IEWAG-56: Who Are You?

19.7K 413 0
                                    


Tatlong chapter pa pagkatapos nito. Maka-countdown lang eh noh? Haha.

IEWAG-56: Who Are You?

I dreamt of an almost true incident. Totoo nga ang sinabi sakin ng Z-Dragons, ni kuya Drake at ni... Isha.

"Si Gian talaga ang totoong bumaril sa'yo, Maria." Sabi nya. Nasaktan ako sa narinig ko. All this time I thought Levi was the criminal here. Gago pala ang pinagkatiwalaan ko.

"Ang naaalala ko lang kasi... si Levi 'yong may hawak ng baril na nakatutok sakin. He pulled the trigger of the gun straight on my head, Ish." Hikbi ko.

Umiling sya. "I was there. Hindi 'yon pinutok ni Zeke kasi hindi nya talaga kayang gawin ang utos ng kapatid nya. He loves you head over heels. Kaya si Gian na ang gumawa. Hindi mo lang napansin kasi nasa likod mo sya."

"Bakit ngayon mo lang sinabi, Isha? I've been in the darkness yet you didn't helped lighting me up!" I yelled.

"Natatakot ako. I admit. Tutol ako sainyo ni Zeke. I don't like him for you mga bata palang tayo. Kapatid nya ang bumaril sa'yo, Rie... I loathed him from that moment. I'm sorry." Yumuko sya at narinig ko ang pagsinghot nya.

"Pero ngayon... napatunayan ko na. That even in his last breathe he will always be your saviour." She added.

Mapait akong ngumiti at pumatak ang isang luha ko. Niyakap ko sya na halatang ikinagulat nya.

"Hindi ka ba nagagalit sa paglilihim ko sa'yo?"

Umiling ako. I brushed my fingers down to her straight hair.

"I'm done of planting so much hatreds in my heart, Isha. Look what I got? I lose him. Ayoko na. Ayoko ng ilayo ang sarili ko sa mga mahahalagang tao sa buhay ko."

At iyon na ang huli naming paguusap bago ako ipatawag ni Daddy para kausapin sa library nya dito sa bahay.

"We're staying at Vancouver for good." Dad announced.

Sandaling napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. Parang nanghina ang mga buto ko at may bumara sa lalamunan ko.

"How about, Levi, Dad? I can't leave him with all that!"

For heaven's sake! Comatosed sya sa ospital. Walang magbabantay sakanya. At kung sakali, gusto kong nandyan ako sa tabi nya kapag nagising sya.

Marami akong gustong sabihin. I want to say sorry. I want to say I love you. I want to say I miss you.

"Hindi mo na sya fiancee, baby girl. The contract is over. He isn't your responsibility anymore!" Sigaw ni Dad kaya medyo napaatras ako.

No. It can't be. He's forever mine. Nothing's over. Hindi ko matatanggap iyon.

"But my love for him isn't over! Dad... mahal na mahal ko po sya. Dad... I can't afford to lose him for the second time! Dad..." Humikbi na ako.

Narinig ko ang mabigat na buntong hininga nya. Marahan syang tumango at hinawakan nya ang magkabilang balikat ko.

"Bibigyan kita ng dalawang linggo para makasama sya. Right after that we are going to Canada, magising man sya o hindi." Desidong sinabi ni Dad.

I didn't like his plans for me but for Levi I will take every risk. Would a span of two weeks will be enough with him? Lalo na kung wala syang malay at nakaratay sa kama? Nah. Even a forever with him wasn't enough for me!

"Dad... what can I do to change your mind? What if I choose to stay here?" Please, Dad. Just please forgive me.

"I'm sorry, baby girl. You can't stay here. Dalawang linggo lang ang kaya kong ibigay. This will always be for you. Please... understand." Hinalikan nya ang ulo ko. Umiling si Dad sakin bago sya umalis at maglaho na sa paningin ko.

I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon