Pagkauwi namin sa bahay ay diretso agad ako sa kwarto para kunwari mag bihis pero iniyak ko nalang lahat ng sakit na kanina ko pa pinipigilan. Iniyak ko nalang lahat dahil masyado ng mabigat yung pinag-dadaanan ko dahil nakita mismo ng mga mata ko kung paano amoin ni Papa yung ibang bata na kahit kelan ay di niya nagawa saakin. Tangina, Ezra. Parang hindi ka sanay. Ilang taon kanang inabandona, ngayon kapa masasaktan? Wala eh. Unfair niya talaga eh. Masakit sa part na ginagawa niya yung mga gusto kung maranasan nung ako'y bata pa at kasama siya. Apaka unfair naman talaga. Ako pa dehado sa sitwasyon kahit siya yung nang-iwan. Ngayong nakita ko na kung gaano siya kasaya sa piling ng binuo niyang pamilya na hindi ako kasama, dapat na rin ba ako maging masaya para sakanya?? Hindi ako magiging buo hanggat wala akong nakukuhang sagot galing sakanya kung bakit nagawa niya yun samin. Kung bakit kailangan ko pagdaanan itong sakit na nararamdaman ko dahil sakanya.*Knock. Knock. Knock*
Napabalikwas agad ako sa kama at madali-daling pinahid yung luha ko. "Pasok." namamalat na boses ko kakaiyak. Pumihit agad ang pinto at bumungad na pumasok si Jane sa kwarto ko.
"Ate, nakwento ni Kuya Vinny yung nangyari sa park kanina. Sorry..."panimula niya.
"Oh bat ka nag so-sorry? Upo ka nga dito." tinapik ko ang kama ko para dun siya maupo.
"Sorry kasi kailangan mo pa talaga yun makita kaya ka ngayon nasasaktan." napangiti nalang akong napangiti sa sinabi niya.
"Wala tayong magagawa. Masaya na siya sa pamilyang binuo niya. Masakit lang talaga pero masasanay na rin ako."
"Nung nalaman ko ang totoong sitwasyon nila, di ko nalang pinaalam sayo dahil alam kung magkaka-ganyan ka. Wala akong ibang magagawa kundi iparamdam sayo na andito ako palagi sa tabi mo para hindi mo isipin na wala kang karamay sa buhay." naiiyak na naman ako sa sinasabi niya. Minsan lang kami mag seryoso ng kapatid ko kaya tagos ito hanggang bone marrow yung sakit. "Wag ka nga umiyak. Pangit mo." Kitams? Apaka laitera talaga eh. Imbes seryoso na usapan, papaiyak na ako eh.
"Pangit mo din kaya." balik kung insulto sakanya at pinahiran ko yung mga luha na malapit na sana tumulo.
"Pero seryoso, ate. Wala na tayong ibang magagawa. Not unless e confront mo siya. Ate, sana hindi ka umasa na babalik pa si Papa saatin, dahil kung ginusto niya man, matagal na sana siyang nag reach out." tama yung sinabi ni Jane. Sana matagal na niya kaming pinuntahan. Sana di niya itinaboy si Jane nung pinuntahan siya nun sa bahay nila. Ayaw na niya talaga saamin.
"Kaya ikaw, pag mag-aasawa ka, humanap ka ng maayos at kaya kang panindigan hanggang sa huli." balin ko sakanya. Kumunot agad ang noo niya at parang nandiri sa sinabi ko.
"Ayoko pa mag-asawa, kapagod kaya. Baka ikaw pa una mag-asawa eh. Ano ba talaga kayo ni Kuya Vinny?? Ikaw ate ha, nag-lilihim kana sakin." asar niya.
"Hindi pa kami. Di din naman niya ako nililigawan. Friends lang kami." depensa ko.
"Ahh... Friends... Friends with benefits di joke lang HAHAHAHA..." aba't pilya din ito eh!
"Gaga! Umayos ka ha. Teka, asan ba siya??" tanong ko.
"Uyy... Hinahanap agad si Friend." pang-aasar pa niya. Tsk! Ang lakas niya talaga mangulit. "Andun sa baba, nag presenta mag luto ng ulam para sa haponan." namilog agad ang mata ko sa sinabi niya. Napabaliwas ako ng bangon sa kama.
"Bakit mo hinayaan mag luto??!" inunahan ko na si Jane makalabas ng kwarto at patakbong bumaba ng hagdan. Nakita ko agad si Vinny na abala sa pagluluto.
"Vinny... Bakit ka nag luluto??"
"Hey baby..." masigla niyang bati. "I cooked your favorite ulam. Chicken curry." biglang nagpantig yung tenga ko sa sinabi niya. He cooked my favorite ulam? How sweet... "I know that stare. Yes, I know how to cook." natatawa nalang akong lumapit sa kanya at pinagmasdan niyang niluluto yung paborito kung ulam. "Jane taught me how to cook this one. Just wait a minute, it's almost done." sabi niya at kumuha ng kutsara para tikman yung niluto niya. "Can you taste it also? Just to make sure if it fits to your standard." kumuha pa siya ulit saka pinatikim sakin. Wow. Diko inexpect na sakto niya yung timpla ko, parang nalagpasan niya pa yata. Balance yung anghang at lasado yung timpla talaga eh.
"Woy ang sarap ah." comment ko agad.
"Really?? I thought it taste bad." ewan ko kung lowkey ba siya or ano ba.
"Pa humble ka masyado ha. Masarap siya, tinalo mo luto ko. Congrats! Marunong kana mag luto nang chicken curry." sabi ko sabay palakpak. Nag presenta ako na ako na mag lagay ng mga plato sa lamesa at kumuha ng kanina. "Jane, kain na!" sigaw ko sa bandang hagdan dahil nakakapagod na umakyat.
"Baba na ate!!" sagot niya. Nung ma-complete na kami maupo sa lamesa ay nag dasal muna kami bago kumain. "In fairness, ate. Ang sarap ng luto ng jowa mo." komento niya. Isa pa to, walang preno ang bibig eh. Sinipa ko agad ang paa niya sa ilalim ng lamesa. "Aray!! Oww.."
"Are you alright? What happened??" concern na tanong ni Vinny na tinignan agad ang ilalim ng lamesa. Pa-simple kung tinaasan ng kilay si Jane.
"The mosquito...Oo.. the mosquito bit me.. hehehe.." palusot niya agad. Palihim akong natawa sa pagpapalusot niya. Ibang klase talaga.
"Oh... Just put ointment kung saan ka nakagat para di yan maging itchy." suggest pa ni Vinny. Peking natawa si Jane kasi di naman talaga siya nakagat ng lamok eh. Tatango-tango pa talaga.
"Kumain na nga kayo" sabi ko. "Saan mo gusto pumunta after graduation, Jane? Kain tayo sa labas?" panimula ko habang nag sisimula na kami kumain.
"Dito nalang sana tayo kumain sa bahay, Ate. First celebration kaya natin to na may sarili na tayong bahay. Malayo pa birthday mo at birthday ko saka paslo at new year. So why not we celebrate it here. Wow english." pahabol pa niya. Sira talaga. May point siya, unang pagdiriwang namin sa success na may srili narin kaming bahay.
"Maganda yan. May kakilala ka ba kung saan pwede maka-order ng food?"
"May school mate ako na yung negosyo nila is food package so nag order na ako sakanila. Wag kana mag-alala dun, ate." nag kibit balikat nalang ako kasi okay na naman daw lahat eh.
"May bisita ka bang darating? Baka may boyfriend kang gusto ipakilala sakin?" pang-aasar ko.
"Kung meron talaga edi sana dati ko pa ginawa." natawa kami sa sinabi niya. Parehong-pareho talaga kami nung fresh graduate palang ako, wala talagang naging jowa. "Kayo lang bisita ko sa graduation. Okay na rin yun, at least kunting plato lang hugasin." makulit talaga itong bata na ito. Matatawa ka nalang talaga kada hirit eh.
"Want some more rice, baby?" nagulat ako sa pag tawag ng baby ni Vinny eh nasa harap lang namin si Jane na ngayon ay malaki na ang ngisi. Sinipa ko agad ang paa ni Vinny sa ilalim ng mesa. "Ouch! That hurts." reklamo niya. "Now I know who's the mosquito." sabi pa niya sabay tingin sakin.
"What a big mosquito." gatong pa ni Jane. Aist! Nagkasundo pa talaga sila kulitin ako. Sarap ipag-umpog silang dalawa eh.
YOU ARE READING
Game On // Vincent Marcos (3)
Fanfiction"The heart breaker and play boy of the family"-Vinny. Vincent Marcos fanfiction