"Here. Wear this." sabay lapag niya nang pair of heels.
"Teka! Di ko kaya mag lakad ng naka heels!" angal ko kaagad. Hindi ako sanay sa mga may takong. Mababalian ako ng paa kung mag so-suot ako niyan.
"Seriously?? Di ka sanay mag heels??"
"Hindi talaga. Mababalian ako ng paa niyan." nakapamewang na ako dahil ako ang na iistress sa mga gusto niyang ipasout sakin.
"Alright. Let's find something wedge." tumingin-tingin agad siya sa shoes area at nag hanap pa ng iba. "Here." doll shoes na may konting heels. Nilapag niya agad yun sa sahig at bigla siyang lumuhod dahil siya mismo ang nag sout nito sa paa ko. Para siyang prinsipe sa isang fairytale habang sino-suot niya yung sapatos saakin. "Kabila naman." tulala parin ako sa ginawa niya kaya siya na mismo ang kumuha sa kabilang paa ko para isout yun. "Perfect. Let's go." nabalik agad ako sa wisyo dahil sa sinabi niya. Saktong-sakto ang sukat ng paa ko sa sapatos na pinasout niya.
"Teka..." dahan-dahan pa akong nag lakad dahil kahit may heels, hindi ako sanay. Humawak agad ako sa likod niya habang pabalik kaming lounge area para hintayin maibalik yung card niya. "Ang hirap mag lakad ng naka heels pag di ka sanay."
"Ikaw lang ang nakilala kung babae na di marunong mag lakad ng naka heels." puna niya.
"Ay! Pasensya..." sarcastic kung sagot. "Pasensya na talaga, baka hindi ako babae."
"HAHAHAHA... Try mo nga mag lakad." pang-aasar niya.
"Balakajan!"
"Here you go, Sir. Thanks for shopping. Pwede pa picture, Sir?" nahihiyang sabi nung assistant.
"Sure." halos mapunit ang bibig ni Vinny sa laki ng ngiti. Yan, chickboy talaga. Kumuha sila ng mga ilang litrato bago naisip tumigil nung assistant.
"Thank you, Sir."
"Let's go. We're running late." Ba't parang kasalanan ko? Kasalanan ko?? Sinundan ko lang siya habang papalabas na kami boutique at diretso na kami sa parking lot. Pumasok na agad kami sa sasakyan at pinaandar na niya iyon para makaalis na kami.
Tahimik lang kami buong byahi. Medyo naninibago ako sa suot ko. Feel ko para akong tanga sa suot ko. Niyakap ko agad ang sarili ko dahil parang nahihiya na tuloy akong makita ng ibang tao sa sout ko.
"Hey... Your outfit really suits on you. I just want you to be my companion on Borgy's party without freaking everybody out dahil naka PSG uniform ka. You know, all I want is to experience a normal life." sabi niya habang seryosong nakatingin sa daan at nag dra-drive. Gets ko na point niya. Gusto niya lang din mag enjoy like normal people. Hindi naman talaga madaling maging anak ng presidente kasi konting maling galaw mo lang, aatakihin ka na ng media at ng mga bashers. "I hope you understand my point."
"Clearly, Sir."
"Vinny. Call me Vinny. Pang ilang correction na yan." dun na ako tumingin sa direksyon niya at nagulat ako kasi tinitignan niya din pala ako.
"Sige, V-vinny..." halos mag kanda utal-utal kung sagot. Ngiti lang ang tangi niyang tugon. Naging tahimik ulit buong byahi namin hanggang sa makarating kami sa isang mukhang yayamanin na resort. Grabi, ang ganda dito. Pagkarating namin sa entrance, lumabas na agad kami ng sasakyan at binigay ni Vinny ang susi ng sasakyan sa valet.
"Just act like normal guest." sabi niya nung papasok na kami. Tumango lang ako at pinag masdan ang paligid dahil ang ganda ng lugar kahit entrance palang. Parang palasyo sa sobrang laki at ganda. Sinundan ko lang siyang mag lakad hanggang papasok na kami sa isang event hall. Ultimo mga bisita sa party eh ang gagara ng itsura at kasoutan, halatang puro mayaman.
YOU ARE READING
Game On // Vincent Marcos (3)
Fiksi Penggemar"The heart breaker and play boy of the family"-Vinny. Vincent Marcos fanfiction