CHAPTER 56

1K 54 8
                                    


"My turn, bro. Scoot over." binangga pa ni Borgy si Vinny para sadya itong mahulog sa sofa at siya naman ang pumalit sa videogame controller. Kasalukuyan silang nag lalaro ng playstation ngayon at nag aagawan sila sa controller kahit pwede naman sila mag titigi-isa. Tinaboy ko na yan si Vinny nung isang araw pero andito na naman siya ngayon. Araw-araw na yan pumupunta dito kahit ayaw papasukin ni Borgy kaso wala eh. Blood is thicker than water, pinapapasok din niya kalaunan or else gagamitan ni Vinny ng pwersa yung automatic door ni Borgy, magaling siya mangalikot sa isang bagay specially related sa mga technology.

"The fuck, bro?" angal ni Vincent saka bumangon galing sa sahig at lumipat sa isang sofa. Kanina ko pa sila tinitignan galing dito sa counter table na nag tatalo sa isang controller. Sarap batukan nilang dalawa. Nag hahanda ako ng dinner para sakanila kahit diko inexpect na tatambay sila dito. Sino ba naman ako mag reklamo eh bahay naman ito ni Borgy.

"Ate? Para silang bata kung mag-away sa isang controller no?" mahinang boses ni Jane habang nag hihiwa ng mga sangkap kasama ko dito sa counter table. "Tayo dati, chinese garter lang pinag-aawayan kung sino yung makaka-high jump, siya magaling." tama siya. Yun lang pinag-aawayan namin kasi di namin afford yang mga ganyang gadgets before.

"Ewan ko sa trip nila." sabi ko nalang saka bumalik sa pagluluto. Nag taka ako nung may biglang nag doorbell. "May inaasahan ka bang bisita?" tanong ko sa kapatid ko. Ayon, napalitan ng malaking ngisi. Alam ko na ito. Napairap nalang ako dahil nagiging cheesy na siya, bawas astig.

"Who's that?" tanong ni Borgy nung napadaan si Jane sa likod niya.

"Kuya, si Calvin." sagot ni Jane at tumango lang naman si Borgy. Pinag buksan na agad ni Jane si Calvin.

"Hello people—what the?! What are you doing here, Vinny?" gulat na bungad ni Calvin nung makita si Vinny na nakaupo sa sofa habang chill lang na tinitignan siya.

"Happy to see me?" sarcastic question ni Vinny. "We have lots of stuffs to catch up, Calv." minuwestra niya agad yung kamay niya sa sandalan ng sofa.

"Yeah right." sagot ni Calvin saka naupo katabi ni Borgy para malayo konti kay Vinny. Mukhang may babangayan na naman dito. Kinuha na muna ni Jane yung bitbit ni Calvin na pizza saka dinala dito sa kusina.

"Lagot, ate. Baka mag incredible hulk yang si Kuya Vinny." biro niya.

"Sira! Bantayan mo yang niluto ko. Papagitna muna ako sakanila. Baka mag-away bigla." mando ko saka tinanggal ang apron bago lumapit sa gawi nila. Nasa likod lang ako nakatayo habang nakikinig sa usapan nila.

"Bro, I didn't mean for not telling you where she is—" panimula ni Calvin.

"What do you mean you 'didn't mean'? You have every fucking days to tell me where she is but you didn't. You know how I felt when she left me. I was so broken that time, Calv. Don't say that you didn't mean it when in fact it was your choice to tell me the truth." lumabas na ang hinaing agad ni Vinny saka pinagduldulan niya talaga ito sa mukha ni Calvin.

"It was not his fault, Vinny. Ezra asked her to keep her condition as a secret. You can't blame him like that. It was also hard for him not telling you." depensa ni Borgy. Nahagip ni Vinny ang mga tingin ko sakanya and what I saw is he's hurting. Tumahimik na din siya after sa sinabi ni Borgy at malimit akong tinitignan.

"Mag juice na muna kayo para lumamig naman pakiramdam ninyo." pinutol agad ni Jane ang awkward sa pagitan nilang tatlo. Pati ako na guilty sa tinginan ni Vinny.

"Thanks, Jane. May kukunin lang ako sa lobby. I'll be right back." sabi ni Borgy saka kinuha yung phone sa lamesa bago lumabas ng penthouse. Naiwan si Calvin at Vinny sa living room, hindi na kinaya ni Calvin ang tension sa pagitan nila ni Vinny.

"I'll go check Jane." paalam niya kahit di siya pinansin ni Vinny saka umalis at nag puntang kusina. Hindi ko pa nakakausap ng masinsinan simula nung nagkita na talaga kami.

"Vin, pwede ba tayong mag-usap?" mukha siyang nagulat sa sinabi ko saka napatingin sakin. All I can see in his eyes is nasasaktan siya. Bahagya lang akong ngumiti saka inaya siya sa veranda. Tahimik lang kami habang tinitignan ang busy na kalsada sa baba at dinadama ang mga hangin na dumadampi sa aking katawan.

"I'm sorry if I wasn't there when you needed me the most." his voice sounds so guilty and hurting. "I'm sorry for hurting you the night you saw me kissing Millie. I didn't mean to kiss him. I was too drunk that time." depensa pa niya habang nakatitig sakin.

"Vin, wala kang dapat e explain. Kasalanan ko din dahil hindi kita tinanong. I want to talk to you dahil gusto kung humingi ng sorry." dun na ako tumingin sakanya at nag sisimula mangilid yung luha ko.

"Hey... don't cry..."

"I'm really sorry for not telling you..." marahan kung pinahid ang mga luha na tumulo at nag lalandas sa aking pisnge. "I'm sorry for leaving you hanging and hurt. Hindi ko naman ginusto mag kasakit eh. Nagkataon lang na nasaktan ako sa nakita ko kahit hindi naman pala totoo pero mas inuna kung mag isip muna bago ituloy yung surgery." ibinalik ko ang mga tingin ko sa harap dahil mas nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan habang nakatingin sakin.

"You don't have to be sorry. It's just that... I felt betrayed... by Calvin, Borgy, Jane, and you..." bumaon bigla yung mga sinabi niya sakin. He's right, parang nag traydor kami sa ginawa namin sakanya. "Sila yung nilapitan ko when I was looking for you. I was so desperate to find you when all along, they knew where you can be found."

"Except Jane. Hindi niya alam ang tungkol sa sakin ko. Nalaman niya nalang ang tungkol sa nangyari sakin nung natapos ang surgery ko. Naiintindihan ko kung magagalit ka sakin dahil sinaktan kita at pinagsinungaling ko yung mga taong pinagkakatiwalaan mo." iniiwasan ko parin siyang tignan dahil hindi na halos tumigil ang mga luha ko sa pag tulo dahil nasasaktan din ako. "Sakin ka magalit, Vinny. Wag sakanila. Ako ang nag pumilit na wag sabihin sayo."

"No... Hate is such a big word. Sorry for my reaction last time. I thought you left me because of Borgy. I was so mad that time that I couldn't think straight. I have come into my senses now. I don't hate you. I can't hate you. I just missed you so much that it hurts so bad." ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ko na nakahawak sa railings at mahina itong pinisil. "Thank God you survived. That's all that matters." now that his expression turned into happy, he smiled at me so sweetly.

"I'm so—"

"Come here. I' ve missed you so much." hinila niya ako papalapit sakanya saka niyakap ng mahigpit. Nagulat ako bahagya pero napalitan din ng tuwa ang aking nadarama. Na-miss din kita, Vinny. My Vinny...


Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now