IEWAG-41: 3 Years Ago [part 1]

22.5K 491 3
                                        


__________________________

IEWAG-41: 3 Years Ago [part 1]

"Ilang taon ka na?" Tanong ng dalagita na animo'y isang living barbie doll sa ganda nito.

"16" malamig na tugon ng binatilyo.

Nangasim ang mukha ng dalagita at pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib.

He talks a bit. He's mood is always serious. He cusses at a very young age.

"Ano ba naman 'tong iniwan sakin ni Mommy. Parang robot. Isang tanong, isang sagot." She murmured. Her parents were out of town kaya naiwan sakanya ang anak ng matalik na kaibigan ng Daddy nya para bantayan sya. Ito ang nagsisilbing butler nya pansamantala.

"Young lady, kailangan mo ng kumain." Nagulat sya nang tumayo ito sa harapan nya at alalayan sya papunta sa malawak nitong dining room.

Mahabang marble table ang naroon. Isang mamahaling pinggan. Mga kubyertos. Mga pagkaing nakahain. At nakalinya naman ang mga katulong sa gilid na parang estatwa.

"A-Ako lang ang kakain?" Tanong nya ulit sa binatilyo. Tinitigan nya ang mga mata nito. Hindi nya maipaliwanag kung bakit gustong gusto nyang titigan ang pares ng mga mata nya. Sobra syang nagagandahan dito. Hindi nya rin maitatago ang paghanga para sa lalaki.

The guy sighed and ruined his black hair disgustingly. She smiled. Ang robot palang ito ay cute kapag napipikon.

"Natural. Isang plato lang nakikita mo hindi ba?" Napangiti pa rin ang dalagita sa pagsusungit nito sakanya.

"Gusto kong kasabay kayong lahat kumain." Saad nya.

Lihim na natuwa ang mga kasambahay ngunit naputol ito nang magsalita si Zeke.

"No." Matigas na tugon nito. "Kakain ka ng mag-isa."

Agad syang ginapangan ng takot sa buong katawan. Mayroon sa pagkatao nya na maawtoridad at kaya kang pasunurin. But she's Sacred Marie Lopez. Matigas ang ulo since birth.

Sa halip ay nilingon nya ang mga katulong at pinaghahatak. "HALINA KAYO! KAIN NA TAYO!"

Sumunod naman ang mga ito. Ang iba ay nagsikuhaan ng pinggan at ang ilan ay umupo na. Ngunit nanatiling nakatayo si Zeke na halatang hindi nagugustuhan ang ginawang pagsuway sakanya ng alaga.

"I SAID SHE'LL FCUKING EAT THAT GODDAMN FOODS ALL ALONE. WHAT IN MY ORDER ANYONE CAN'T UNDERSTAND?!"

Natigil sila sa pagkuha ng pagkain at nagmamadaling nagsialisan. Agad namang sumimangot ang dalaga at tinulak si Zeke.

"What is your problem?! I really hate you!" Sinasalo ni Zeke ang bawat hampas ng dalaga. Saglit silang nagtitigan at sinabing-

".. but I like you."

Present

"ANO? SUMASAKIT KAMO ANG ULO MO?" sigaw ni Zoe habang tinatanggal ang headset sa tainga nya.

"Kailan pa nagsimula?" Tanong ng nagbabasang si Isha.

"Hindi ko alam." Walang ideyang sagot ko. Pero ang iniisip ko ay nagstart lang ito noong gabing isang buwan na ang nakakalipas- mula nang makaramdam ako ng matinding takot. Iyong tipong, pamilyar na takot na naramdaman ko noon pa.

I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon