IEWAG-4: Hot Master [?]
Kevin's POV
Putaktee ka talaga Levi (A/N: read po sya as 'Livay') Ezekiel Zorchmann.
Ang laki mong epal sa buhay ko. Lahat kayo ng Z-Dragons.
Ipinatong ko ang braso sa noo ko habang nakahiga at nakatingin lang sa kisame.
I gritted my teeth. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla ay sinugod nila ako matapos ang mahabang panahon na wala kaming pakialam sa isa't isa.
Nakita kaya nila nang halikan ako ni Dana? Aish. Bwiset din kasi ang babaeng yun. Habol ng habol! Sarap sapakin!
Pero, amputa! Hindi kaya sabihin ni Zorchmann ang nakita nya kay Marie?! Damn! Hindi pwede!
Bigla akong napabalikwas ng bangon. Kilala ko si Zorchmann. Isang kababata. Isang matinding kaaway.
Posibleng gamitin nya ang nakita nya para makaganti.
I closed my fist. And I felt the lust in blood to kill him.
Not now. It's too early.
Tumayo ako at "AARGGGHHHHH!"
Kumikirot parin ang sugat ko sa tagiliran. Nadaplisan kasi ito ng bala. Dahilan para hindi ako nakadepensa sa mga kupal na Z-Dragons kanina.
I grinned. Gago din naman kasi si Thompson. Hindi marunong umasinta ng baril. No wonder kung bakit laging nakaasa sa mga alagad nya at nagtatago sa Great Wall of China.
Humakbang ako palabas ng kwarto. Wala naman akong ibang iniindang sakit maliban sa tagiliran ko.
"Mr. Lagdameo! Hindi pa po kayo pwedeng lumabas!" pigil nung nurse sakin.
"Okay na ko." dirediretso lang ako at hindi sya pinansin.
"Pero Mr. Lagdameo---"
"Say what?!"
Natakot yata sya kaya hindi na nagsalita. Napailing na lang ako.
Pumunta ako sa SSC room. Based on her schedule, nandun sya kapag ganitong oras.
Yeah. I know it. Pero hindi nya alam. Hindi nya alam na lagi kong inaalam lahat ng tungkol sakanya. Hindi nya alam na lagi akong nagbabantay sakanya.
She'll get mad at me kapag nalaman nya so I'm keeping it as a secret.
"Ahahay! Ang gwapo mong best friend Miss Pres sinusundo kana!!" sigaw nung bakla nang makita ako.
"Ano?!" narinig kong gulat nyang tanong tsaka sya sumilip sa pinto. Mabilis syang tumakbo palapit sakin at nagtago kami sa isang sulok.
"Yam! You're supposed at the clinic now! Dali na! Ihahatid na kita!" galit ngunit kitang nagaalala ang mukha nya.
Hay. Kaya mahal na mahal ko ang babaeng to eh.
"I'm fine already." I lazily retorted.
Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at tiningnan ako ng diretso sa mga mata.
"You. Are. Not. Don't be such stubborn okay?"
Napangiti ako. I can't help this but her unresistable lips were tempting me.
TSUP!
Nanlaki ang mga mata nya at napahawak sya sa labi nya habang tulala.
"Iuuwi na kita." I held her hand and started to walk while she's still spacing out.
![](https://img.wattpad.com/cover/13461053-288-k121533.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]
Teen Fiction[SEASON 1] I have him. He have her. I'm a fragile girl; he's an annoying gangster. Me and him belongs with somebody else already when the damn fate played along our way. Because of wanting a revenge between the two gangster groups. He protects me ju...