CHAPTER 54

1K 51 8
                                    


Tatlong gabi na ako di maayos na nakakatulog dahil palagi kung iniisip yung sulat na nakalagay sa box. Walang ibang nakakaalam nun kundi ako lang. Minabuti kung hindi sabihin kay Jane dahil alam kung sasabihin niya kay Borgy para sa safety namin. Di na ito nakakabuti sakin, wala na akong halos na tamang tulog. Wala akong ibang idea kung sino ang nag bigay, alangan naman si Vin—mali! Hindi siya yun! Paano naman magiging siya eh hindi niya naman alam kung asan ako. Tama, hindi siya yun. Aist! 

"Ate??" katok ni Jane sa labas ng kwarto ko. "Gising ka na ba?? Kain na tayo, iinom ka pa ng gamot."

"Oo. Gising na diwa ko. Baba kana dun, maghihilamos lang ako." bumangon nalang ako saka nag diretso sa banyo. Grabing penthouse ito ang laki. Pati banyo dito pwede kana kumain sa sobrang linis at laki.

Naghilamos lang ako saka inayos yung sout ko. Tinignan ko agad ang sarili ko sa salamin, sana naman tumubo na ulit yung buhok ko sa ulo, yung peklat ng surgery fresh pa din pero keri lang. Inayos ko lang yung scarf na panabon sa halos makalbo kong ulo bago bumaba.

"Kain na tayo, Ate." bungad nang kapatid ko pagkarating sa dinning table. "Ba't namumugto na naman yang mata mo? Umiyak ka ba?" puna pa niya.

"Di. Di lang talaga maayos tulog ko kagabi. Kumain na tayo, may lakad ka pa diba?" siya na mismo ang naghain ng ulam at kanin sakin. Masyado niya akong inalagaan simula nung makarating siya dito sa Manila so nag suggest ako kai Calvin if pwede niya ba ipasyal yung kapatid ko pag day-off niya. Buti pumayag, tuwang-tuwa nga eh.

"Maaga pa naman, Ate. Mag linis muna ako saka gumayak. Baka kasi sumulpot bigla si Kuya Borgy tas makita na magulo yung penthouse niya." sinulit talaga namin yung stay dito dahil nag movie marathon kami kagabi, nag celebrate kami nung isang araw, nag playroom. As in, enjoy kami sa pag stay dito pero di naman namin ginulo talaga, baka magalit si Borgy eh. First time kaya namin maka-stay sa ganito.

"Okay..." nag kibit balikat lang ako saka kumain na. After namin kumain ay ako na nag hugas ng pinggan habang siya naman naka-tuka sa paglilinis. Lahat nilinis na namin dahil ayaw namin na may masabi si Borgy kapag pinabayaan namin yung penthouse niya.

"Ate, maliligo lang ako. Malapit na daw si Calvin eh." tarantang sabi niya saka umakyat sa taas. Pasado mag-aalas 10 na pala, andali ng oras. Naisipan ko na din maligo since andito pa si Jane, medyo matatakutin kasi ako simula nung na ospital ako, hindi na ako naliligo na walang tao sa labas.

"Oh basta. Mag-iingat kayo sa pag pasyal." payo ko nung inantay niya pala ako matapos makaligo at mag bihis. "Wag kang masyadong makulit dun."

"Oo na, ate. Para naman akong bata nito eh." angal niya. Shesh! Aktong kukutusan ko na pero nakailag siya. "Hehehe love you."

"Oh siya! Umalis kana, inaantay ka na ni Calvin sa lobby." ako na mismo ang nag taboy sa kanya saka binigay yung sling bag na gagamitin niya. "Ingat kayo." bumeso pa siya bago lumabas sa pinto. Ako na isa naiwan dito, ano kaya pweding gawin? Netflix? Soundtrip? Bakit pa mag-iisip eh pwede naman yan gawin ng sabay? Inoperate ko muna yung tv bago naupo sa sofa, manonoud nalang siguro ako ng palabas. Di pa nag-iinit ang pwet ko sa sofa sa pag-upo ay tumunog yung doorbell. Aist! May naiwan na naman siguro itong kapatid ko! Naka-paa lang ako nag lalakad papuntang pintuan, diko na tinignan ang digi-cam dahil panigurado si Jane ito.

"May naiwan ka na naman—VINNY?!?" nagulat ako na mukha niya yung bumungad sa pag bukas ko ng pintuan. He smirked then step inside Borgy's house. "Anong ginagawa mo dito?!" mabibigat na halos yung paghinga ko habang napapaatras dahil papalapit siya ng papalapit sakin. Nakapasok na siya at hindi man lang pinutol yung titig sakin habang padabog na sinara ang pinto.

"Long time no see. Haven't you received my letter?" he said in a cold tone. So it was him, it was him who sent me those letters.

"Vin, please umalis ka na dito. Please." pagmamakaawa ko. Patuloy pa rin ako sa pag-atras habang siya naman ay papalapit sakin.

"Why? I just came here to see you. You know, we need to catch up for leaving me." he said in sarcasm. Fuck! Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa pag lapit niya sakin.

"No. Vin, please. Get out! Please!" pagmamakaawa ko. I'm not ready for this. Masyado akong nabigla sa pag dating niya. Nangangatog na ang buong paa ko sa kaba dahil sakanya.

"Ohh... Did I surprised you? I already told you, babe. You will be mine." sabi pa niya na hindi pinuputol yung titigan namin dalawa. Mas lalo pa akong nang hina nung maramdaman ng likod ko ang malamig na pader. Fuck! "Cornered." he said then smirked. Mas lalo pa niya akong inipit sa pader at iniharang ang kamay niya para wala akong kawala. Inilapit niya bahagya yung mukha niya saakin saka ako tinitignan sa mata at labi. "I've missed you so much." I can feel his breath that gives shiver down to my spine. "You think I wouldn't find you?" he said in a lower tone. "You even changed your hair. Covering with scarf? Really?" sarkastiko niyang tanong. "Leaving me just to be with Borgy is the stupidest thing you have done."

"No. No hindi sa ganon. Wala kang alam!—"

"Of course! How would I know?! You left me the night you saw me kissing Millie. That was your chance to leave me so you could be with Borgy. How stupid that is, huh?!" bulyaw niya. Halos napapapikit nalang ako dahil sa mga sigaw niya sa mukha ko. Kahit mahina ako ay pinilit ko siyang tinulak pero masyado siyang malakas at inilapit pa ng todo yung mukha niya. "You left then sent me a note saying 'thank you for everything, goodbye.' how fucking is that?!"

"Wala kang alam, Vinny! Kaya wag kang mag salita na parang alam mo na buong nangyari sa pag-alis ko! Bakit ka ba nagagalit?! Pabor na nga yung ginawa ko sayo! Pwede na kayo mag sama ni Millie!" bulyaw ko na din dahil nanggagalaiti na ako sa galit.

"So now it's my fault? Really? You just left me for Borgy. That's all I know." malamig niyang wika. Galit ang nakikita ko sa mata niya. "For all I know, you just found a reason to escape so you could be with my cousin. Have you fuck each other?" he said like a heartless man. It didn't stop me for slapping him.

"Fuck you, Vinny! Go to hell! Hindi mo alam kung anobg nangyari saakin for how many months! Fuck you!" bulyaw ko habang nag-uunahan mag si tulo yung mga luha ko. He tried to act cool after I slapped him then look at me again. "Gusto mo malaman kung bakit halos di ako makabalik?! Fine!" marahas kung hinila ang scarf na nagiging panabon sa rason na halos ikamatay ko. His expression turned from angry to shock.

"E-ezra, y-your hair..." he said while stuttering.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now