Special Chapter *LeNzell*

6K 83 2
                                    

Para sa slowpoke tandem! Lexi Melchor and Ranzell Stevenson's Special Chap :)

Ranzell's POV

"Classmate, anong iniisip mo dyan?" Tanong sakin ni Lexi habang naghahanap kami ng mererentahang cottage dito sa Picnic Grove.

"Huh? Paano mo nalamang may iniisip ko?" Nagtaka ako.

"Wala naman... naisip ko lang din..." humagikhik naman sya. Cuteee!

Napangiti ako sa sinabi nya. "Haha! Destiny talaga tayo. Pareho tayong nagiisip. Haha!"

Pinamulahan tuloy ng mukha si Lexi. Hala? Bakit kaya?

"Hoy dalawang engot!" Lumingon kami sa sumigaw.

"Ang sakit mo magsalita, Alfa ah!" Sumunod na kami sa cottage na nahanap nila.

"Oppps. Sorry dude. Tinamaan ka ba?" Hinampas nya ang dibdib ko. Banas na hinawi ko naman iyon.

"Okay lang kahit ako eh. Huwag mo namang idamay si Lexi dude." Paliwanag ko.

Maya-maya pa ay tumayo si Lexi na umiiyak. Sinamaan ko naman ng tingin si Kaizen na umaatras na ngayon.

"H-Hoy hindi ko yan pinaiyak!!" Defensive ang kumag.

"Ranzell.... tinamaan ka nga ba talaga kay Kaiz?" Biglang tanong ni Lexi.

"Huh?" I frowned.

"Siya na ba ang type mo at hindi na ako? Hindi mo na ba ko liligawan?"

"Oo, tinamaan ako sakanya. Ayos lang kahit ako Lex. Basta wag ka lang." Pinunasan ko pa kunwari ang mga mata ko.

"HUHUHU! GAYS! MAG SAMA KAYO!" napanganga ako habang pinapanuod syang tumatakbong palayo.

"Anak ng tokwa. Ako? Bakla?" Hindi makapaniwala si Kaizen habang nakaturo sa sarili. Nasapak ko na nga siya.

"Kasalanan mo 'to, eh!" Angil ko sakanya.

"Iyang katangahan ng girlfriend mo ang may kasalanan. Aish! Naha high blood ako sainyo! Dyan ka na nga!" Sabay walk-out niya.

Lumapit na lang ako kay Zoe at sinumbong ang ginawa ni Kaizen samin kanina. Tumigil naman ito sa pagpipicture at galit na sinugod si Kaizen.

"UNGGOY KA! HALIKA DITO!" lumapit naman ang walang malay na si Kaizen.

"Bakit, Love?" Malambing pa nitong saad.

Hinila na lang bigla ni Zoe ang tainga nya. "Ikaw talaga! Diba sabi ko tigilan mo na yang mga pang aasar mo!!"

"Aray! Aray, love! Masakit na! Tsk! Marami ng natingin oh!" Kaizen almost pleaded.

WAHAHAHA. Nakaka tawa talaga silang dalawa. Wohoo! Nag eenjoy agad ako.

"Kahit dito sa Tagaytay hindi ligtas si Kaizen sa brutal nyang girlfriend." Tumatawang sabi ni Aizer na prenteng nakahiga sa duyan at naka wayfarers pa.

I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon