trabaho ko pwede ko din lang lakarin mula sa sakayan.” panimula ko.
Napatango naman siya. Pumunta kami sa may sala. At pinagusapan ulit ang condo sabay labas niya sa kontrata.
BINABASA MO ANG
My Mr. RoomMate
RomanceEVERLASTING SERIES #1 Unexpected things happened on unexpected times, just like how I met him, My Mr. Roommate. [Completed] [Plagiarism Is A Crime] "My Mr. Roommate" By: faviecandie *