CHAPTER 14

1.1K 49 0
                                    

Papauwi na kami sa bahay nila kasi mag gagabi na. Di parin mawala sa isip ko yung sinabi niya. Ba't parang sumakto talaga sa sign na hinihingi ko kai Lord. Hindi naman sa choosy ako pero dakilang playboy kasi itong si Vinny at mahirap talaga itong abutin. Sa sobrang hirap para kang nag titinidor habang kinukuha ang sabaw. Maraming rason na di ko dapat siya gustuhin pero tumitibay yung isang rason para umasa ako. Nakakinis! Pati ako naiinis sa sarili ko kasi nagugulo na buong sistema ko dahil sa mga ginagawa ni Vinny. Tinotoo niya lang naman yung mag babarilan kami at dinala niya ako sa Firing range. Sinong di maiinlove dun? Ah basta! Hindi. No. Norway! Hindi pwede!

"I said we're here. Spaced-out ka yata. Tired much???" nabalik agad ako sa wisyo sa sinabi ni Vinny. Tumingin agad ako sa paligid. Andito na pala kami, hindi ko man lang namalayan sa sobrang lalim ng iniisip ko.

"Ah... Medyo." tinanggal ko na agad yung seatbelt para makababa na sa sasakyan niya.

"You can rest after dinner." sabi pa niya na tinangoan ko lang. After kasi nung sinabi niya kanina, nag yaya na agad ako umuwi kasi di na ako makapag-isip ng diretso. Sa dami ba naman kasing pweding sabihin yun pa talagang swakto sa hinihingi kung sign. Papasok na sana kami sa loob ng bahay nung mapansin naming may isang sasakyan na naka park sa labas, hindi ito sa kanila dahil kabisado ko na lahat ng sasakyan nila. "Damn it." bulong ni Vinny at nag diretso na kami papasok. May bisita ata sila. Patungo kami sa sala nila nung makita namin si Atty. Liza na kausap si Borgy.

"Oh there he is. Vinny, Borgy is looking for you." sabi ni Ma'am Liza nung makita kami. Tumay siya agad at nag lakad papunta sa gawi namin para bumeso kai Vinny.

"Good evening po, Ma'am." bati ko sakanya.

"Good evening din, Iha. Have you eaten dinner already??" tanong niya sakin.

"Not yet, Ma'am."

"Alright. I'll tell manang to prepare you food. I'll go ahead." tinapik ako ni Ma'am Liza sa balikat at tumungo na sa kitchen area.

"So. What are you doing here, Bro?" panimula ni Vinny. Pareho kaming nag aantay sa sagot ni Borgy. Kabado ako kasi baka may result na galing sa pag papacheck-up niya.

"I came here to personally deliver Mom's documents for Tito Bong." sagot ni Borgy saka tumingin sakin.

"You can ask your guards to deliver it, right? Or send it via e-mail" bahagya kung siniko agad si Vinny. Ganyang niya ba talaga kausapin yung pinsan niya?

"Oh come on, Bro. Don't you miss me??? It hurts you know." parang batang kinakausap ni Borgy si Vinny.

"Cringe. Sounds like what the fuck." parang diring-diri si Vinny habang sinasabi iyon kai Borgy.

"Also, I came here to see, Ezra." biglang nabaling agad yung tingin nila sakin. "About my check up." panimula niya. Teka. Pinapangunahan na ako ng kaba. Although wala naman siyang benda sa kamay so I think walang problema, pero di ko maiwasan mag-alala at matakot na baka mapatanggal ako kapag nag sumbong siya.

"Bakit? Anong resulta??" Kabado kung tanong. Sasago na sana siya nung biglang dumating si Ma'am Liza.

"Dinner is ready. Mamaya na muna kayo mag kwentohan." sabi niya kaya naputol yung usapan naming tatlo. Kabado ako sa isasagot ni Borgy kaya halos di ako maka concentrate sa pagkain dahil panay titig nila sakin habang kumakain kami. Naiilang ako sa mga titig nila Vinny at Borgy. "Stop looking at Ezra. Your making her uncomfortable." saway ni Ma'am. Saved by Ma'am Liza. Kanina pa talaga ako naiilang eh, nahihiya na tuloy ako kumain. "I have to leave. May zoom meeting pa ako. Please stop staring at Ezra. Give her time to eat peacefully." tinapik ako ni Ma'am Liza nung makatayo na siya. "I'll go ahead, Iha. Pasensyahan mo na silang dalawa."

"Okay lang po, Ma'am. Thank you po." nginitian lang niya ako saka umalis.

"So.." sabay na wika ni Borgy at saka Vinny tas nagka tinginan agad sila pero binawi agad ang tingin. Matatawa ba ako or kikiligin??

"About the result..." sabay na naman nilang sinabi. Kunti nalang tatawa na talaga ako. Parang pareho na sila naiinis dahil nagkakasabayan na sila ng sinasabi.

"Oh. Bakit??" halos ma piyok ko ng sabi dahil nag pipigil na ako ng tawa dahil sa mga itsura nila na parang galit or what sa isa't-isa.

"It's all normal actually. You don't need to worry anymore." ayon. Nakapag salita na rin si Borgy na di sinasabayan ni Vinny. Dun na ako nakahinga ng maluwag sa balita niya. Salamat naman at di ko nabalian ang kamay niya.

"Hays... Salamat naman. Kinabahan talaga ako dun ah." sabi ko pa sabay tapik-tapik sa puso ko. What a relief.

"Good to know, Bro. Now I felt her strenght? All I can say is she can break someone's bone..." sabi ni Vinny.

"What do you mean??" sagot naman ni Borgy.

"See this red mark on my face? She did it." sabay pakita nung pisnge niyang nasampal ko kanina. Putik! Baka sabihin niyang hinalikan niya ako!

"What?! Woah HAHAHAHA damn! Thats... What the HAHAHAHA ang lakas mo..." di makapaniwalang sabi ni Borgy nung makita ang pantal sa mukha ni Vinny. "Why did she slap you???"

"Ha? Ahm..." parang nag-iisip ng isasagot si Vinny. Ayan kasi, di naman pala kaya panindigan ang pagiging makwento. "Ginulat ko siya HAHAHA Oo.. yun nga HAHAHAHA" natawa ako sa sagot ni Vinny. Halatadong kinabahan kasi pinandilatan ko na ng mata na parang 'mag kamali ka lang nang sasabihin, babalian kita ng buto.'

"You have a strong hands, Ezra. For the first time, someone slap Vinny." Lumingon-lingon agad ako sa paligid dahil baka may makarinig sa sinabi ni Borgy at mag sumbong kai Ma'am Liza. Malalagot ako kapag nalaman niyang nasampal ko ang bunso niya.

"May pasma bibig mo. Hinaan mo boses mo." pag babanta ko kai Borgy. Na realized naman niya yung lakas ng boses niya kaya aktong tinatakpan niya labi niya. Inirapan ko lang siya saka natawa.

"Anyways... I came here to ask you out. Maybe tomorrow??" aya ni Borgy. Sasagot na sana ako nung sumingit agad si Vinny.

"Sorry, Bro. We have to go home in Ilocos Norte by tomorrow morning." Huh? Hindi naman kami sinabihan ni President na pupunta kami sa Ilocos ah. Imbentor yata tung si Vincent.

"Is that so??? Okay. Maybe next time." dismayadong sagot ni Borgy saka tumingin ulit sakin.

"Sorry ah. Busy kasi schedule ni Vinny. Susunod nalang pag free ako. Pambawi ko narin dahil muntik ka na mabalian ng kamay dahil sakin." kita sa gilid ng mata ko ang pag-irap ni Vinny. Ma-attitude talaga.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now