Things are getting smoother. Vinny and Borgy are back to normal, wala nang parang competition between them. While Jane and Calvin are doing fine. Naging okay na ang lahat pero palagi silang tumatambay dito sa penthouse ni Borgy everytime day off or may free time sila. Kaya palagi namin silang pinaglulutuan dahil panay sila reklamo na sa puro take out kinakain nila tuwing may trabaho kaya gusyo nila kumain ng lutong bahay.
"Anong gusto mo lutuin ko para sakanila, Ate?" tanong ni Jane habang nililista ko yung mga bibilhin ko. "Sana yung may sabaw. May hangover pa silang tatlo dahil nag inoman sila kagabi dun sa veranda eh." hmm.. kaya pala amoy alak si Vinny kagabi nung papaakyat na siya tas bababa sana ako para kumuha ng tubig dahil na alimpungatan ako.
"Baka tinola or bulalo, ano masarap?"
"Tinola. Mahirap pakuluan yung bulalo eh. Baka mamuti na mata nila kaka-antay maluto yung ulam." suggestion niya.
"Okay. Noted." tinapos ko na pag lilista ko saka nag bihis para makapuntang public market malapit lang dito sa building ni Borgy. Nag babandana parin ako kasi di pa din normally bumabalik sa dati ang kapal ng buhok ko, terno-terno lang sa suot para bumagay naman. Tulog yung tatlong lalaki kaya kami na muna ang gumayak. Ako na ang pupunta sa market dahil may zoom meeting na aattenan si Jane. "Pstt oy. Alis na ako. Ikaw na bahala dito." paalam ko sakanya at tinanguan lang niya dahil busy siya kakakalikot sa laptop. Lumabas na agad ako para madali din akong makabalik. Habang nakasakay sa elevator ay chineck ko talaga lahat ng mga bibilhin dahil ayokong mag kulang yung iba tapos may bitbit pa akong plastic bag para naman di na ako bumili nang eco bag.
Pagkarating sa lobby ay binabati ako ng mga staffs na nakakasalubong ko. Panay naman ako ngiti kahit nag tataka ako ang laki nang ngiti nila. Lumabas na agad ako nang building at ilang blocks lang ang lakad ay market na. Inuna ko muna yung mga sangkap bilhin saka yung mga karne para di masira bago paman ako makadating sa penthouse. Binili ko na lahat ng nasalistahan at papauwi na sana nung makasalubong ako ng isang manok. Parang nawawalang manok ito ah. Kawawa naman, baka masagasaan to sa daan.
"Oy, sinong amo mo? Ba't ka pagala-gala dito? Nakuu... baka masagasaan ka." kinarga ko nalang yung manok saka inilagay sa tabi para di siya mapunta sa highway. Lumingon-lingon pa ako dahil baka hinahanap siya ng amo niya, wala talaga eh. "Oh dyan kana ha. Wag kang pupunta sa highway, baka masagasaan ka. Una na ako. Babye." parang tanga na nag wave pa ako sa manok bago nag patuloy mag lakad pabalik sa building ni Borgy.
"Hello ma'am let me help you." bungan nung staff sakin sa entrance palang. Kinuha niya yung mga bitbit ko kahit di pa ako nag agree. Okay na din yun, masakit na kamay ko sa pag bitbit na pinamili ko. "Ma'am? Sayo ba yang manok?"
"Oh akin ya—huh?" wala naman sa listahan ko bumili ng manok ah. Tinignan ko agad yung tinitignan niya sa likod ko, pag tingin ko, yung manok na nilagay ko sa tabi kanina. "Halaka! Anong ginagawa mo dito?! Sinundan mo ako?! Baka hanapin ka ng may-ari sayo." agad ko siyang kinarga dahil parang napagod siya kakalakad. Kawawang nilalang.
"I think the chicken likes you po. Hindi man lang siya nag react." nakangiting sabi nung staff.
"Naku. Baka sitahin kayo na may manok akong ipapasok dito. Kawawa naman kung iiwan ko dito sa labas. Okay lang ba bitbitin ko to?"
"It's fine po. Total sa penthouse naman ang diretso ninyo.
"Thank you ha. Diko inexpect kasi na susundan niya ako." tinulungan lang ako nung staff hanggang sa makapasok kami sa elevator at nilapag lang niya yung pinamili ko saka umalis. Bibigyan ko sana ng tip kaso hindi na daw kailangan. "Ikaw manok ka, bakit mo ako sinundan? Paano kung na animal nap ka? Sino ba kasi amo mo?" parang tanga na kinakausap ko yung manok pero siya eh tinitignan lang ako. "Papangalanan muna kitang Vinny. Wala akong maisip eh." yun una pumasok sa isip ko kaya Vinny nalang papangalan ko sakanya.
Nakarating ako sa penthouse kaya todo bitbit ako sa mga pinamili habang bitbit ko yung manok kaso di kinaya. Madami masyado ang bibitbitin kaya nilapag ko na yung manok nun nasa pintuan na kami nang penthouse. Iniscan ko lang yung keycard bago bumukas yung pinto. "Oh sundan mo lang ako pumasok ha. Wag kang makulit at tumae kung saan-saan, baka magalit pa si Borgy." payo ko sa manok at pinauna na siyang pumasok sa loob. Parang alam niya ang nangyayari kasi ang behave lang niya tas sumusunod lang na pumasok sa loob. Pag kapasok namin ay dumeritso akong kusina para ilagay yung mga pinamili ko bago kinuha yung manok dahil baka mag dumi dun sa pintuan. Asan ba si Jane? Baka andon na sa kwarto at dipa natatapos ang zoom meeting. Nag hugas muna ako nang kamay bago naisipan hiwain na lahat ng sangkap para diretso na niyang lulutuin yun. "Oh ito, tubig. Baka napagod ka sa kakasunod sakin." nilapag ko yung plastic container na may tubig sa harap ng manok para makainom siya ng tubig. "Kawawa ka naman, napagod ka talaga siguro eh. Inom ka pa maraming tubig. Ito bigas para may kinakain ka." kinakausap ko lang yung manok habang tinutuka niya yung bigas.
"Dito ka muna ha, mag bibihis lang ako kasi mainit tung suot ko. Pakabusog ka dyan." paalam ko sa manok na busy kumakain. Umakyat na ako sa taas para mag bihis nung saktong lumabas si Jane sa kwarto niya kasunod si Calvin na may hangover pa yata. "Ready na yung lulutuin mo, andun na sa counter table. Ikaw na bahala mag luto nun. Mag bibihis lang ako."
"Noted." sagot niya lang bago sila bumaba at ako naman ay diretso sa kwarto para makapagbihis na. Aayusin ko pa yung mga nagulo kung lalagyan ng damit. Nag taka pa ako may biglang kumatok.
"Hey..." bumungad si Vinny na bagong gising at gulo-gulo pa ang buhok saka naka topless lang.
"Mag damit ka nga!" sita ko.
"I came here to say na tumawag si Mommy and she wants to have dinner with us." parang kinabahan agad ako sa sinabi niya. "She just want to see you. The last time kasi hindi ka daw nakapagpaalam na aalis."
"Hindi mo pa ba sinasabi kay Ma'am Liza about yung nangyari sakin?" takang tanong ko.
"As much as I want to but I want you to personally say that to her. You know, I respect you. Ayaw kung pangunahan ang desisyon mo." ohh... Sweet. Naka crossed arms siyang lumapit sakin saka umupo sa kama ko kaya lumebel yung tingin niya sa tiyan ko.
"Thank you..." tangi ko nalang nasabi. Ang sweet kasi ng sinabi niya eh. Niyakap niya ako sa bewang saka ibinaon ang mukha niya sa tiyan ko. "Ano ba hahaha nakikiliti ako sa balbas mo." nakahawak lang ako sa taas ng ulo niya saka mahinang tinatapik yun."Kailan ba gusto ni Ma'am Liza?"
"Tomorrow." ay wow bukas agad. Grabi.
"Okay. Sige, sama ako."
"Really?!" inangat niya agad ang ulo para makita ako saka ang laki ng ngiti niya at puno ng excitement yung mga mata niya.
"Oo. Para na din humingi ako ng sorry dahil umalis ako na hindi nasasabi yung reason." hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge saka pinisil-pisil. "Bumaba kana dun. Halatang may hangover ka pa. Nagluluto nang sabaw si Jane ngayon. Kumain ka ng marami ha."
"Kiss muna." sabi niya saka ngumuso. Sino ba naman ako para hindi bumigay kaya ayun pinitik ko siya sa noo. "Ouch!"
"Bumaba kana dun, ang harot mo. May hangover ka lang." natawa nalang siya sa sinabi ko saka tumayo pero bago pa umalis ay ninakawan agad ako ng halik. Pilyo talaga. Di nag tagal ay sumunod akong bumaba matapos kung ayusin lahat ng gamit dahil na din natapos na ni Jane yung niluti niya.
"Upo kana ate. Ihahain ko na yung Tinola." hinanap ko agad yung manok na bitbit ko kanina.
"Jane? Yung manok dito kanina, asan?" tanong ko oa habang tinitignan ang ilalim nang lamesa at kung saan-saan.
"Ito." sabay pakita sa mangkok na may tinolang manok. Para akong na nigas sa kinatatayuan ko at maiiyak dahil sa sinapit nang kawawang manok.
"What happened, by?" alalang tanong ni Vinny at inalalayan pa ako dahil mawawalan yata ako ng lakas.
"Bakit mo naman ginawang tinola si Vinny?! Huhuhuhu.... Vinny... Bakit ka naging tinolaaa??? Huhuhu..." naiiyak nalang ako habang tinitignan yung bitbit ni Jane na Tinolang Vinny. Parang na weirdohan sila sakin habang akoy kanilang tinitignan.
"I'm what? Teka. Stop crying..." kahit naguluhan din si Vinny ay inalong niya nalang ako.
"Yung manok..." sabay turo sa sabaw tapos naiiyak nalang ako. Kawawang nilalang, napaka-inosente niya para maging tinola. Ginawang tinola si Vinny na manok. Ang sakit sa puso.
YOU ARE READING
Game On // Vincent Marcos (3)
Fanfiction"The heart breaker and play boy of the family"-Vinny. Vincent Marcos fanfiction
