"I asked Jane to give me your father's address. This is it." turo niya sa isang maliit na bahay. Hindi naman sa nang-aano ako pero malaki pa ata bahay namin ni Jane compared sa tinitirhan nila Papa ngayon. Hinawakan naman ni Vinny ang kamay ko dahil parang gusto kung umurong at umalis nalang. Hindi kasi alam kung matutuwa ba si Papa na makita ako or not?? "Everything's gonna be fine, okay? Let's give it a shot." pag e-encourage pa niya. Kahit kabado ako ay gusto ko din naman makita si Papa at mag patawad na din.
Huminga muna ako ng malalim at inayos ang sout kung damit at yung bandana sa ulo ko para naman presentable ako kay Papa. Excited na ako makita siya. "Okay... kaya ko to." bumuntong hininga ulit ako. Mag kahawak kami ng kamay na pinasok ang harang nila na gawa sa kawayan bago marating yung bahay nila. "Tao po...." di naman nag tagal ay lumabas yung kabit ni Papa na gulo-gulo ang buhok tas laylay ang damit. Nag mumukha siyang losyang sa itsura niya.
"May kailangan kayo?" ewan ko kung nag tataray ba siya or sadyang ganyan yung tono ng pananalita niya.
"Ahmm... Magandang umaga po. Andyan po ba si Ernesto Libradilia??" magalang ko pa din tanong.
"Andito. ERNESTO!!!!" pareho pa kami ni Vinny nagulat nung bigla siyang sumigaw nung tinawag si Papa. "May nag hahanap sayo!" dagdag niya pa.
"Sino daw?!" rinig kung sagot ni Papa at mukhang papalapit na siya sa pintuan. Inayos ko pa yung itsura ko dahil excited na akong makita siya. Dumungaw agad siya sa pintuan at tinignan kaming dalawa ni Vinny. Parang sasabog ang puso ko sa subrang kaba nung nakita ko siya. Gustong-gusto ko na siyang yakapin. "Sino ho sila?" parang gumuho ang mundo ko sa tanong niya. Hindi niya ba ako kilala?
"Hello, Sir. Good afternoon. Ako po si Vincent" panimula ni Vinny at inofferan nang kamay si Papa para makipag-shake hands.
"Magandang umaga din. Mag kakakilala ba tayo?" base sa tanong niya, hindi niya nga ako kilala. Nanginiglid agad ang luha sa mata ko dahil nasaktan ako na mismong anak niya, hindi niya nakilala.
"Hindi mo ba talaga ako kilala?" halos mabasag na ang boses ko pagkasabi nun. Masakit, nasasaktan ko sa nakita kung reaction sakanya. Kumunot agad ang noo niya na parang inaalala kung sino ako. Seryoso?? Wala talaga? Di talaga ako kilala?
"Sino ka ba miss?! Hindi ka nga kilala ng asawa ko oh." iritang singit nung kabit niya na mas lalo oang ikinainit ng dugo ko.
"Wag mung tatawaging asawa ang Papa ko dahil KABIT ka lang niya." hindi na nakapagtimpi ang bibig ko dahil nasasaktan na ako. "Talaga?! Hindi mo ba takaga ako naalala?! AKO? AKO NA ANAK MO NA INIWAN MO PARA IPALIT DIYAN SA KABIT MO?! Ibang klasi ka." nanlaki agad ang mata ni Papa at napalitan ng halong emosyon ang pinapakita niya.
"Anong ginagawa niyo dito?" napa-smirk nalang ako sa tanong niya. Grabe. Ibang klasi. Napapa-iling nalang ako sa disappointment na nadatnan ko.
"Ibang klasi po kayo noh? Nakalimotan mo na na may TUNAY" tinignan ko yung kabit niya para ipamukha na pangalawa lang sila. "kang Pamilya. Nalingat lang si Mama, inahas mo na sa kumare mo." hinawakan na ako ni Vinny sa magkabilang balikat para pigilan.
"Ano bang gusto mung palabasin ha?! Matagal na yun! Kami na pinili!" puno parin ng pagmamataas sa sarili yung kabit niya.
"Pinili ka kasi bumukaka ka! Pina-salo mo pa sa Papa ko yung mga anak mo!" nagulat ako nung bigla akong sinampal ni Papa sa mukha. That's it. For a hundreds of times, disappointed na ako kay Papa.
"What the! Why did you hit my fiancé?!" pumagitna na samin si Vinny at kinwelyohan si Papa bigla. "How can you hit her like that?! Anak mo siya! Anong klasi kang ama?!" galit na giit ni Vinny. Namanhid na buong katawan ko at wala na akong ibang gustong sabihin.
"Bitawan mo nga ang asawa ko!!" biglang hinawi nung kabit ni Papa si Vinny kaya di na talaga ako nakapagtimpi. Ako ang saktan mo, wag si Vincent.
"Wag na wag mung sasaktan si Vinny!" hinablot ko agad ang buhok niya saka pwersahang itinapon dahilan para matumba siya. "Nakakarindi ka kung umangkin. Akala mo kasal talaga kayo! Mag sama kayong dalawa!" duro ko sakanila ni Papa bago umalis. Hinawakan ko agad si Vinny nang maka-alis na agad kami sa bahay nila. "Wala na tayong aasahan diyan sa Papa ko, wala yang kwenta." nag mamadali na akong bumalik sa sasakyan dahil di ko na mapipigilan ang sarili kung umiyak. Pagkapasok palang namin sa sasakyan ay dun na ako sumigaw sa galit.
"Just cry, Ga. Cry all you want." sabi niya at kinuha ang tissue sa gilid niya saka inabot sakin.
"Akala ko magiging okay na kami. Akala ko mapapatawad ko na siya! Pang ilang times na niya akong sinaktan mentally, emotionally, physically! Sawang sawa na ako sa ugali niya! Umasa ako na mag kaka-ayos na kami!" ibinuhos ko lahat ng galit at hinanakit ko sa harap ni Vinny dahil mamatay ako sa inis pag pinigila ko pa itong hinanakit ko. "Buong buhay ko, pinunu niya ako sa galit at sakit! Hindi niya man lang ako nakilala as anak niya?! Grabi siya! Hindi ko siya kinaya!" patuloy ko parin. Hinahagod lang niya ang likod ko at hinahayaang umiyak ako ng umiyak. Wala na akong ibang sinabi at umiyak nalang dahil ayokong magsisigaw dito sa loob ng sasakyan niya.
"Don't cry too much, Ga. Baka sumakit ang ulo mo niyan. Tama na..." inalo niya na ako dahil hindi padin ako matigil na sa kaka-iyak. Pinahiran niya ang luha ko gamit ang mga kamay niya bago siya nag drive paalis sa harap ng bahay nila Papa. Di pa din halos matigil kaka-tulo ng luha ko. Nasasaktan ako, para kung nilipad ng matayog ang sarili ko tapos lalagapak lang din pala. Nakakainis! Sinasaktan ko lang ang sarili ko. "Stop crying na, Ga. It's not good for you to over cry." sinusubukan ko patahanin ang sarili ko dahil tama siya. Hindi pwde sakin ang sobra sa pag-iyak.
"Kaya ko to. Titigil na ako sa pag-iyak." pinahid ko na yung mga luha ko at huminga ng malalim. Nakikita kung nag-alala siya at ayaw ko yun. Ayaw kung makita siya na nag-aalala para sakin.
"Wait... The brakes... What?!" napalingon agad ako sa kanya na kinokontrol yung manobela at inaapakan ang brakes dahil di matigil ang takbo ng sasakyan. "What the fuck?! Wear your seatbelt!" sabi niya at dali-dali din niyang sinuot ang kanyang seatbelt. Kabado ako sa nangyayari. Kino-kontrol niya parin ang manobela kahit hindi kami matigil sa takbo.
"Vinny may poste!!!" sigaw ko nung makita na papalapit kami sa poste pero huli na ang lahat at nabangga kami. Malakas ang impact kaya untog ang ulo namin pareho sa harap. Ang huli ko nalang natandaan ay nahawakan ko ang kamay niya at duguan na siya habang nakapikit ang mata. Vinny... No... Please....
"Langga..." huli niyang nasabi bago ako mawalan ng malay.
YOU ARE READING
Game On // Vincent Marcos (3)
Fanfic"The heart breaker and play boy of the family"-Vinny. Vincent Marcos fanfiction
