IEWAG-35: Her Dark World
Isha's POV
Tulala. Laging wala sa sarili. Humihinga pero parang patay.
She's not my bestfriend I've known for 12 long years. How much I pity her right now. How much we wanted to comfort her. Pero hindi namin alam ang dapat gawin.
"Sagrada.." I called her. Ayun, tulala pa ring nakadungaw sa bintana ng kwarto nya.
One week passed after their engagement, eto sya ngayon, miserable. Tuwang-tuwa na kaya si Zeke ngayon?
"Kung ipasyal kaya natin sya?" Zoe suggested.
"Oo nga, baka matagal na syang hindi nakakapunta sa park kaya mukha na syang zombie. Kaya ayaw kong nags-stay sa bahay eh." Lexi pouted. Hilahin ko ang nguso ng balahurang 'to eh.
***
"Bakit nyo ko dinala dito." Hindi ko alam kung tanong bang maitatawag yun. All I know she's incredibly giving us a cold treatment.
"To unwind." Inakbayan ko sya. She looks at me coldly. "Para kalimutan ang mga bagay na ayaw mo ng maalala."
She smiled in a sarcastic way. Our jaw dropped. Tinanggal nya ang kamay ko mula sa balikat nya at nagsimula syang maglakad palapit sa isang puno.
"Nag-iisip pa ba talaga kayo?" Ngumisi sya. "Only death and amnesia can erase all those memories happened before. Kahit pa sabihin mong nakapag-move on kana."
Nagkatinginan kaming tatlo.
Dapat masama ang loob namin sakanya. We were best of friends. Pero bakit hindi nya sinabing secretly in a relationship sya kay Kevin? Kaya naiintindihan namin sya. Kung bakit sya nagkakaganyan.
Kevin left her without a single word.
Isa sya sa mga taong umaasa sa forever. Pero hanggang asa na lang talaga.
"Can I call myself selfish if I wanted to die right now?" Simpleng sabi nya. Hindi na sya umiiyak ngayon. Marahil naubos na ang mga luhang binuhos nya sa loob ng isang linggo.
"Oo." I answered straightly. Tumingin sya sakin na blanko pa rin ang ekspresyon.
"Maraming nagsakripisyo madugtungan lang ang buhay mo Marie. At hindi ko lubos maisip na, that simple infatuated love of yours halos ikamatay mo na!" Hinawakan nina Zoe at Lexi ang balikat ko.
"Nagsakripisyo kaming lahat para sa'yo. Sana man lang makita yun. Gaya ng pagpapahalaga mo kay Kevin!"
Inalis ko ang kamay nila sa balikat ko at tumakbo paalis. Naramdaman kong sumunod silang dalawa sakin. Ugh! Minsan talaga kailangan mong gisingin ang mga tao sa katotohanan. Yeah, it hurts me too. But she has to face the truth at magiging madali na ang lahat para sakanya.
Aizer Matt's POV
"CHEERS!" nagtawanan lang kami tsaka ininom ang tequila sa shotglass namin. Napatingin ako kay Ezekiel. Tsk. KJ talaga.
"Mr. the Great, lalim yata ng iniisip mo?" Pansin ni Kaizen sakanya.
"Syempre! Malalim talaga si Marie!" sigaw ni JM. Nagtawanan naman kami nung magets namin.
"Tsk. Kahit kailan hindi ko iisipin ang iyaking babaeng 'yun!" Nagtawanan ulit kami. Narinig naming nayupi ang lata ng beer na kuyom nya. Natigilan kami.
"Ehem." I cleared my throat. Pota lang. Nakakatakot na naman ang gago.
"Pero real talk Mr. the Great, kung parehong nanganganib ang fiance mo at ang ex-girlfriend mo, sino ang first priority mo? Is it Marie or France?" Ang hilig talaga sa mga laro ng babaeng 'to.
BINABASA MO ANG
I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]
Teen Fiction[SEASON 1] I have him. He have her. I'm a fragile girl; he's an annoying gangster. Me and him belongs with somebody else already when the damn fate played along our way. Because of wanting a revenge between the two gangster groups. He protects me ju...
![I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/13461053-64-k121533.jpg)