IEWAG-17: Too Late

24.6K 564 9
                                        

IEWAG-17: Too Late

Alexandra's POV

"Bakit ka pa kasi nakipaghiwalay kay Lopez-girl?! Hindi ka ba nag iisip?!"

Kung makapagsalita tong si Jannica parang wala syang kasalanan sa nangyari. Tch!

"Tigilan mo ko Hepworth. Hindi mo alam kung anong sinasabi mo."

Madiing sabi ni Kevin at saka sya binigyan ng matatalim na titig ni Drake. Psh. Kailan ba magbabati ang dalawang to?!

"Fine. Just make things up between you and that Lopez-girl before it became too late!" Napairap ako sa hangin. Naiinis pa rin ako sa kahibangang ginawa ni Jannica kahapon.

And she really has the guts to tone her voice up right now?

"Alright. Eh si Zorchmann ba at du Maurier gusto mo rin bang magkaayos?"

Napailing na lang ako sa sinabi ni Kevin. Hilig niya talagang asarin si Jannica.

"How dare you!" namumula na tuloy sa galit si Jannica.

"Enough. We're here for the plan not for that." naiinis na ring sabi ni Drake. Nag seselos ka lang, sabihin mo.

"Chen, where's McKlein?" Biglang tanong nito sakin.

I shrugged. "Hindi ko alam. Busy sa new toy nya?" Bwiset. Bakit pa sakin tinanong kung asan ang gaging Luther na yan. Pakialam ko dun?

Drake sighed and went out to the kitchen to get some can of drinks on the fridge.

"Walang kwenta talaga yun." bulong ni Drake. Kumuha din ako ng isang lata ng beer na dala niya atsaka diretsong ininom.

"Anong plano nyo?" interesadong tanong ni Kevin.

Minsan naiisip ko, tama bang pinasok sya ni Big Boss sa grupo? Ano nga bang magiging papel niya sa plano namin?

"Kapag tinanggap na ni Marie ang arranged marriage nila, wala tayong magagawa kundi pigilan ang engagement sa mismong araw ng debut nya." Seryosong wika ni Drake atsaka kinuha ang dart para targetin ang bilog sa gitna ng dart board.

"Wait! Don't tell me papatayin nyo si Marie?!" Kevin said almost hysterical. Napatayo pa ito at namumula ang mukha sa galit.

"Chill man, sa tingin mo magagawa namin yun?"

Kumalma na si Kevin at nagsindi ng sigarilyo. Kapag gumaganyan yan, panigurado kinakabahan ang kumag.

"Tatakutin lang natin ang mga Lopez. We're going to caught her during the celebration. Saka natin palalabasin na ang mga Zorchmann ang may pakana. With that, aatras ang Lopez sa kasunduan nila." mahinahong salaysay ni Drake. Napatango naman ako. The plan was still not clear to me. Pero okay na din as long as magtagumpay kami.

"Bakit hindi na lang natin patayin ang mga Zorchmann?" kating-kating sinabi ni Kevin. Napangisi ako sa guts niya.

"Don't be so full of yourself, Lagdameo. Hindi sila parang isang kuto lang na kaya mong tirisin. Isa pa, we are not even licensed yet."

Sa grupo namin, kailangang lisensyado ka muna bago ka pumatay. Kapag nalaman ng mafia na pumatay ka without being permitted, ikaw ang susunod sa pinaslang mo.

Masyadong maingat at matalino si Big Boss. Baka kasi kapag marunong na kami, kami mismong alagad nya ang tumira sakanya ng patalikod.

"Ipangako niyo sakin na hindi mapapahamak si Marie." Kevin said while clenching his fist.

I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon