Special Chapter *KeRie*

31.4K 512 34
                                        

Happy 100k reads! Sobrang pinasaya nyo ko guys kaya gumawa ako ng special chapter. Para po sa mga KeRie dyan. Count me as one! Haha.

KEVIN'S POV

"Happy 2nd Anniversary, Yam!"

Nakangiti kong inalis ang mga kamay ko na nakatakip sa mata nya. I was expecting for her to hug me in shock kaya nakaready na ko pero para syang sinaksakan ng anaesthesia at hindi nakagalaw sa kinatatayuan nya.


Napansin ko na lang na parang nagva-vibrate na ang katawan nya. Tsss. Ang lame ko namang magdescribe! Likod nya lang kasi ang nakikita ko ehh!

Lumakad ako paharap sakanya at nakita kong umiiyak na pala sya. Tingnan mo to! Iyakan daw ba ang surprise ko?


"Bat ka naiyak dyan? May masakit ba sayo? Masakit puson mo? Sabihin---"


Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi niyakap nya na lang ako bigla ng mahigpit. Pati yung damit ko basa na dahil sa luha nya.

"Wahhh! Thank you, Yam! I love you!"

I sighed deeply and hugged her back. Ang liit nya talaga. At ang bango pa. Ang sarap ding paglaruan ng buhok nya dahil sa lambot.

"I love you more, Yam, always remember that."

Na kahit hindi man ako ang una mong minahal, nagpapasalamat pa rin ako na nasa tabi kita ngayon.

Na kahit pinaubaya ka lang sakin ni Zorchmann, gagawin ko ang lahat manatili ka lang na sakin.

I know I'm being unfair. Pero para sa babaeng to lalabagin ko lahat ng batas basta sa dulo kami pa rin ang magkasama.

"Ang cute ng stickers!" Binasa nya isa-isa ang mga sticky notes at pictures namin na dinikit ko sa buong restaurant kung saan nangyari ang lahat ng first times sa buhay namin.

First date. First kiss. First hug. And our first official day as a couple. Yeahh. Dito ako nanligaw at dito nya rin ako sinagot noon.

"Pina-reserve mo ba ang buong restaurant na to?"

"Yep." Tumango ako.

"Baliw mo nuh? Pano kung may gustong kumain dito ngayong gabi ha?"

"I paid fully, Yam. May tip pa nga ehh."

"Tssss. Edi ikaw na ang mayaman."

"Oo. Sobrang yaman ko talaga. Alam mo ba kung ano ang trabaho ko maghapon?"

"Ano?"

"Isipin ka. Kaya sobrang yaman ko na sa kaka-over time."

"Ulol! Kumain na nga tayo!"

"Wife, what the fvck are you wearing?"

My scattered brain cells put all together that brought me back to reality.

Napangiti ako ng mapakla. Eto na lang talaga ang kaya kong gawin. Getting into flashbacks with her. Tangina pano pa ko nito makaka-move on.

"Bakit, anong masama sa damit ko?"

Naka-micro short kasi si Marie at spaghetti strap naman ang pangitaas nya.

Putaktee talaga si Ezekiel. Pati ba naman suot nya nagagalit? Tsss. Ang ganda nya nga eh.

"Rie, palitan mo na lang kung gusto mong matuloy pa ang group date natin." Akbay ni Aizer kay Ezekiel.

Umirap si Marie at tiningnan ang damit nya. She looks fine innocent. "Maganda naman ah?"

I'm Engaged With A Gangster [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon