IEWAG-40: I'm A Friend
[We're leaving. U take care huh]
Kanina ko pa pinagmamasdan ang huling SMS ni Levi. For a guy like him, especially a gangster, ang haba naman yata nyang magtext?
[K] reply ko.
Nagtataka kayo kung bakit may number ko na naman sya? He simply stole it from my phone at nagtext ng ganito habang nasa kalagitnaan kami ng klase.
Moron girl, save this hella number and it's an order. Got it?
Hindi ba? Pati sa phone communication umaariba ang pagiging Master nyang wala na yatang katapusan.
Nagulat ako nang biglang tumunog ang phone ko. Awtomatiko ko itong binuksan sa pagaakalang si Levi ang nagreply. Ewan ko ba. Para kasing nakakachallenge syang textmate.
Iyong tipong hindi mo alam ang irereply nya? Mas lalo naman sa personal. Walang nakakaalam ng mga tumatakbo sa utak nya.
Tulad ngayon. May lakad sya kasama ang gang nya. Makikipag-away kaya? Malamang sa malamang.
I opened the message to stop the overflowing thoughts on my mind.
From: Bru Isha
[Got home na q. Done na ba homeworks mo?]
To: Bru Isha
Dpa eh. Kala ko may curfew ka?
From: Bru Isha
Wat? Gawin mo na. Btw. Oo, pero wala si kuya Drake kaya ok lng.
May lakad si kuya? Saan naman sya pupunta? And speaking of Drake, matagal-tagal na rin buhat nang kami ay huling magkita. Busy kaya sya? Hmm. Should I visit him?
Tumunog ulit ang phone ko at halos lumuwa ang puso ko sa kaba nang makita ang pangalan sa screen.
From: Blonde Jerk
Tsk. Is only letter K available on your keypad? Are u okay there? Maging alerto ka. When something went mysterious call me.
Napangiti ako ng magisa. Kung nakikita man ninyo ako ngayon, iisipin nyong anak ako ni Sisa.
Saglit akong nagisip ng irereply. AASARIN KO SYA! Kala nya ha! Iiwan nya ko dito sa bahay pagkatapos nyang mangako kina Mommy na poprotektahan nya ko? Mukha nya!
To: Blonde Jerk.
LMFAO
From: Blonde Jerk
Damn woman. I'm fcuking serious. Tsk
Tuluyan na kong bumulanghit sa tawa. I can picture his strong and perfect jaws that surely are clenching right now. Not to mention his expressive eyes glowing in red out of his madness.
To: Blonde Jerk
Haha!
From: Blonde Jerk
It's no fun, Sacred. Tangina. Nagaalala na nga ang tao pinagtatawanan mo pa.
Natigilan ako at nawala ang ngisi sa labi ko. Parang iniwan ako ng kaluluwa ko at naglakbay na papuntang Pluto. Nagkaroon ako ng mini-heart attack na ikinakatakot kong mauwi ng tuluyan sa stroke at mamatay akong kinikilig.
Kinikilig ba talaga ako? Mayroon nga bang namamatay sa kilig? Oh shiz! Ano ba ang pinagiiisip ko! Kaimbyerns!
Paulit-ulit kong binasa ang huling mensahe ng gangster na ito. Hindi ko maipaliwanag kung paanong nangyaring attractive ang dating ng cuss nya. I'm insane! Yea right!
BINABASA MO ANG
I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]
Teen Fiction[SEASON 1] I have him. He have her. I'm a fragile girl; he's an annoying gangster. Me and him belongs with somebody else already when the damn fate played along our way. Because of wanting a revenge between the two gangster groups. He protects me ju...
![I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/13461053-64-k121533.jpg)