IEWAG-22: Gian Redford Thompson
Isha's POV
"ANO? MAY DATE KAYO NI AIZ MAMAYA!?" Gulat na sigaw nila sakin habang nanlalaki ang mga mata. Gulantang talaga sila sa sinabi ko. Mga impaktang ito! Shocking ba talaga?
Nandito pala kami ngayon sa grandstand ng football field. Kaming tatlo lang. Wala si Sagrada eh. Buti nga hindi na sya binubully at pinapaalis sa school ng mga schoolmatea namin. For sure, influential na naman yan ng Z-Dragons. Sigurado akong sila ang nag utos sa mga iyon. Tek talaga sila.
She's now taking up special quizzes of three subjects dahil absent siya kahapon. Nakapag aral naman siguro ang babaeng yun.
"So, anong plano mo? May damit ka na bang susuutin? How about make up? Sinong mag aayos sayo?" asked Zoe hysterically.
Minsan lang akong mag-open up ng tungkol sa mga ganito. Kailangan lang talaga kasi-- after nung incident sa Mall, remember? Pinagalitan ako nun ni kuya kasi nagdiditch daw ako ng class. Hindi naman diba?! Pss. Tapos dapat daw before 5 nasa bahay na ko, kung hindi.... God knows what!
How I hate curfew hours!
"Hindi na nga matutuloy eh." Wala sa loob kong sagot sabay hinga ng malalim.
"WHAT?! BAKIT NAMAN?!" Sobrang panghihinayang ang nasa mukha nila.
"Nandun kayo nung pinagalitan ako ni kuya Drake diba?!"
"Oh? Ano ngayon?"
Nyemas talaga. Bakit ang bopols ng dalawang ito?
"HINDI KO NGA SYA MASISIPOT KAYA GUSTO KO KAYO ANG MAGSABI KAY AIZER MATT!"
They both frowned and arched their eyebrows on me.
"Bruha, takasan mo na lang kasi ang kuya mo!" Lexi once suggested.
"Ayoko pang mamatay nuh." Umirap ako sa hangin at nangalumbaba sa harap ng field.
"Ha? Sabi ko tumakas hindi magsuicide! Bingi ka na ba?" Sinapak ko na nga. Ako pa ginawang bingi? Akala mo ang talino niya! Tek.
"Masakit yun, Amasona!" Reklamo nya habang hinihimas ang ulo. Hindi ko na lang siya pinansin at inisip kung paano ko ba kakausapin si Aizer. Aish!
Kung paano ko sasabihin sakanya na hindi tuloy yung.... yung.... argh! Alam nyo na kung ano yun!
Teka, bakit ba ko namomroblema?! Ano naman kung hindi ko masabi sakanya?! Buti nga at maghihintay siya sa wala! Ganti ko na rin yun sa mga pinaggagagawa nila kay Sagrada! Tama!
"Bakit hindi na lang ikaw magsabi? Tamang tama oh! May practice sila!"
Napatingin ako sa football field. WALANJO! Pinagsisisihan ko na ang pag alok sa kanila ditong tumambay habang vacant time!
Pumito yung coach nila tsaka nagsimula yung game. Seryoso lang akong nakatingin sakanya. Tama bang paghihintayin kita dun sa wala?? Deserve mo naman yun diba??!!
He suddenly winked at me with a playful smile touching his lips. Punyemas na lalake to! Feeler talaga.
"Uiiiii! Kinindatan sya ni palalabs! Hahaha!" And they mockingly laughed at me.
Sige, mang-asar pa kayo. Gaganti rin ako mamaya. Hmp.
"GO NUMBER EIGHT!! FIGHT! FIGHT! FIGHT FOR ME!! IKEEEEE!!!"
Malalaks na sigawan ng mga julanding babae dito sa grandstand. Sabi nila magaling daw si Zeke magsoccer. Hmm, matingnan nga.
"Go Zorchy!" sigaw naman nung napakagandang babae di kalayuan samin.
BINABASA MO ANG
I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]
Teen Fiction[SEASON 1] I have him. He have her. I'm a fragile girl; he's an annoying gangster. Me and him belongs with somebody else already when the damn fate played along our way. Because of wanting a revenge between the two gangster groups. He protects me ju...
![I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/13461053-64-k121533.jpg)