IEWAG-13: Preparations
Aizer Matt's POV
"Sigurado ba kayong ayaw nyong magtable ng babae? Tsk.." tanong ni Stevenson.
"Lul! Gusto mong samain ako kay Love?" himutok naman ni Alfarero.
Taena. Bakit bigla kong naalala yung naghagis ng bola sakin sa mukha? Ano nga uli pangalan nun? Isaw? I....Isa? Dalawa? Tatlo?
Ewan. Kundi lang yun babae matagal na yung nagkapasa sakin. Mukha bang ring ang mukha ko? Sa gwapo kong to.
"Dude. Iniisip mo na naman si admirer mo nu?"
"Tigilan mo ko Stevenson, masasapak kita" banta ko kahit parang hindi ko mapigilang mapangiti.
Tae! Ang bakla naman nito!
"HAHAHAHA!!"
"Inlove ka na bugok!"
"Binyagan na yan!"
Bigla nila akong sinakmal at pilit na niyakap. Taenang mga bugok na to! Mamaya kayo sakin!
"Stop with the crazy thing" si de Silva ang nagsalita. Galit yan pero mahinahon.
Unlike Mr.the Great. Wala ng K-KJ pa sa taong yun. Buti nga hindi sumama eh.
Tumigil nga kami dahil kinikilala din syang isa sa mga pinuno ng gang namin.
Si Mr.the Great, sya ang pinuno ng mga pinuno. Naguguluhan ka ba? Ganun talaga kapag gwapo ang narrator. Hahaha!
Nagorder sila ng dalawang case ng beer at sinimulan ng lagukin.
"Tuloy ba ang plano?"
"Kailan ba hindi natuloy ang mga plano natin?"
We all heaved a sigh. Wala kaming magagawa kundi paglayuin ang dalawa.
Ezekiel and Riri.
"There's no assurance that Ezekiel probably likes Riri. Alam naman natin yung mga tipo nya diba?"
Right. Alam naming imposible talagang magustuhan ni Ezekiel si Riri. He's already head over heels with France.
Kailangan lang talaga namin ng reason na maibibigay para kay Riri.
"Either he likes Riri or not. We need to continue the plan" de Silva added.
Ayaw lang talaga naming masaktan ang prinsesa namin. Si Francine.
Itinuring namin sya bilang tunay na kapatid. She's the reason why we are still breathing. For 3 years.
3 years we free our hearts from hatred.
3 years we forget about our avenge.
But now, sa tatlong taong pagtatago ng lampang leader ng 51 RedStains. Unti- unti na naman syang nagpaparamdam.
First to mention. Paglayuin ang isang Zorchmann at isang Lopez.
Kundi papatayin nila ang natitirang myembro ng Z-Dragons. Ang mga magulang namin.
Hah! Mga tae sila! Kaya pala hindi nila inubos dati para may magamit sya.
Taena ka David Thompson. Kung saan kaman nagtatago ngayon sisiguraduhin kong ako mismo ang maghahatid sayo sa impyerno.
BINABASA MO ANG
I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]
Fiksi Remaja[SEASON 1] I have him. He have her. I'm a fragile girl; he's an annoying gangster. Me and him belongs with somebody else already when the damn fate played along our way. Because of wanting a revenge between the two gangster groups. He protects me ju...
![I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/13461053-64-k121533.jpg)