"I can't believe you named the chicken after my name." ayan na naman siya. E bring up man lang bigla yung nangyari sa kawawang manok kahapon."Heh! Wag mo ko kausapin. Kawawang manok yun. Alam mo ba sinundan niya ako from outside the market papuntang building ni Borgy??? Pagod na pagod yun kakalakad tapos ginawa niyo lang Tinola." kibot ko. Kawawa naman kasi kinahinatnan nung manok.
"I'm not the one who cook the chicken. I feel sorry for that chicken though."
"Kaya nga, kawawa talaga. Ginawang tinola si Vinny. May binili naman akong manok na ready to cook, bakit kasi kinatay yung manok eh!"
"Stop calling the chicken, Vinny. I'm Vinny, I'm here. May that chicken rest in peace." sabi pa niya saka nag sign of the cross. Hindi ko kinain yung tinola kahapon at nag kulong ako sa kwarto agad. Nawalan ako ng gana dahil kinatay nila yung manok. Kawawa talaga yun.
"Tsk!" di na din ako umimik after nun. Punta kaming Ilocos Norte ngayon dahil andun sila Ma'am Liza at PBBM.
"Are you all set?" tumango lang ako bago kami lumabas sa penthouse ni Borgy at nag tungo sa helipad niya sa taas nitong penthouse. Ngayon ko lang din nalaman na may helipad pala siya. Grabi talaga eh. Pag ka-akyat namin ay saktong pag andar nang helicopter kaya napakalakas ng hangin. Nakaakay lang si Vinny sakin hanggang sa makapasok kami sa helicopter. "Are you okay???"
"Oo. Buti di ako nilipad ng hangin." biro ko. Inayos ko agad yung bandana sa ulo ko at pati ang damit ko. Konti nalang, mababalik na sa normal yung buhok ko at matatabunan na yung peklat galing sa surgery.
"Of course I won't let that happen. Wait. Let me fix your seat belt." tinulungan niya akong isout yung seatbelt without realising na alam ko kung paano isout yun dahil naging PSG ako kaya gamay ko na ito.
"Ako na."
"Dika marunong." napa-poker face nalang ako sa sinabi niya.
"Baka nakakalimotan mo na naging PSG ako noh?" parang natauhan naman siya sa sinabi ko.
"Yeah right. I almost forgot." sabi niya at napakamot nalang sa batok. Ako na mismo ang nag-ayos sa seatbelt at nag suot nang headset. Nagsimula na umandar ang helicopter at umangat sa ere. Kitang-kita kung gaano kaganda ang buong Manila sa view nato. Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Vinny ang kamay ko kaya napatingin agad ako nun saka sa mga mata niya. Nginitian lang niya ako at inginuso na tignan ko daw ang view sa baba. Nakakatuwa kahit nakakalula ang taas habang pinapanoud namin ang view sa baba. Half an hour lang ang lipad from Manila to Laoag kaya di na ako natulog sa byahi. Nakarating kami dun na papalubog na yung araw kaya kitang-kita namin ang sunset habang nakasakay kami sa sasakyan niya papuntang village at naka convoy yung PSG sa sasakyan ni Vinny.
"May tanong ako sayo." panimula ko.
"Hmm? What is it?" hanggang ngayon, di padin niya binibitawan ang kamay ko. From the helicopter hanggang sa makababa kami until makasakay kami dito sa sasakyan niya, ayaw niyang bitawan yung kamay ko, nabitawan lang yun saglit nung pinagbuksan niya ako nang pinto ng sasakyan.
"Nung gabi na iniwan mo ako sa gate nang village. Bakit ka nagalit nun?" clueless kasi ako until now eh. Napapaisip nalang talaga ako ano yung nagawa kung kasalanan.
"Ohh... your also bothered about that. Actually until now it hunts me. I even shouted at you that time." kwento niya. Tama, sinigawan niya pa ako that time. "Well, I felt guilty that time. I didn't know I was your first, you know." parang hirap pa siya sabihin. Yan yung time na may nangyari samin dito sa sasakyan niya. "I was so mad at myself for what I have done to you. I should have wait until you want us to make love." gagi. Na guilty tuloy ako sa sinabi niya. Ginusto ko din naman yun na may mangyari samin eh. Iba pala iniisip niya. Now I know. He's soft about that matter. "I know I look like playboy to you before but believe me, I don't force girls to have sex with me. I was just so into you that I forgot to ask you if your sure or not." di tuloy ako makapagsalit sa sobrang guilty. "Can you say something? Tumahimik ka bigla."
"Eh kasi naman eh! Na guilty na tuloy ako. All this time akala ko di mo yun nagustuhan or ayaw mo sakin—puta! Dahan-dahan naman sa pag break Vincent! Mababagok ulo ko eh!" biglang promeno eh buti nalang natuko ko kamay ko.
"So you thought I don't like what happened after that? That was my first, you know, on the car." para pa siyang nahiya nung sinabi niya.
"Talaga?! HAHAHAHA okay..." parang na awkward yung paligid kasi sex na napapagusapan namin. "Wag na nga natin pagusapan yan. Mag drive kana, mag gagabi na oh."
"Alright. Buckle up." utas niya saka pinaandar ulit ang sasakyan. Naka sunod padin saamin yung PSG niya hanggang sa makadating na kami sa village at dumiretso na agad sa bahay nila.
Nasa gate palang kami nang bahay nila, kabado na ako. Diko alam kung anong sasabihin ko kay Ma'am Liza at PBBM nung biglaang pag-alis ko dati. "What if galit sila sakin??" pinapangunahan na ako ng kaba kaya kung ano-ano na naiisip ko.
"Don't stress yourself too much. Mom wouldn't invite you if they're mad at you. Stop overthinking." he held my hand as we enter the gate sa bahay nila. This is it pancit. Andito na kami, hingang malalim Ezra. Breath in breath out. Woh! Nag park lang sandali si Vinny bago siya naunang bumaba para pag buksan ako ng pinto. Gentlemen much. "Calm down. Your hands are cold hahahaha" sama nito. Kitang kinakabahan, pag tripan ba naman ako. Magkahawak kamay lang kami tinungo ang entrance nila, nag papahuli pa ako ng lakad kasi kabado na ako. Parang tatalon na nga yata yung puso ko sa sobrang kabog eh. Mas kabado pa ako dito kesa dun sa surgery ko.
"Ma'am... andito na po si Sir. Vinny at si Ezra." ani ni Mayordoma. Na-miss ko siya bigla. "Iha..." hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya at maiyak nalang. Kahit mataray to, naramdaman ko sakanya paano magkaroon ng ina. "Na miss kita... ohh.. tahan na." napapahikbi nalang ako sa balikat niya habang niyayakap ko siya. Inilayo niya muna ako bahagya para makita ang itsura ko. "Bakit namayat ka, anak? Jusmaryosep maganda ka parin at walang pinag bago." hinawakan niya ako sa mukha na mas lalo pang ikinatulo ng mga luha ko. Para siyang totoong nanay ko na nag-aalala sa nakikita niya ngayon. Pinunasan niya ang mga luha ko na nag landas sa pisnge. "Tahan na... Tahan na ha... masaya ako at nag kita na tayo muli." kahit di man niya aminin, kitang-kita na pinipigilan niya lang umiyak. "Andun na sila sa patio area at inaantay kayo. Shh... Wag kana umiyak." iginiya niya kami sa patio area kaya bumalik na naman yung kaba ko.
"Mom... Dad..." ani ni Vinny nung makarating kami sa patio area. Andun din sila Sandro at ate Mia pati si Simon at ate Honey. Nakita kung nagulat sila sa nakita nila. Dahil ba sa itsura ko?? Kahit mabigat ang bawat yapak ko ay lumapit ako kela Ma'am Liza at PBBM para mag mano. Magkatabi lang sila kaya after ko mag mano ay lahat sila nagulat sa ginawa kung pag luhod sa harapan nila.
"Ezra..." sabay na sabi ni Ma'am Liza at PBBM. Luhod at iyak lang ang tangi kung nagawa dahil hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa kanila dahil sa pag alis ko na walang paalam at pag iwan kay Vinny na halos ikasira niya.
YOU ARE READING
Game On // Vincent Marcos (3)
Fanfiction"The heart breaker and play boy of the family"-Vinny. Vincent Marcos fanfiction