IEWAG-46: No Filter

20.8K 496 8
                                    

IEWAG-46: No Filter

Sacred's POV

"Nice blocking, Lopez! Keep it up,"

"Thanks, coach." He tapped my shoulders before leaving.

"Naks, bumabawi sa absents ah?" Sabi ni Krizzy at kinuha ang bag nya. 'Yung bag na parang sasayad na sa sahig? Basta ganun.

"Syempre. Uso naman ang bumawi di 'ba?" Sagot ko nang nakangiti.

"Tss." Rinig kong usal ni Isha kaya siniko ko sya. Yeah, she knows I'm hardly forgetting about a thing kaya pumasok ulit ako sa team.

To forget.

Again.

Pwede bang mabaril ulit sa ulo then magkaamnesia ulit?

Pucha.

"At dahil kumpleto ang team, ice cream tayo! My treat!"

Ice cream.

Sh*t.

Favorite nya 'yun.

"Maybe, next time girls. Promise sasama kami."

"Hmp! Ang KJ nyo naman! Sige na nga!"

Umalis silang tatlo at naiwan kaming dalawa ni Isha.

"Okay ka lang?"

That question broke the hell out of me. Parang bala ng kanyon na sumapol ng bongga sakin.

Okay nga ba ako?

I'm not hypocrite to answer yes.

"Walang nagbago, Sacred."

It was once played at the back of my head.

Marahan akong umiling at naramdaman ko ang yakap nya sakin.

"Nandito lang ako. Umiyak ka hangga't gusto mo."

Lalo akong umiyak ng balde-balde habang nakatago sa dibdib ni Isha. Alam mo 'yung the best comfort sa mundo? 'Yung galing mismo sa tunay mong kaibigan eh.

'Yung hindi ka iiwan kahit na anumang mangyari.

I can feel freely to cry.

Lumipas ang ilang minuto at tumahan na ako.

"Feeling better?" Tumango ako habang nakangiti at pinupunasan ang mga luha ko.

"It's normal to cry. Remember, even clouds are crying when they can't carry the rain anymore."

"G-Gusto ko lang namang makalimot kahit sa.. kaunting oras lang."

"Marie, hindi lahat ng bagay na masasakit kinakalimutan na lang. Sometimes it make us tougher. 'Yung kahit maalala mo man every second, hindi mo na maaalala 'yung katangahan mo kundi 'yung gaano ka katapang para tanggapin ito."

Napangiti ako sa lintanya ni Isha. Minsan din pala may pakinabang ang babaitang 'to.

"Nga pala." I glanced at her. "Kaizen just texted me. Gising na si Aiz."

~*~

I was rushing to reach Aiz' room. Nangunguna ako kay Isha na hindi ko alam kung bakit ayaw nyang sumama pa sakin sa loob.

Binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang buong miyembro ng Z-Dragons maliban sa Mr. the Great nila.

"AIZER!" Natigil sila sa kwentuhan nang sumigaw ako at lumapit sakanya.

I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon