CHAPTER 51

963 50 6
                                    


"You look sassy on that scarf." compliment ni Borgy.

"Sus! Nambola pa. Thank you nga pala dito sa scarf ha. Ang ganda, mahal siguro ito no??" intriga ko agad.

"You deserve it. How are you??? Sorry if I wasn't able to visit you yesterday. I have hectic schedule." paliwanag pa niya.

"Okay lang. Nagpapahinga lang ako kahapon. Sabi pala ng doctor pwede na daw ako mag lakad-lakad para naman di ako tuluyan manghina if andito lang ako sa kwarto."

"Really?? We'll do that soon if kaya mo na talaga maglakad." napa poker face nalang ako sa sinabi niya.

"Kaya ko na nga maglakad eh. Gusto mo paunahan pa tayo tumakbo??" natawa siya agad sa sinabi ko. Kahit galing siyang trabaho ay dumeritso agad siya dito sa ospital. Busy si Calvin dahil may big event ang mga Marcos at kailangan double alert sila.

"Silly!" he patted my shoulder. "Your still regaining your energy. Just don't stress yourself too much. You'll be able to see the outside world soon."

"Na bo-bored na kasi ako dito sa ospital. Di pa ba tayo pwede makalabas??? Mamumulubi na ako sa hospital bills nito." pag-alala ko. May ipon ako, kami ni Jane. But mukhang kukulangin yun kasi matagal-tagal din ako dito sa ospital.

"I already paid your bills." Borgy said in a plain tone. Namilog agad ang mata ko sa sinabi niya. What the?

"Ano? Borgy, you did not-"

"I already did. I told you, you have nothing to worry about." nag kibit balikat lang siya saka naupo sa sofa.

"Jusko ka Borgy! Andami mo nang nagawa sakin. Ito na naman ngayon. Diko alam kung paano kita babayaran nito."

"Who said na babayaran mo ako? No need. I'm doing this for you. Take this as a reward for fighting."parang natural lang talaga sakanya yung mga sinasabi niya like walang halong may hidden agenda.

"Grabi ka mag reward. Dinaig mo pa bilyonaryo sa pamimigay ng reward." then I realized, bilyonaryo pala talaga siya. Sa dami ba namang negosyo, tignan ko lang di yan yayaman pero that's not the point. Nakakahiya na siya pa talaga mismo ang nag bayad ng bills.

"What can I say, I'm Fernando Martin 'Borgy" Marcos-Manotoc." he said then shrugged. Minsan mayabang yan pero dinadaan lang niya sa biro.

"Yeah right Mr. Supermodel-galante-gwapo." sabi ko saka inirapan siya. Yan palagi niyang biro na itawag ko daw sakanya. "Pero thank you, Borgy. Utang ko buhay ko sayo. I'll do everything to pay you back."

"I never asked for you to pay me back. Just get well and be strong, okay na ako dun. Your sister, where is she by the way?"taka niyang tanong.

"May binili lang sa canteen. Pabalik na siguro yun."

"It really suits on you." compliment niya ulit saka inayos pa yung scarf ko. "You look like a model actually."

"Model talaga? Grabi mang bola ha."

"Seriously. You look like a fashionista model. Strike a pose, I'll take a picture." dinakma niya agad ang phone niya sa bulsa saka tinutok sakin.

"Ano ka ba? Wag na. Nakakahiya kaya."

"Don't be shy. Just smile 1..2..3..." bilang niya at nagulantang agad ako sa sunod niyang sinabi. "I like you." namilog agad ang mata ko sa sinabi niya pero nagulat ako nung narinig na nag click yung phone niya. Kinuhaan niya ako ng picture?! "There. Precious reaction." nakangiting sabi niya habang nilagay ulit ang phone sa bulsa.

"Wait. Borgy, ano yung sinabi mo kanina?" pag papaulit ko dahil baka nabingi lang ako at iba ang narinig.

"I said, I like you." he said without hesitation. Proud pa yata siya sa sinabi niya eh.

"Teka. What-" biglang naputol yung sasabihin ko nung bumukas agad ang pintuan.

"Hello people!" hyper na bungad ni Calvin. Oh great! Ngayon ko lang nakita yung ganitong side niya tuwing kasama niya kapatid ko.

"Hello, Kuya. Andito ka pala." bati ng kapatid ko kai Borgy. Nakipag-apiran naman si Calvin at saka si Borgy.

"Let's go to the park." sabi ni Borgy. Parang nag echo sa tenga ko yung sinabi niya. Kanina ayaw niya tas ngayon siya pa nag-aya.

"Talaga?!" excited kung tanong.

"Yeah. Sabi ng doctor diba pwede ka makalabas. We can go to the park across the street." suggest pa niya. Na-excite na tuloy ako makababa.

Inalalayan nila ako na mag-lakad kahit kaya ko naman. Nagpaalam muna kami sa nurse station na ilalabas muna ako saglit total may kasama naman, buti pumayag. Pababa na kami at excited na excited na ako makita ang labas ng hospital. Nakakapasyal naman ako pero dun lang sa rooftop mini park. Boring dun.

"Di naman halata na excited ka masyado, Ate. Ngiti mo abot na hanggang tenga oh." basag ni Jane habang sumasakay na kami sa elevator.

"Excited na ako makita yung outside world eh."

"We can't stay longer ha. Your still recovering yet." advice ni Borgy.

"Okay lang. Atleast makababa na ako." nagbukas agad ang elevator at excited na talaga ako dahil nakikita ko na ang labas through glass doors. Pagkalabas namin ng ospital ay tumawid na agad kami patungo sa park malapit lang din sa hospital. Di naman masyadong maraming tao pero may mga batang nag tatakbuhan, naglalaro, nag pi-picnic. Finally! Nakalanghap din ng ganitong hangin. Amoy usok pero okay na, kesa sa palaging naka oxygen.

"You can sit on the swing." suggest ni Calvin. Sinamahan nila ako dun hanggang sa makaupo ako sa swing. Tinitignan lang ako ng ibang mga bata dahil baka siguro natataka sila na kailangan pa akong alalayan.

"Okay na ako dito. Lumayo-layo na muna kayo. Natatakot mga bata sainyo eh." puna ko. Tinignan nila ang mga bata na nakatingin samin pero nginitian lanf nila.

"May gusto ka bang kainin, Ate?" tanong ni Jane at umupo sa kabilang swing. Hmm... parang ang sarap kumain ng corndog.

"Corndog. Parang masarap yun." nakita ko kasi yun nung papasok kami dito.

"Ako na bibili. You two, stay here." turo ni Calvin samin dalawa ni Jane. Inakbayan niya agad si Borgy para silang dalawa ang bibili sa corndog.

"Psst! Ikaw ha, parang lumalalim na talaga yung something between you and Calvin."

"Eh ate, siya naman yung makulit eh." sabi niya na may halong kilig.

"Luh? Feeling nito. Ayaw mo nun, siya na mismo lumalapit sayo. Di ka naman lugi dun. Mabait naman yun medyo strict lang minsan pag na co-command na samin."

"Takot nga yun sakin eh. Nag hamon mag kasa ng baril nung isang araw eh nauna akong mag assemble, ayon, di niya inakala na marunong pala ako mag assemble ng baril." napakunot agad ang noo ko sakanya. Paano niya nalaman mag assemble ng baril? "Pinapanoud kasi kita dati pag pinag-aaralan mo yun dahil kailangan niyo e perform sa harap ng prof niyo. Ayon, natutunan ko. Pahiya siya eh." natawa nalang ako sa sinabi niya saka nakipag-apiran. Mag kapatid pala talaga kami.

"Wag mo sana siya pahirapan masyado HAHAHAHAHA kawawa siya, natamaan sayo." biro ko. Biglang humangin ng malakas at nahipan ng hangin yung panyo ko kaya lumipad agad ilang hakbang sakin. "Ako na." pigil ko kai Jane nung aktong siya na kukuha. Tumayo ako sa swing saka ilang hakbang agad para makuha yung panyo ko. Nahawakan ko na nung may marahas na humawak sa kamay ko. Inangat ko agad ang ulo ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa katawan dahil nakilala ko agad ang lalaking humawak sa kamay ko. Kahit tinubuan siya ng konting balbas sa may bibig ay di parin maitatago na gaano siya ka gwapo. Kahit humaba ang kanyang buhok ay di parin maipagkakaila nagpapalakas din yun ng appeal niya. Yung matang dati kung tinitignan na puno ng pagmamahal ay ngayon nagpapakita na ng galit at pagka-miss.

"Vinny..."

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now