"Okay, girls. Relax and enjoy the day. Picture time..." sabi ni Mommy saka nakipag-selfie saamin nila Mia at Honey after niya ma make-upan. Patawa-tawa lang ako pero halo-halo na talaga ang emosyon ko."Oh...someone is nervous here..." pang-aasar ni Mia at pinisil pa ang pisnge ko. "Breath in and out, Sis. Kakabahan ka talaga pag-una pa lang." saka niya ako niyakap.
"Not fair! Sali ako." sabi naman ni Honey at sumali sa yakapan namin.
"Ohh..." napatingin kaagad kami kay Mommy na tinitignan pala kami at mukhang natutuwa siya sa kanyang nakikita. "You girls are the sweetest. I may not have a chance to give birth a daughter but look at you three, you made my dream come true." maiiyak na naman ako sa sinabi ni Mommy. Wala man akong ina, pinaramdam naman ni Mommy Liza kung paano alagaan ang isang ako. No wonder maraming gustong mapabilang sa pamilya nila, di dahil sa gwapo lang ang kanilang mga anak kung hindi nakikita nila kung paano pahalagahan nila ang relasyon nila sa bawat isa.
"Group hug!!" sigaw ni Mia at ni-welcome si Mommy para sumali sa yakapan namin. Literal na ramdam kung ang init ng pagmamahal nila dahil naiipit na ako sa yakap, but who cares? I love this family. I love my new family.
"Join us Jane." sabi ni Mommy at hinila ang kapatid ko para makasali sa group hug. Saktong napadaan ang photographer kaya kinunan niya kami ng litrato. "Honey? Where's Gianna?" narealized namin agad yung tanong ni Mommy kaya natigil kami kakayakap.
"Oh no... She's running again. Gia! Stop running you might slip." saway ni Honey nung makita niya yung anak niya na natatakbo sa hallway.
"Kuya is making fun of my bunny again!" angal naman ni Gia saka pwersahang kinuha yung bunny stuff niya kay Harper? Emman? Sino ba ito? Teka, nalilito ako.
"Teka, si Harper ba yan or si Emman?" bulong ko kay Mia.
"Harper yan, siya yung medyo pilyo. Yun naman si Emman, observant masyado." turo ni Mia sa nakaupong Emman na katabi yung bunso nila sa sofa habang pinapanoud si Harper at Gia.
"Give me my bunny!" isang hablotan lang ni Gia, nakuha na niya agad sa kamay ni Harper ang bunny niya saka pinalo yung kuya niya sa likod.
"Gia don't hit your kuya..." malambing na saway naman ni Mommy at nilapitan sila para awatin. Naku... Nag mana pala talaga si Gia sa nanay niya, amazona din.
"Russell! Don't eat the remote..." nabaling naman kami kay Fourth na sinasaway yung kapatid niya na sinusubo ang remote. "No no... Give me that..." nakipag-agawan na talaga siya sa kapatid niya. Natatawa nalang lumapit si Mia sa mga anak niya at kinuha ang remote.
"Emman, watch your brother." sabi naman ni Honey kay Emman na napatigil sa pag tatapik ng kapatid niya saka tinignan ang nanay niya.
"I'm doing it na oh..." parang may sama ng loob pa pagkakasabi niya nun.
"Gia, here's your formula. Go lay down beside Mama." turo ni Honey kay Mommy na nakaupo sa kama. Nasa hotel kami ngayon dahil dito na kami nag re-ready for my wedding. Nagugulo na yung kwarto pero masaya parin kasi madaming bata eh. Mga bagong henerasyon ng Marcos na mas lalong nag bibigay ng sigla sa aming pamilya.
"Come here, baby. Mama will stroke your hair." nag ningning agad ang mata ni Gia saka tumakbo papalapit kay Mommy para humiga saka dumede.
"Manang mana talaga sa Daddy, imbentor ng itatawag sa tao. Dati tawag niya kay Mommy, granny. Ngayon, Mama naman." sabi ni Honey nung makalapit samin saka umirap at natawa nalang sa anak niya.
"Yung anak mo nag mana sayo, na uunder kuya niya. Pati pinsan, tamo si Fourth natatakot sakanya minsan." reklamo ni Mia.
"Kinukulit kasi nila na Princess daw siya kasi siya lang babae, eh ayaw niya tawagin na princess." depensa ni Honey. Natatawa nalang ako sa mga kwento about sa mga anak nila habang nire-retouch nung make-up artist yung make-up ko. Bawat anak nila may kanya-kanyang traits na namana both sides kaya di na daw sila mag rereklamo kung bakit ganyang ka kulit mga anak nila as long as mabuting bata.
YOU ARE READING
Game On // Vincent Marcos (3)
Fanfiction"The heart breaker and play boy of the family"-Vinny. Vincent Marcos fanfiction