IEWAG-6: The Robot's Love

28.5K 636 10
                                        

IEWAG-6: The Robot's Love

Sasagutin ko ba o hindi?? Nako naman. Magdecide ka na Marie! Baka kasi sigawan na naman ako nun eh. Tapos birahan ng mga warning lines nya.

Takot ko na lang dun -.-

Tsaka ko napansin na umuulan pala. Lalo tuloy lumamig.

KRING!

I pressed the answer button. Bahala na nga.

"H-Hello?" Napapikit ako. Ineexpect ko kasi na sisigawan nya agad ako pagkasagot ko.

(.....)

"Hot master?" promise, gusto kong masuka sa sinabi ko.

(.....) Anyare? Bakit hindi sya nagsasalita?

"Yuhooo! Levi.... andyan ka pa ba?"

(.....*rain drops*) Inulan din kaya yung dinner nila? Successful kaya? Wahhh! Sana oo kasi kung hindi, katapusan ko na!

"Hoy! Robot gangster, ibababa ko na to. Inaantok pa ko eh!" alas dose pa lang kaya ng hatinggabi. Hayy...

(..*rain drops*....*sighs*....*rain drops*...... s-she didn't make it.)

Oopsss. Hanla! Nasapak ko tuloy ang sarili ko. Epic fail yata ang nagawa ko! Siguro nagpa-plano na sila kung paano ako kikidnapin sa school tapos bubugbugin tapos chochopchopin tapos--- hayyy! Nagiging OA na naman ang mga naiisip ko.

"I-I'm sorry to hear that. . ." makikisimpatya na lang ako kunwari. Baka mabigyan nya pa ko ng second chance!

Pero teka. . . yung boses nya nakakapanghina. It was very hopeless. First time ko syang makausap na hindi sumisigaw.

Pakiramdam ko ibang Levi ang kausap ko ngayon. Yung hindi parang Leon kung magalit. Parang anghel yung boses nya.

Sana pala ganyan na lang sya lagi. . .

(..*rain drops*... It's okay. *rain drops* MR.THE GREAT! SUMILONG KA NA! BASANG BASA KA NA OH!)

Hala. Wag mong sabihing. . .

(*rain drops* I'll hang up.)

Dial tone na lang ang narinig ko sa phone. After the call. Nahiga na ko sa kama ko. I tried to fall asleep. But I can't. Para kasing nagi-guilty ako na ewan.

Parang gusto kong alamin yung nangyari sa dinner nila.

Before I knew it nakasakay na ko sa Honda civic ni Dad. Takas lang po ito. Huwag tularan. Hahaha!

I reached the park. Kumuha din ako ng payong dahil sobrang lakas ng ulan.

Malayo pa lang tanaw ko na ang apat na lalaki na may tigisang payong habang nakatingin lang sa lalaking nakaupo.

Nakayuko sya habang ang ulo nya ay hawak ng dalawang kamay na nakatukod sa tuhod nya.

Parang may pinaglalamayan ang scenariong ito -.-

"Helloooo..." bati ko sakanila.

"Oi. Ikaw pala yan Riri. Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Aiz.

"He called me on the phone..." sabay tingin kay Levi na parang nagluluksa pa rin.

"Huh?" sabay sabay nilang sabi.

"So ikaw yung kausap nya kanina?" I shifted my glance to Kaiz.

"Yeahh. Bakit gulat na gulat kayo dyan?"

I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon