CHAPTER 04

1.1K 49 13
                                    


Dali-dali akong nag bihis nung maka alis si Vinny sa kwarto. Kahit nahiya na akong sumali sa hapunan eh hindi pwede na wala ako dahil hahanapin ako ni Mr. President. Dahan-dahan pa akong bumaba sa hagdan para tignan kung wala bang Vinny ang makakasalubong ko. Nakakahiya! All clear naman kaya yuko-yuko lang akong nag punta sa dinning area nila.

"Where do you think your going??" parang kabuti na sumulpot sa kung saan-saan si Vinny. Kahit kabado ako pero kailangan ko parin maging matikas dahil baka akala niya madadaig niya ako. Inayos ko agad ang posture ko na akalain mung parang walang akong ginawang pag-iwas.

"Dinning table, Sir."

"We'll have our dinner sa outdoor area. Let's go." lumapit siya sakin at inakbayan pa ako papuntang direction sa outdoor area. Haist! Alam na ngang awkward. Pasimple kung tinanggal yung pag kakaakbay niya sakin.

"Tsk! Kamay mo." hindi ko siya matignan mismo sa mukha dahil hiyang-hiya parin ako.

"Sorry about what happen earlier. Kasalanan ko dahil di ako kumatok. That was embarassing." sabi niya sabay kamot sa batok. Dun ko na siya tiningnan sa mukha. Halatadong nahihiya sa sobrang pula ng pisnge.

"Kalimotan na natin yun. Nakakahiya balikan" napapa-pikit nalang ako ng mata tuwing na alalala ko yung reaction niyang makita akong hubo't-hubad. Jusko!

"Yeah... I think?...Ah yeah if you say so... Let's have dinner. Everyone is waiting actually." grabi kami nalang pala kulang sa hapag kaya nag madali na kami pumunta sa outdoor area. Pagkalabas namin ay namataan ko agad yung kasamahan kung PSG kasama si Pres.

"Sorry, Sir. Natagalan kami." sabay-sabay agad silang tumingin sa amin na parang mag ginawa kaming kung ano-ano. "Nag kwentohan po kasi kami." dun na sila nag tatango-tango. Ano bang iniisip nila.

"It's fine, Iha. Have a seat." umupo na ako sa tabi ni Calvin dahil yun nalang may space. Umupo si Vinny sa harapan naman namin. "I'd like to raise a toast sa bagong PSG member. Ezra Libradilla. May you enjoy and learn more while fulfilling your duty in protecting my son, Vinny and me. Cheers!" dun na inangat ni Pres ang baso na may wine na ginaya naman ng mga nakaupo dito sa dinning. Inangat ko na rin ang baso at nakipag cheers na rin. Totoo nga sinasabi nila na kaya nag tatagal yung mga nakakatrabaho ni Pres dahil pinapahalagahan niya lahat ng empleyado niya.

"Thank you, Sir. I'll do everything to surpass your expectation." napangiti agad si Pres sa sinabi ko kaya nakipag cheers na naman kami ulit. Sinimulan na rin namin kumain at mag kwentohan. Parang normal lang kami na nag-uusap sa hapag kainan dahil wala kang ma fe-feel na may bounderies.

"Ang sarap ng steak noh??" tanong ni Calvin sa gilid ko. Medyo napangiwi ako sa itsura ng steak kasi first time ko kumain ng ganito ang luto. Medium rare ang pagkakaluto kasi.

"Sanay ako sa lutong-luto talaga." hindi naman sa mapili ako sa pagkain, medyo bago lang talaga ito sa panlasa, di ako sanay sa ganitong luto.

"Manang... Please serve the well done." nagulat kami pareho ni Calvin sa sinabi ni Sir, Vinny. Narinig kaya niya usapan namin??

"Oh... Sorry, iha..." sabi ni Pres. Ako pa nahiya dahil sa ginawa ni Sir, Vinny. Jusko! Baka akala ni Pres. kung ano na.

"Sir, sorry... Mukhang masarap naman pagkakaluto pero di... po ako sanay..." nahihiya kung tugon.

"It's okay, iha. Masarap din talaga ang mga lutong nakasanayan." dumating yung sinabihang manang ni Sir, Vinny na may bitbit na well done steak. Nakakahiya pero sige laban lang. Pagkain na pinag-uusapan natin dito. "Enjoy the food, Ezra."

"Thank you, Sir." nahiya pa ako kumuha sa steak kaya si Calvin na mismo ang kumuha at nilagay sa plato ko.  "Salamat." bulong ko sakanya.

"Eat now." nag simula na akong mag hiwa-hiwa sa steak at kumain. Ang sarap! Parang unang kagat, lasap agad.

"Grabi busog na busog ako." bulong ko kai Calvin after ko makain yung pangalawang steak. Ito yung normal dinner sakanila pero parang fiesta na sakin. Grabi!

"That's good to hear..." sagot niya.

"How's the food, Guys? You like it?" tanong naman ni Pres.

"Yes, Sir." sagot nila agad.

"Good. I'll have to go upstairs because I have xoom meeting. Please enjoy the food and here some beers for you to drink." sabi pa ni Pres bago tumayo at pumasok na sa bahay.

Napag iwanan na kaming lahat kasama na si Sir, Vinny kaya naisipan nilag mag inuman since close naman sila lahat kaya normalan nalang talaga pag off duty na. Inunahan ni Vinny lumagok ng beer kasama ang mga kasamahan kung PSG. Namumulutan lang ako since di ako pwde sumubra uminom dahil baka tanghaliin ako magising bukas.

"This is why we are enjoying while serving the President kasi may freedom din kami after a long tiring day. Mostly kasama rin kami sa mga parties and kung ano pang events." kwento ni Calvin.

"Matanong ko lang. Mayaman ka naman at gwapo, ba't mo naisipan mag PSG?" direkta kung tanong. Kasi naman diba, okay naman yung buhay niya pero bakit gusto niya sa ganitong trabaho??

"Because I want to serve the country. Not because PSG tayo eh yun na mag tatapos yun. The President is one of the hope of our fellow Filipinos. We must protect him at all cost." tama nga naman yung sinabi niya.

"Oh ikaw, Ezra. Anong ma a-advice mo kai Sir, Vinny. Broken eh." Tawag sakin ng kasamahan namin. Napalingon sila agad sakin para antayin ang sagot ko. Hindi nga ako nakikinig eh!

"Huh? Teka. Ano ba nangyari? Di ko narinig usapan niyo eh."

"Ay mahina. Ganito. Si Sir, Vinny. Broken kahit siya naman nang re-reject HAHAHAHA playboy na sad boy." pang aasar pa nila at nakikisabay sa tawa si Vinny. Wala talaga akong na fe-feel na awkward sa pagitan naming lahat kasi parang normal lang kami na tao dito. "Nawalan daw siya ng spark sa isang babae kaya di na niya pinag patuloy yung fling nila." napataas ang kilay ko sa sinabi nila. Grabi yung nawalan ng spark HAHAHAHA...

"Don't ask her for some advice. I'm sure di pa yan nakaka try ng ganong feelings." sabi ni Vinny na pinanliitan ko agad ng mata. Ako pa susubukan mo ha.

"Ipag palagay nalang natin na di ko yan na experience yung sinasabi mo, but one thing is for sure, hindi sparks lang sa isang relasyon ang bases ko. Nag mamahalan kayo, hindi nag we-welding. Porket nawalan ng sparks, bibitawan na agad?" sampalin kita dyan ng poste sa kuryente eh!

"Naks! May pinaghuhugutan ah." gatong pa nila.

"Hindi naman kasi tama na bibitawan mo lang kasi wala ng sparks. Ang karma, digital. Dadating yung araw na yung ginagawa mo eh babalik sayo. Mag kakagusto ka sa isang babae tas yung babaeng yun ayaw sayo kaya uuwi kang luhaan." nag bago bigla ang expression ni Vinny dahil sa sinabi ko. Pinag puputok ng butchi nito? Inubos lang niya ang natira niya pang beer saka nag paalam.

"I'll go ahead. May tama na yata ako." tumayo na agad si Vinny na halos mag gewang-gewang na ang lakad papasok sa bahay pero ayaw mag pa-alalay.

"Tinamaan na nga siya. Tinamaan sa sinabi mo." bulong sakin nung katabi kung kasamahan saka sila nag tawanan. Ayt! Wala namang mali sa sinabi ko ah.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now