IEWAG-39: Offlimits
"Woman, you want me to carry you all the way so that you can walk faster?"
This gangster turned around with me showing his magnificient messy blonde hair and disgusted head-turning face. Didn't even mind about combing his hair? I seriously hate him for this outcome. Sighs.
Yeah right, to hell with this hot dude.
Sabay nga pala kami papuntang school. Nauuna sya saking maglakad habang ako todo ang dabog sa paglalakad dahil hindi ako nakapag-breakfast kanina.
Pano ba naman kasi? Ang sarap sarap kayang matulog! Tutulo pa lang nga ang laway ko ginigising na nya ko agad.
Ang matindi pa, SYA NA TALAGA SI HOT MASTER! SYA NA! Panay ang utos na bilisan ko daw! Ang ending? Sipilyo at shower lang ang nagawa ko dahil sa sobrang taranta ko kay Levi.
Ahh! Naiinis na talaga ako sa buhay ko! Sabi ko na eh! Impyerno talaga ang buhay ng may gangster na fiance!
"Aww!" Hinawakan ko ang noo ko na pinitik nya ng pagkalakas-lakas. Teary eyed ko syang tiningnan. Ang sakit kaya! Huhuhu.
Narining ko syang mahinang nagcuss at frustrated na sinabunutan ang sarili. Parang nagsisisi sya sa ginawa nya ganun? Hay Marie! Nagiimagine ka na naman!
"Tsk. Kung sana nakikinig ka sakin hindi ka na nasaktan." I glared at him.
"Sira ulo. Bakit lahat ba ng sinasabi mo may katuturan?!" Sya tong basta basta na lang namimitik ako pa sinisi.
Nagulat ako nung lumapit sya sakin at tanggalin ang kamay kong nakahawak sa noo ko.
He moved closer to mine. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Hinawi nya ang hibla ng mga buhok na tumatakip sa mukha ko at naramdaman ko ang marahang pagihip nya sa noo ko.
Argh! Bakit ganito?! Bakit may nagwawala sa loob ng sikmura ko? Bakit parang nasa heaven na ko?! Bakit lumulundag ang puso ko sa dibdib?
"Masakit pa ba?" Tiningnan nya ko ng diretso sa mga mata habang hawak pa rin ang ulo ko.
Err. Sobrang lapit! 'Yung magaganda nyang mata nakakadistract! >,<
"Uhm." I simply nod while looking away.
I heard him sighed. Umayos sya ng tayo habang malayo pa rin ang tingin ko.
Narinig ko ang pagbukas ng zipper ng pantalon ay este ng bag nya at ang kaluskos ng plastic.
"Mahirap magaral kapag walang laman ang tyan." Simpleng abot nya sakin ng sandwich na nasa sandwich bag pa.
Papalit-palit ang tingin ko sa sandwich at sa mukha nyang walang emosyon.
"Pch." I grimaced and crossed my arms rolling my eyes.
"Ayaw mo?" A lifeless tone.
Napatingin ako sakanya. Para saan pa ang pride di ba? Gutom na ko pride pa rin nasa isip ko? Pch. Kukunin ko na nga lang kahit sandwich lang okay na.
Kukunin ko na sana nang ibalik ni Levi sa bag nya 'yung sandwich.
AMPH!
SANDWICH KO! WAAH! TAYO'Y MAGLUKSA SA KATANGAHAN KO!
I pouted. "Isaksak mo sa baga mo yang sandwich mo-" I was cut off when he offered a lunchbox in front of me. Ang daming pagkain! Biglang nagdiwang ang mga bulate ko sa tyan!
"Didn't know what's your favorite food. So here. I made options for you." Kakamot-kamot nyang sabi na tila mahihiya sa ginagawa nya. C'mon, he's a gangster and yet knowing this kind of stuff? Its not really him. Baka naman angel doppleganger nya lang to?
BINABASA MO ANG
I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]
Roman pour Adolescents[SEASON 1] I have him. He have her. I'm a fragile girl; he's an annoying gangster. Me and him belongs with somebody else already when the damn fate played along our way. Because of wanting a revenge between the two gangster groups. He protects me ju...
![I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/13461053-64-k121533.jpg)