Nakasunod lang ako sa asawa ni Sir. Simon hanggang makapasok kami sa office niya. Kinabahan naman ako kasi baka pagalitan ako. Naupo siya agad sa swivel chair niya at ako naman nakatayo lang at nag-aantay na makapagsalita na siya.
"About what happened awhile ago. I'm sorry if she's mean to you but know that you did the right thing in stopping her to interrupt the meeting. Thank you so much. I'm Mayari Honey Aragon-Marcos by the way, and you are??" inabot pa niya kamay niya para makipag shake hands at agad ko naman iyong tinanggap.
"Ezra, Ezra Michaela Libradilla po. PSG ni Vincent." dun na kami nakipag kamayan. Ang lambot ng kamay niya. Mas lalo pa siyang gumanda dahil sa mga ngiti niya ngayon.
"Nice to meet you. Thank you for doing that. Have a seat please." umupo agad ako ng hindi tinatanggal ang tingin ko sakanya. Nasubrahan yata ako sa tuwa at the same time lutang sa kagandahan niya.
"Gwapaha kaayo nimo Ma'am oy." (Ang ganda niyo po Ma'am.) biglang nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
"Ay giatay. Bisaya ka?!" bigla niyang sabi na may halong gulat. Nagulat pa ako sa biglaan niyang mura. Ba't ang ganda marinig yung mura pag galing sakanya?
"Ay, opo. From Davao po ako." halatang natutuwa siya sakin base sa expression ng mukha niya.
"Jusko. Taga Cagayan de Oro pud ko. Grabi pud nakog englisha, pareha ran diay ta bisaya." (Jusko. Taga Cagayan de Oro din ako. Nag eenglish pa ako, parehas lang pala tayo bisaya.) Ba't ang sosyal pakinggan ng biasaya sakanya? Grabi nakakatuwa na finally nakilala ko na yung sinasabi ni Vinny na bisayang asawa ng kuya niya.
"Nako, Ma'am. Nakakatuwa po na makilala ko kayo, sabi kasi ni Vinny na may bisaya po siyang ate." marespeto ko parin sagot.
"Naunsa ba. Ayaw na pag Ma'am oy. Honey nalang gud! Lipaya kayo nako, nakaila kug pareha nako bisaya diri oy!" (Ano ba. Wag mo na ako e Ma'am. Honey nalang! Ang saya ko, nakakilala ako ng pareho ko bisaya dito.) nagagalak niyang sagot. Kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata niya. Walang halong kaartehan yung pinakita niya talaga sakin.
"Ay sige, Ma—Honey hehehe..." nahihiya kung sagot. Napakamot nalang ako sa batok bigla.
Knock. Knock. Knock
"Pasok..." sagot ni Ma'am, Honey.
Pumasok agad si Vinny kasunod si Sir, Simon. Jusko kaya naman pala andaming nabubuang sakanila kasi ang ga-gwapo talaga. Nakita ko na rin si Sir, Sandro nung nasa Davao siya at nung napunta sila sa bahay kasama asawa niya pero di ko nakita sa malapitan talaga or nakausap. Ang ga-gwapo nila talaga.
"Your drooling." asar ni Vinny.
"Ezra, akong asawa, si Simon Marcos." (Ezra, asawa ko, si Simon Marcos.) pakilala ni Ma'am Honey sa asawa niya. "Love, si Ezra, PSG ni Vinny." nakangiting inabot ni Sir, Simon ang kanyang kamay at nakipag shake hands sakin. "Parehas kaming bisaya.." natutuwang sabi pa ni Ma'am Honey. Tumabi agad sakin si Vinny nung mabitawan ko ang kamay ni Sir, Simon.
"Really?? That's cool. It's nice to meet you, Ezra." nakangiti lang ako the whole time na nag-uusap sila habang si Vinny nakatayo lang sa gilid ko habang tinititigan lang ako. Problema nito?
"Alright. We have to go. We have another meeting from our investors. Please order what you want." sumabay na kaming lumabas sakanilang mag-asawa sa office.
"Asan na si Millie?" Tanong ko kai Vinny na nakasunod lang samin.
"Why'd you ask?" Sagot na parang walang gana. Paiba-iba din mood nito eh.
YOU ARE READING
Game On // Vincent Marcos (3)
Fanfiction"The heart breaker and play boy of the family"-Vinny. Vincent Marcos fanfiction
