IEWAG-43: Crazy Love
"Kailan pa sya nakabalik?" Tanong ko kay Aizer na naghatid dito kay Francine sa sementeryo.
"Kagagaling lang namin sa airport. Si Zeke agad ang hinanap nya."
Ngumiti ako ng mapakla sabay punas ng mga luha ko.
"R-Riri, b-bakit?" Gulat na tanong ni Aizer.
"Bakit ngayon ko lang narealize? Ang tanga-tanga ko naman." Umupo ako sa isa sa mga bench at tumingin sa bughaw na langit.
Hindi nagsalita si Aizer. Umupo sya sa tabi ko sa halip.
"Ano kayang pinaguusapan nila ngayon? Plans to cancel the engagement? Ways to be together again? Ang hirap Aiz. 'Yung iniisip mo pa lang parang mamatay ka na."
Yumuko ako at pinanood ang pagsusway ng mga paa ko. I heard him sigh. A hopeless sigh.
"Alam mo Riri.." simula nya na ikinalingon ko. Sobrang seryoso nya ngayon.
"Hindi mo deserve na masaktan." Nagtuloy-tuloy ang luha ko sa pagpatak. Para syang bomba na sumabog sa puso ko. Parang nakahanap ako ng karamay sa pagkakataong ito.
Hindi ko nga ba deserve ang lahat ng 'to?
"Kung wala siguro 'tong engagement, hindi ka masasaktan sa pagkawala ni Kevin." He tilted his head at me. "At hindi ka magmamahal ng maling tao."
A curiousity started to ate me. Anong ibig nyang sabihin sa "maling tao"?
"Now that I've realized all our faults. I think It's time para matigil na ang mga pagpapanggap."
"P-Pagpapanggap? A-Aiz.. anong.. anong ibig mong sabihin?"
He was about to speak when somebody grabbed his collar and delivers a couple of punches right away.
"ZANDER STOP!"
Sandaling kumalma si Zander tsaka ko nilapitan ang walang malay na si Aiz.
"Aizer?" Tinapik ko ang pisngi nya pero hindi sya gumigising.
"Zander, ano bang problema?! Bakit bigla mo syang sinugod?!"
"Knowing nothing makes the pain less." That's all he said before leaving me dumbstruck.
***
"Okay lang ba sya?? Ha? Marie?" Histerikal na paikot ikot sa hallway si Isha habang kinakagat ang kuko.
"Huminahon ka nga Isha. Nahihilo ako sa'yo eh."
"ANO BA KASING NANGYARI?!"
Umupo ako sa upuan sa labas ng ER at huminga ng malalim.
"Honestly, hindi ko alam." Sa dami ng tumatakbo ngayon sa utak ko hindi ko na mapili ang mga salitang gusto kong sabihin.
Umupo sa tabi ko si Isha. "Heard she's back."
I bit my lower lip and nod slowly. Sumandal ako sa dingding at tumingin lang sa kisame.
"Nasasaktan ka? Mahal mo na ang gangster na 'yun? Can't it wait hanggang sa magkita ulit kayo ni Kevin? Why don't you unlove him? Why?!"
"Isha, not now.." I begged for all that I could.
"I'm sorry for flooding you questions." Hinawakan nya ang kamay ko. "Everything's gonna be alright."
"Isha," nilagay ko ang kamay nya sa pisngi ko. "I'm being haunted by my past. Para akong bata na kinukwentuhan ng mga bagay na ginawa ko noon pero ako mismo walang maalala."
BINABASA MO ANG
I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]
Teen Fiction[SEASON 1] I have him. He have her. I'm a fragile girl; he's an annoying gangster. Me and him belongs with somebody else already when the damn fate played along our way. Because of wanting a revenge between the two gangster groups. He protects me ju...
![I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/13461053-64-k121533.jpg)