CHAPTER 05

1.2K 52 1
                                    


Kinaumagahan ay maaga akong bumangon dahil di naman talaga ako nakatulog ng maayos. Nag aadjust pa ang katawan ko sa bahay na ito. Naligo na ako saka nag suot ng uniform ko. Sakat sa katawan ko ang uniform kaya di rin boring tignan kasi may curves naman. Tinali ko na agad ang buhok ko dahil bawal samin ang naka lugay lang. Lumabas na rin ako after mag-ayos dahil ayokong maunahan pa ako ni Sir, Vinny magising.

Nakita ko yung mga iba ko kasamahan na kumakain na ng agahan. Tinawag nila agad ako nung makitanang pababa ako sa hagdan. "Kain ka na habang tulog pa si Sir, Vinny." sabi nung isa. Binigyan niya pa ako ng plato para makakain na. Yung kasambahay naman nila Pres ay binigyan ako ng kape. Medyo naguguluhan ako sa part nato kasi parang bahay na nila ito, tama ba tung nangyayari? Hindi ba kami papagalitan dito?

"Just a normal day for Mr. President. Siya na mismo ang nag sabi na gusto niya ganito and ganyan kami dito sa bahay nila." sulpot ni Calvin sa likod ko.

"Good morning, Sir!" tumayo agad ang mga kasamahan ko at sumaludo kaming lahat sakanya. Head parin namin siya kaya deserve niya e respeto kahit siya na mismo nag sabi na parang normalan lang sana ang pagtrato sakanya. Nakakamangha kasi para lang kaming nakatira din dito na normal lang kumakain at wala ng hiya-hiyaan, ultimo nga kasambahay nila dito ang mismo nag handa ng agahan eh. Merong itlog, hotdog, ham, bread, kanin, at kape. Umaga palang malulula ka na sa daming ulam na pag pipilian.

"Kumain na tayo." sabi niya at sabay na kami kumain. Heavy meal lagi kinakain ko dahil mahaba-haba yatang trabaho ko dito sa kakulitan ni Sir, Vinny.

Pagkatapos namin kumain ay saktong bumaba si President kasama ang asawa niya habang mag kahawak ang kamay. Sweet. "Good morning everyone."

"Sir. Good morning, Sir." sabay namin sagot.

"Have you all guys eat already?"

"Yes, Sir."

"Okay, good. Give me 30minutes. Aalis tayo for my meeting." sabi pa ni President at dumeritso na sila sa dining table para kumain.

"You must be Ezra." napatigil ako sa sinabi ni first lady.

"Yes, Ma'am. Magandang umaga po." 

"Vinny is drunk last night and he keeps on babbling something and then your name was mentioned." natatawang sabi ni first lady.

"Po? Ahh... Baka natamaan lang po sa advice ko kagabi."

"Naah.. he said something eh." something? Anong something yun? "Hmm... I think Vinny already found his match." sabi pa ni first lady at tinignan ako na parang nang-aasar. Aguy.

"Ano po yung something na yun, Ma'am?" curious na ako kaya ayan napatanong na tuloy ako.

"Hahahahaha.... Malalaman mo rin eventually. For now, please take good care of Vinny. Makulit lang yan but he's kind and good naman." aniya at tinapik ako sa braso.

"It's my duty to protect your son, Ma'am. I'll do the best I can." pag a-assure ko pa.

"Thanks, Iha. His sleeping pa so you can also relax while waiting." dagdag pa ni Ma'am at pumunta ng dinning para kumain. Mababait pala talaga yung pamilya nila kasi the way nila kami e trato na parang kapantay lang nila. Ang saya na makatrabaho mo sila.

Nakikitambay nalang kami sa garden nila kasama ng mga kasamahan ko habang nag lilinis kami ng baril. Isa ito sa pag mamay-ari talaga namin kasi ipinangalan na ito samin. Araw-araw nililinisan namin ito dahil narin upang masiguro kung nasa tamang kundisyon parin ba ang mga parte nito at para narin di kami ma dehado pag may mga unexpected na ambush na mangyayari para protektahan ang Presidente.

"Mag iilang taon na po kayo nag tra-trabaho dito, Kuya Rony?" pakikisabat ko sa mga usapan nila.

"Matagal-tagal narin, siguro 20 years?" grabi matagal na pala talaga siya sa pag serbisyo sa bayan. Ilang Presidente na rin pala ang nasamahan niya. Nakakamangha.

"Matagal na rin po pala talaga."

"Talagang mag tatagal pa talaga ako dito dahil mabuti amo natin ngayon eh." lahat kami nag agree sa sinabi niya kasi totoo naman talaga. Kahit bagohan pa ako dito eh kitang-kita ko kung paano nila tratohin yung mga kasamahan ko kaya alam kung nasa mabuting kamay ako napadpad.

"Kaya ikaw, Ezra. Pag butihan mo lang ang trabaho mo, mag tatagal ka dito. Andito kami handang umalalay sayo." dagdag pa niya. Nakakalambot ng puso yung sinabi ni Kuya Rony, mag kasing edad lang yata sila ni Papa, ang sarap siguro sa pakiramdam kung ganito din sana si Papa sakin eh.

"Maraming salamat po, Kuya. Pag-iigihan ko po ang trabaho ko. Pangako yan." sabi ko at tinapik-tapik niya ako sa balikat. Lakas maka 'anak proud ako sayo' sana masabi din yan ni Papa sakin. Tsk! Ang drama mo!

"Manang? Is Vinny awake? He has scheduled meeting to attend today." rinig namin na sabi ni Pres.

"Nako, Sir. Tulog pa yata si Vinny. Hindi pa po namin siya nakikitang bumaba eh." sagot naman ni Manang.

"Paki-gising naman please. He has to attend that meeting dahil about yun sa big project niya."

"Okay, Sir." sagot pa niya. Ay takte! Naiwan ko yung ear piece ko sa kwarto.

"Kuya, balik lang ako, naiwan ko ear piece ko sa kwarto." tumango naman sila at nag patuloy sa pag linis ng baril kaya madali-dali na akong pumasok sa bahay at nag dire-diretso paakyat sana ng hagdan ng maabutan ako ni Manang.

"Iha, pasuyo naman oh. May niluluto pa kasi ako kaya di ko maiwan-iwan." sabi niya.

"Ano po yun?"

"Paki-gising si Sir, Vinny. May lakad daw siya eh kaya kailangan na niyang gumising." parang itong suyo na to yung masusunod ko na labag sa kalooban eh. "Please... Andami ko pang gagawin." pakiusap pa niya. Kahit labag sa loob ay pumayag nalang ako kasi sino ba naman ako para tumanggi. Andami ding ginagawa ni Manang. "Maraming salamat talaga, Iha. Salamat.

"Sige sige po, walang problema." parang labas sa butas ng ilong ko lang yung sinabi ko na walang problema. Ewan! Parang aso't-pusa yata tandem namin ni Vinny.

Umakyat na ako sa taas pero pumasok muna ako sa kwarto ko para kunin yung ear piece bago gisingin si Vinny. Nung makuha ko na ang kailangan ko sa kwarto ko, pumunta naman agad ako kai Vinny na kwarto at kumatok pa, wala parin sumasagot kahit ilang katok na ginawa ko kaya pinihit ko na ang pintuan, bukas naman. Dahan-dahan ko iyon binuksan at pumasok, naka balandra agad yung mga t-shirts niya sa sahig, nag kalat na mga kung ano-anong papel at basura. Napaka burara naman itong lalaking ito. Kita ko siyang nakahilata parin sa kama na nakadapa at tulog na tulog. Lumapit na ako para gisingin siya.

"Sir... Sir, Vinny..." sabay mahinang tapik sa balikat niya. "Sir, gumising na po kayo. May attenan kayong meeting." patuloy ko parin siyang tinatapik. "Sir, gising na po." mahina ko siyang niyugyug.

"Hmm.." tangi niya lang naisagot.

"Gising na po." Aist! Ang tagal naman niya gisingin! "Gumising na kayo!!" medyo may force na yung pagka yugyug ko. "Gising na—OW!" Yawa! Bigla akong nagulat nung hatakin niya ang kamay ko at hinila ako para makalapit sa mukha niya. Isang dangkal nalang ang pagitan ng aming mukha at mag hahalikan na kami.

"Enjoying the view???" He said in a hoarse voice.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now