"Ezra..."Si President ang mabilis na tumayo sa kinauupuan niya para akayin ako at patayuin. Mas lalo pa akong naiyak dahil sa ginawa niya. Hindi ko deserve yung ganitong pag-trato nila dahil napaka-unprofessional naman kasi nung ginawa ko. Nag resign lang ako bigla na hindi sinasabi ang rason.
"Iha, don't do that. Here, sit down." pati si Ma'am Liza ay tinulungan na akong makaupo.
"Iha, why did you do that? Naku..." pareho silang nag-alala sakin.
"Ma'am, Sir. Sorry.... Sorry sa nagawa ko... hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin pero patawad po sa biglaan kung pag-alis. Malaki din ang kasalanan ko nung halos wala na sa sarili si Vincent. Patawarin niyo po ako." hindi ko na napigilan yung sarili ko na mag tuloy-tuloy ang sinasabi.
"You don't need to be sorry, Iha. What ever your reason is, I know it's deep. Please don't cry. We're not mad at you. We just want to have dinner with you since Vinny told us na nag kita na kayo. We forgive you if ever you think what have you done to us was wrong. You must also forgive yourself, thinking you owe us an apology even if it's not." sabi ni President. Silang dalawa mismo ang kumausap saakin at pinagsabihan ako na hindi ko kailangan humingi ng tawad.
"Iha, you don't owe us an apology, okay? Shhh na... we have lots of catching up so stop thinking that we're mad at you. We don't know your reason so we can't just be one sided at all." payo naman ni Ma'am Liza. "You can sit between Mia and Honey. They look excited to see you." nakangiting turo ni Ma'am Liza sa mga asawa ng mga anak nila. Tumayo na agad ako para makalipat dahil upuan ito ni PBBM. Bago pa man ako makaalis sa harap ni Ma'am ay niyakap niya ako ng pagkahigpit. "Welcome back, iha." bulong biya sakin na ikinangiti ko. Ramdam ko parin ang init ng pagtanggap nila sakin the same nung nag tratrabaho pa ako sa kanila.
Matapos kaming mag yakapan ay pumunta ba agad ako sa pagitan nila Mia at Honey na ang laki ng ngiti nung papalapit na ako sakanila. "Sis..." sabay pa nilang nasabi. "Na miss ka namin..." pagkaupo ko palang ay niyakap na nila ako. Parang maiiyak na naman ako sa ginawa nila. Ganon parin gaya nung dati. Mainit padin na pagtanggap nila sakin.
"Na miss ko din kayo... Sorry..."
"Hep hep! Stop saying sorry, okay? You don't have to. Let's eat, everyone." putol ni Honey sa sinasabi ko.
"Agree.." comment pa ni Mia. Hindi padin sila nag babago kahit mataas na ang katayuan nila sa buhay. Never ko na experience dati na hindi ako belong. Kaharap ko lang si Vinny kaya panay lang siya tingin sakin. Ganon din sila Sandro at Simon na kaharap lang ang mga misis nila. Nagsimula na kami kumain at panaka-nakang kwentohan dahil nagiging madaldal na sila Mia at Honey.
"Kwento ka naman, bakit ka umalis??" tanong ni Honey.
"Love..." parang sinita ni Simon si Honey.
"Oh sorry... I didn't mean to put you in a hot seat. It's okay if you don't wanna answer it." biglang bawi niya sa tanong.
"Okay lang. Plano ko naman kasi sabihin na yung totoo..." lahat sila ay nag aantay sa sinasabi ko kaya huminga muna akong malalim bago ipag patuloy yung sasabihin ko. "Nalaman ko na may brain tumor ako nung required kami mag pa drug test at general check-up..." silang lahat ay mukhang nagulat sa sinabi ko except Vinny na pinapakitang andyan lang siya para sa akin.
"Oh my... Was it malignant??" pag-alalang tanong ni Ma'am Liza. "If it is, you have to undergo surgery. You need help???" sunod-sunod niya pang tanong.
"Mom, let her talk." natatawang saway ni Vinny pero nung nakitang seryoso yung Mommy niya ay nawala yung tawa niya.
"Papunta na po sana sa malignant pero buti nalang daw nakita ng maaga pa at naagapan bago tuluyang lumaki. Yung rason kung bakit nag resign ako na hindi nag papakita ay minadali nila na ma operahan ako bago lumala yung tumor sa utak na mas mahirapan silang operahan yun."
"Oh Jesus... How are you feeling right now?" si Ma'am Liza lang ang panay tanong at bakas sa kanyang mukha ang pag-alala at si Pres naman ay nag-aantay lang ng sagot ko pero kitang-kita parin yung concern.
"After ma operahan po, ito. Palagi na naka-bandana yung ulo ko dahil nalagas din ang buhok ko nung nag pa chemotherapy dahil may mga ilan pang nakita. Okay na po ako ngayon. Nakakaya ko na po lahat." pag papagaan ko dahil masyadong nakatoun lahat ang atensyon nila sakin kaya nakakahiya na kung patuloy padin ako mag-sasalita.
"That's a good news, Iha. Please, if you need anything, don't hesitate to ask us for help. Okay?" ani ni Pres.
"Maraming salamat po."
"You know, iha. Vinny looks so devastated while your away—"
"Mom..." nahihiyang saway ni Vinny. Napatingin tuloy ako sa kanya na may halong guilty. Palagi kasi na pla-play back aa utak ko yung tinawagan niya si Calvin tas ako ang nakasagot. Ramdam ko pighati niya dun kaya palagi ko yung naririnig sa utak ko.
"Oh sorry... Me and my mouth again." natatawang nag peace sign nalang si Ma'am Liza na tinawanan din namin kasi ang cute niya tignan. "It doesn't matter anymore. What matters here is that you're here, with us."
"Psst! Vinny! Tell her na." sabi ni Mia na ikinalingon namin lahat kay Vinny. Sabihin ang alin??
"Ate naman eh. Na spoil mo tuloy." sagot niya saka nag kamot sa batok.
"Ang alin???" clueless ako sa sasabihin ni Vinny kaya pasimply akong nag tanong kay Honey. "Anong sasabihin ni Vinny, ate?" pabulong ko sakanya.
"Secret...." panunukso niya sabay pagkalaking ngiti.
"Right after we finish our dinner. Chill guys HAHAHAHA..." kahit tumatawa si Vinny, kitang-kita ko na kinakabahan siya. Ano ba kasing sasabihin niya?
Natapos na kami lahat kumain at inaantay nila ang sasabihin ni Vinny. Ako naman ay kabado dahil, haleer... Wala akong alam sa sasabihin niya.
"Go Vinny boy!" cheer up ni Cong. Sandro.
"Gather your balls men!" gatong pa ni Simon.
"Language, Son." saway ni Pres.
"Sorry, my bad. Go on Vincent." ani ni Simon.
"Alright... wooh!" humingang malalim si Vinny saka nag stretching nang kamay at balikat saka tumayo at pumunta sa likoran ko.
"Get ready..." panunukso nila Mia at Honey. Jusko ano ba ang sasabihin ni Vinny??? Inusog ko yung upuan para makalingon ako kay Vinny.
"There's no such thing as perfect in this world. Our love for each other has been challenge in many ways. The day I lost you was the day I thought it will be my end, but I was wrong. That was just a test for me to realized how madly I'm inlove with you. I may not perfect but i'll do my very best to deserve you. To be with you until the end. I cannot promise you the future but i'll make sure every seconds, minutes, hours, days, weeks, months and years of your life with me will be worth fighting for." sa mata lang niya ako nakatingin habang sinasabi niya ang mga katagang iyon dahil ultimo mata niya ay nangungusap din. Lahat kami napalingon sa kalangitan nung may parang tunog na kwites na lumipad sa langit at biglang pumotok yung fireworks, naging makulay ang langit hanggang sa may nabuong salita bago pa man matapos ang fireworks. 'Will you marry me??
"Woho! Vinny power!" pag che-cheer nila. Pagkalingon ko kay Vinny ay nakaluhod na siya sa harapan ko at may binunot na maliit na box sa kanyang bulsa. Am I dreaming?? Parang di ako alam kung ano ang nararamdaman ko.
"Ezra Michaela Libradilia, are you willing to be my Mrs. William Vincent Marcos? Would you be with me until forever? Will you marry me? Yes or definitely yes?" taray. Walang ibang option. Tinignan ko agad sila Ma'am Liza at PBBM na magkahawak kamay pang nag thumbs up sakin. Alam kaya nila ito?? Nangigilid na ang mga luha ko dahil sa surprise ni Vinny. Big time lahat mga surprise niya sakin mas naging bongga pa ito sa lahat.
"Yes, Vinny. Yes, I will marry you..." halos basag na ang boses ko pagkasabi nun dahil naunahan ako nang iyak. Lahat nag bunyi sa sagot ko at agad na isinout ni Vinny ang singsing sa kamay ko. Tinulungan ko siyang makatayo at walang pasabing hinalikan niya ako sa labi sakay niyakap kaya mas lalong nag hiyawan ang buong pamilya niya. This was unexpected pero nakakasabog ng puso ang saya...
YOU ARE READING
Game On // Vincent Marcos (3)
Fiksi Penggemar"The heart breaker and play boy of the family"-Vinny. Vincent Marcos fanfiction