"Borjing! Duha ka set nga siomai ug duha ka puso rice beh." (Borjing! Dalawa set ng siomai at dalawa puso rice naman.) sabi ko.
"Uy ikaw mag diay na, Ezra! Long time no see, kamusta man ka?" (Uy ikaw pala yan, Ezra! Long time no see, kamusta ka na?) Masaya niyang bati nung mamukhaan ako.
"Okay ra oy. Busy sa trabaho maygali naka leave ko." (Okay lang noh. Busy sa trabaho buti nalang nakapag leave ako.) sagot ko. Binigay na niya yung order namin at papalit-palit lang ang tingin ni Vinny saamin ni Borjing dahil nya naiintindihan sinasabi namin. Ang cute niya tignan.
"Kaon namo oh."(Kain na kayo oh) sabay lapag sa order namin.
"Where are we going to sit down?" inosente niyang tanong.
"Huh? Sit down? We don't do that here. Nakatayo tayo habang kumakain." namilog agad ang mata niya sa sinabi ko.
"What?? Nakatayo??"
"Oo, nakatayo. As in, tayo, stand-up, tindog. Tayo. Para deritso sa tiyan yung kinakain natin. Try mo. Ito puso rice, kanin yan. Mag gloves ka muna kasi dika naka hugas ng kamay. Ayan, gayahin mo ako." para siyang na-aamaze sa mga sinasabi ko at game na game gayahin yung ginagawa ko. "On your...ahmm.. Ah basta! Sa kaliwang kamay mo yung puso tas pagkatapos mo kumagat sa puso, kain ka ng siomai. Parang ulam din. Ikaw nga?" agad niya naman yun ginawa. Kumagat muna siya sa puso bago kumain ng siomai.
"Am I doing this right??" tanong niya. Pinalakpakan ko agad siya dahil andali niya matuto.
"Ayan, tama yan. Sige kain na tayo." natatawa siya sa ginagawa niya pero game parin sa pag-subo. Buti nalang dahil na experience niya itong ganito. At least di na siya maninibago sa ganitong klasing pagkain. "Lagyan mo ng chili garlic, masarap yan." ayon, sumunod naman.
"This taste good." bahagya ko siyang siniko dahil kanina pa siya english ng english.
"Wag ka mag english, baka hingan ka ng malaking tip."
"Oh I see- Ah sige..." tumango lang ako saka nagpatuloy kami kumain. Naka tatlong sets na kami ng siomai nung nabusog na talaga kami.
"Isang coke nga, Borjing." binigyan naman niya kami agad. Hati lang kami sa coke kasi di naman siya umiinom talaga ng coke.
"Ako na mag-babayad." sabi niya sabay abot ng five hundred. Natampal ko nalang noo ko sa ginawa nya.
"Kadako ba ani bossing, wala nay gamay ani?" (Ang laki naman nito bossing, wala na bang maliit pa nito?) reklamo ni Borjing.
"Sayo na sukli. Thank you." kahit tulala pa ako sa sinabi niya ay hinigit na niya ako papaalis ng stall. Narinig ko nag papasalamat si Borjing habang papalayo na kami. "He deserves it. Di madali yung trabaho niya and sure ako makakatulong yun for his needs." tama nga naman sinabi niya. Buti nalang talaga mabait itong si Vinny minsan kaya bilib talaga ako eh. Mahal ko talaga siya.
"Tama ka nga naman. Pasyal muna tayo." gumala kami sa park at enjoy na enjoy sa bawat kaganapan. We took pictures at panay request niya na mag selfie kami kaya game ako nakipag-picture sakanya. Nag mistula siyang boy ko dahil siya nag bitbit sa mga pinamili namin, nag presenta eh. Enjoy na kami sa pag tatawanan habang magkahawak kamay na nag lalakad sa park nung may batang biglang nadapa di kalayuan samin. Lalapitan ko na sana nung may nauna ng lalaking lumapit dun sa bata at inalalayan siyang makatayo. Parang nanigas bigla ang paa ko at hindi ko man lang maigalaw yun. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakita ko.
"Nako, Anika. Mag-ingat ka naman, Anak." boses palang, kompirmado ko na siya talaga yun.
"Hey?? Is there something wrong?" tanong ni Vinny pero diko pinansin dahil nakatoun lang ang atensyon ko dun sa batang karga niya. Bakit? Bakit ang unfair?
"Oh...wag na iyak. Bilhan ka ni Tatay ng ice cream. Gusto mo??" sabi pa niya dun sa batang karga niya habang pinupunasan yung mga luhang kanina pa naglalandas sa kanyang pisnge dahil sa sakit dala ng pagkadapa niya. Bakit hindi niya yan nagawa sakin? Bakit hindi ko yan naranasan sakanya? Nung panahong halos mamatay kami sa gutom at pag-iyak nalang ang tangi kung nagagawa, bakit wala siya dun para patahanin ako? Nagagawa niya sa ibang tao yung hindi niya nagawa sakin. Ako na tunay niyang anak, sariling dugo at laman niya pero hindi man lang niya naiparamdam na minsan minahal niya ako.
"Ezra? Are you okay? What happened?" niyugyug pa ako ni Vinny pero parang natulala nalang ako dahil sa nakita ko. Kitang-kita ko siyang binitbit yung bata sa nag bebenta ng sorbetes at pinapakain ng ice cream habang tumatawa sila.
"Tay! Andito lang pala kayo." sumulpot pa yung isang bata saka yung kabit ng tatay ko. Ang laki ng ngiti ni Papa habang papalapit sakanya yung kabit kasama yung isang anak nung babae.
"Oh...pumili ka na ng ice cream, anak." lakas maka sabi ng anak eh hindi mo naman yan kadugo eh samantalang ako hindi ko man lang narinig nanggaling sayo na tinawag mo akong anak.
"Take a seat here." pinaupo niya ako sa bench malapit sa kinatatayuan namin dahil para akong nawala sa urat dahil harap-harapan ko talaga nakikita silang masaya habang ako, may lacking padin sa pagkatao ko. "I'll get you some water. Wait me here." umalis agad si Vinny at nag punta sa isang stall para bumili ng tubig. Patakbo siyang bumalik sakin at alalang-alang tinignan ako. "Here. Drink some." pinag-bukas niya ako ng tubig bago e abot yun sakin. Agad ko naman iyong ininom pero diko parin tinatanggal yung tingin ko kela Papa na ngayon nakikipagharutan na sa batang karga niya. "You look pale. Are you alright?" napaiyak nalang ako sa tanong niya. Bakit yung ibang tao, nagagawa nila akong tanungin kung okay ba ako? Bakit sa sarili kung ama di niya matanong yung sakin? Pinasandal agad niya ako sa balikat niya saka hinayaan umiyak at inaplos-haplos lang niya ako sa likod. Nung medyo tumahan na ako ay saka ko pa pinahid yung mga luha ko at timignan ang direksyon kung andun parin ba sila.
"Yung lalaki kanina na umakay dun sa bata na nadapa. Siya yung Papa ko." panimula ko. Pinapahid ko parin ang mga luha at inayos na itsura ko.
"What? That was your father? Bakit di mo nilapitan?" concern niyang tanong. Kung sana ganon lang kadali, ginawa ko na sana yun.
"Sana ganon lang kadali. Partially gusto ko siya patawarin pero nananaig yung galit ko everytime I tried to reach out pero binabaliwa niya parin ako. He chose his mistress over me. Pinag-aral niya yung anak ng kabit niya kesa saakin na tunay niyang anak."
"I didn't know ganyan kalalim ang reason mo why you can't even approach him. I'm sorry for that." malumanay niyang sabi. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisnge at pinatingin diretso sakanya. "I'm always here for you, baby. I won't hurt you same as what your father did to you. I promise." he said with sincerity in his eyes. I know he wasn't lying. He kissed my forehead then hug me. Parang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa niya. "I love you, baby. You don't have to worry. I'm always here with you."
YOU ARE READING
Game On // Vincent Marcos (3)
Fanfiction"The heart breaker and play boy of the family"-Vinny. Vincent Marcos fanfiction