IEWAG-24: The Revelation
"L-Levi...?" gulat kong tanong.
Nakita kong nagulat din sya. He's shivering, Ghad! Ang init nya! Sakitin ba talaga sya? Or mahina lang talaga ang immune system nya pagdating sa panahon?
"Wha-What are you doing?!" kahit giniginaw na sya matapang pa rin.
"Sssh... I'm trying to give you a body heat. Don't put malice, k?"
I felt him hugging me back. Hindi ko alam, pero kakaiba sa pakiramdam.. parang milyon-milyong boltahe ang dumaloy sa buong katawan ko. Weird. Tch...
Bale yung posisyon namin eto...
Nakaupo ako ng diretso, sya naka side na nakayakap sakin. Bale yung mukha nya nakasubsob sa leeg ko. I can feel his warm breathe.
Ewan ko ba kung bakit nagwawala sa hawla ang puso ko ngayon. >///
"Ma! Dito na lang po!" pumara ako at itinigil naman nya sa tapat ng subdivision namin.
Marahan kong tinapik ang pisngi nya. Nagising naman sya. Sabi nya kaya naman nyang maglakad. Nagbayad ako sa konduktor at binuksan ulit yung payong ko.
Pinayungan ko sya pababa. Sa bahay na lang muna siguro sya, wala naman sina Mom and Dad eh.
"Our highness!" sigaw nung guards sa gate namin nung makita kami.
"Iakyat nyo po sya sa guest room, please..."
Inilalayan nga nila. Sinalubong naman ako ng mga hysterical naming kasambahay at pinagpupunasan ako.
"Young lady, magpalit na po kayo ng damit! Magkakasakit po kayo!"
"Oo na po, pwede po paki asikaso nung kaibigan ko?"
"Sige po, Young lady!"
Umakyat na ako ng kwarto ko habang maraming katulong ang nagkakagulo sa likuran ko.
"Ang gwapo nung kasama ni Young lady!"
"Sinabi mo pa! Hihihi~"
Napailing na lang ako at nagmadali sa pagbihis.
"Young lady, nagluto po kami ng mainit na sopas... kain ka po"
"Ah sige.. paakyat na lang sa guest room..."
Pumasok ako sa guest room at kasalukuyan lang namang pinag papantasyahan si Levi ng mga kasambahay.
"Ehem!" lahat sila napatingin sakin "...ako na pong bahala sa kanya,"
"Ah..sige po Young lady!"
Lumabas nga silang lahat. Ano ba yan! Sinong naghubad ng shirt nya??
"Are you planning to rape me?" halos lumuwa yung mata ko sa sinabi nya.
"Hahaha! You're eyeballs! Its funny!"
"May sakit ka ba talaga o wala?"
"I have, for Pete's sake! Cant you see that I'm dying out of coldness here?!"
"Sabi ko nga!" nagsusungit na naman sya >__>
"Your maids are freaking me out. Their eyes are hella harassing me..." umupo sya at sumandal sa headboard ng kama. Kinuha ko yung bimpo at pinigaan sa basin. Ibinigay ko yun sakanya. Kaya naman siguro nyang magpunas ng katawan nya.
Napa-lip bite ako. What a view! Lord, nagkakasala po ang mga mata ko. Patawad Lord!
"Are you praying there?"
BINABASA MO ANG
I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]
Novela Juvenil[SEASON 1] I have him. He have her. I'm a fragile girl; he's an annoying gangster. Me and him belongs with somebody else already when the damn fate played along our way. Because of wanting a revenge between the two gangster groups. He protects me ju...
![I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/13461053-64-k121533.jpg)