•9

129 2 1
                                    

Chapter 9. Asking questions

(Typos and Wrong Grammar)

Faye's POV

Nagising ako ng madaling araw dahil sa gutom. Lumabas ako at pumunta agad sa kusina.

Binuksan ko ang pantry at kumuha ng box ng oats. Tapos kumuha ng gatas sa may ref. Kumuha din ako ng bowl at kutsara at doon nilagay ang oats at gatas.

Matapos kong gumawa ng oatmeal ay pumunta ako sa balkonahe at doon nagsimulang kumain.

Habang kumakain ay napatingin ako sa buong shudad. Ngayon ko lang napagtanto na ang ganda pala ng view lalo na kapag madaling araw.

Aish ang ginaw bakit ba di ako nagsuot ng cardigan.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng aking oatmeal ng biglang bumukas ang pinto sa balkonahe at iniluwa nito si Clyde.

“Ang aga mo namang nagising” pambungad ko sa kanya. Agad naman siyang napatingin sa akin at nagulat.

“Ang aga mong nagising” gulat niyang sabi.

I shrugged “Eh nagutom ako eh” tinapunan ko siya ng tingin “Eh ikaw bat ang aga mo nagising?”

“Di na ako makatulog” sabi niya. Bumalik siya sa loob ng walang pasabi.  Anong nangyari don? Di man lang nagsabi na papasok na pala siya sa loob.

Di ko na lang siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Bigla na lang lumabas si Clyde at napatingin ako sa mga dala niyang canvas, gamit pang paint at cardigan.

Inilapag niya ito at kinuha ang cardigan. Tinignan niya naman ako at tinaasan ko siya ng kilay.

Ano bang trip niya?

Lumapit siya sa akin at nagulat ako ng isinuot niya sa akin ang cardigan.

“Dapat isuot mo yan dahil maginaw, ka'kagaling mo lang sa sakit” seryosong sabi niya.

“Sa... salamat” tanging nasabi ko.  My gosh why am I stuttering

Bumalik siya sa puwesto niya at nagsimulang mag paint. Tapos na akong kumain pero di pa ako umalis dahil gusto kong makita si Clyde na nagpapaint.

“Matanong ko lang bakit ang hilig mo mag painting?” biglang tanong ko sa kanya.

“Siguro dahil mas na express ko ang sarili ko kapag nagpapaint ako tsaka I could be creative through painting”

“Sana all, nga pala bakit mo gustong magkaroon ng roommate o bedspacer dito? ”  Matagal ko na kasi gustong magtanong tungkol dito. Ang yaman niya na kasi pero di ko maintindihan kong bakit kailangan niya ng  bedspacer o roommate.

“Kasi minsan pumupunta ako sa iba't-ibang bansa o lugar, minsan aabot ng isa o dalawang buwan bago ako makauwi. Kaya mas mabuti kong may kasama ako dito para kung umalis man ako may titira parin dito”
Napatango ako sa kanyang sagot.  Kaya pala

Napatigil siya sa pag paint at tinignan ako “Eh ikaw? Bakit napili mong mag trabaho dito?”

“Wala kasi masyadong tumatanggap na trabaho sa akin dun sa lugar namin. Tsaka nag apply ako sa pet center dito kaya tinanggap ko na”

“Do you really like pets? Especially Cooper?”

I nod “I really like pets kahit noong bata pa ako. For Cooper, ewan nong una ko pa siyang nakita napamahal na agad ako eh, siya din yung first pet sa center na inalagaan ko”  Ako na naman ang nagtanong  sa kanya “Anong pinipaint mo?”

“The view. The sky and the city they create a beautiful view especially this early in the morning” Sabi niya hanga talaga ako sa angking talento ng lalaking toh kahit anong oras nagpapaint.

“What do you want to eat for breakfast?” Nabigla ako sa tanong niya eh never pa kasi siyang nagtanong sa mga gusto kong kainin.

Himala at good mood siya ngayon.

“Kahit ano di naman ako mapili eh” simpleng sagot ko.

“I am planning to eat outside, gusto mong sumama?” pag-aaya niya. Napaisip naman ako bigla wala pa kasi akong sweldo at baka maubos ko pa ang pera ko.

“Libre kita, don't worry” assurance niyang sabi.

Tinapunan ko siya ng sure ka?” look
At itinaas niya naman ang kanang kamay niya “Promise” he said in a reassured voice.

“Sige” pagpayag ko.

He just smiled then paint again.

Ang weird niya ngayon ah.

---

Andito kami sa Mcdo ngayon ni Clyde dahil nga gusto niyang manglibre ng breakfast ngayon.

Kaso nga lang naiilang ako dahil sa ibang tao let me rephrase 'ibang babaeng' nakatitig kay Clyde.  Siguro ay dahil na rin sa awra niya kapag naglalakad o dahil ay matangkad at gwapo siya.

Wait.... Gwapo at matangkad no freakin way,  ano na bang pinagsasabi ko.

Bumalik ako sa realidad ng bigla niya akong tinanong “Anong gusto mong kainin?”

“Kahit ano ayos lang sa akin” tipid kong ngiti.

“Walang 'kahit ano' sa menu dito Faye” seryosong sabi niya.

Balik na'naman po siya sa serious mode

Sa totoo nahihiya lang kasi ako, eh first time kasi siyang nagyayang kumain sa labas.

“Ala King na lang” sabi ko. Favorite ko kasi talaga ang Ala King ng Mcdo at tuwing dito ako kakain ay ito ang ino-order ko.

“Sure ka? May breakfast meal naman sila dito” pagsigigurado niya.

“Oo sure na sure favorite ko kasi ang Ala King” sabi ko at nginitian siya.

Nakumbinsi ko naman siya at pumunta na sa counter para umorder.
Nakaupo lang ako at hinihintay siya.

Napatingin ako sa kanya at nakitang nakapila na ito. Inilibot ko ang aking paningin at nakitang may mga taong tumitingin pa rin sa kanya.

Para silang nakakita ng artistang nasa Mcdo

Matapos mag order ni Clyde ay inilapag niya ang pagkaing binili.
Nagdasal muna ako at nagsimulang kumain.

“Hinay-hinay lang sa pagkain” suway niya ng makita ang pagkain ko ng mabilis.

Eh sa favorite ko talaga ang Ala King at magtagal-tagal na din akong  di nakapunta sa Mcdo.

“Yes Boss” sabi ko sabay salute.

Iling siyang napangiti at nagpatuloy lang sa pagkain.

Agad niya namang binasag ang katahimikan “Is Ala King really your favorite?”

“Oo super tsaka matagal-tagal na din akong di nakakain dito” sabi ko at isinubo ang Ala King.

“Dahan-dahan lang sa pagkain” natatawang sabi niya.

Matapos naming kumain sa Mcdo ay nagpasya kaming bumalik sa condo.

Pagdating namin sa condo ay pumunta si Clyde sa work room niya at ako naman ay nanood lang sa TV.

My Mr. RoomMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon