Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter 2:Meant to be

143 34 24
                                        

June 08,2012
5:32 pm

Liam point of view

Pagkatapos kong ipark yung kotse ni aaron sa garahe namin ,may narinig akong kaldabog sa kotse ..
ang nakita ko ay isang anino nang babae ,akala ko minumulto lang ako eh.Noong nilapitan ko yung anino ,tao talaga siya.nakaluhod at nakapikit .Simple lang ang ayos at ang suot niya .


Nakakabadtrip kapag ganito yung napagod ka na nga sa byahe tapos may maiinkwentro ka pa na napakaingay na babae .na hindi nagpapatalo

hinila ko yung babae sa may liwanag at dun ko nakita yung hitsura niya.

Sobrang ganda niya pala,mala anghel ang muka ,manipis ang labi at makislap yung mata ,nabigla ako .hindi ko kasi ganong makita.muka niya kanina habang nagiingay siya

Napanganga nalang ako habang tinitignan ko siya mula ulo hanggang paa, sino ba naman ang hindi malalaglag ang panga sa makikita mo , kitang kita ko ang maputi niyang balat., kulay brown na mata at mahaba na buhok pati yung labi niya kulay rosas ,naka apron sya nang chechard na parang isang tindera

"Hoy !"pagtatawag niya sa nanganga kong hitsura

Bigla naman akong natauhan sa boses niya


"Tara na sa loob ,kakausapin pa kita!"sabi ko

"hindi !"


"Anong hindi ?kakausapin lang kita ,ipaliwanag mo nang maayos kung sino ka at anong klaseng tao ka at kaano ano mo nadisgrasya namin hindi yung nag rarant ka kaagad! "

"Edi sige "napilitan niyang sabi

"Fine ,tutal gabi na din naman .ihatid nalang din kita sa bahay niyo !"

"Sumunod ka sakin ..!!"sabi ko sa babae,sumunod naman siya sakin kahit di niya alam kung saan ko siya dadalhin,

idala ko kaya to sa bangin sa likod nang mansyon namin tapos itulak ko siya. hahahah,para mabawasan maingay sa buhay ko

Nag-aalangan pa siyang pumasok sa loob nang bahay namin ,kaya hinila ko na siya

Tumingin siya sa kamay namin parehas.ang awkward kaya
Binitawan ko din naman siya agad

"Saan ka nagtatrabaho ?anong meron sa suot mo?",na curious akong tanungin siya ,dahil muka siyang nangangatay siya nang kung ano ano .

"Palengke !"

"As in market ?"tindera siya ?pangtindera na pala yung magaganda ngayon ?

Habang sinasabi ko yun nakatingin pa rin siya sakin na walang emosyon ang muka !

Napaka weirdo naman niya po talaga!ano kayang iniisip nito

."weirdong to ,hindi na alam kung ano sasabihin sakin "sabi ko dahil hindi na siya nagsalita ,tumingin nalang siya sakin

"sumunod ka na nga lang sakin !!dalian mo!"sabi ko


Nang nakarating na kami sa loob nang bahay namin agad siyang umupo sa sofa


"So sino ka nga ?"

"hindi ko kaano -ano yung mga babae na tinulungan ko kanina ,napasubo pa nga ako eh,imbis na magtrabaho ako .nag magandang loob pa ako sa mga babae .kasi naman kayo eh !"

"anong kami ?"

"kung hindi kayo pabara- bara magmaneho,wala sana kayong masasaktan!"

"so ano nga gusto mong gawin ko ?"

"Bakla ka ba ?"straight to the point talaga eh ..pati ba naman siya sasabihan ako na bakla?

"anong bakla ?papano mo nasabi na bakla ako !at saka ang layo nang sagot mo sa tinatanong ko "

"manghingi ka nang sorry syempre,at bayaran mo din yung pinang hospital nila !"


"Paano ako manghihingi nang sorry ,eh hindi ko naman sila kilala !"

"Gumawa ka nang paraan ah,hime at abby pangalan nila !"

"napakadaming hime at abby sa mundo! ,wala man lang bang cellphone number silang iniwan sayo ?what is the purpose of following us here?"

"teka sandali !"may kinapa kapa siya sa bulsa niya


Nang hindi niya makapa ,tinignan niya ko

"Bakit mo ko tinitignan?"pagsusuplado ko

"wala nga palang binigay sakin yung mga babae na numero nila hays .!"

Inirapan ko nalang siya !ayaw ko na itong patulan ,baka hindi ko alam kung ano magawa ko kapag pinatulan ko pa ito.

iniwanan ko na siya sa may sala at uninom nang maiinom sa ref.nakakapagod makipag-usap sa taong nakikipagtalo pa

Padabog kong nilagay yung baso sa table at narinig naman niya yun kaya napatingin siya sakin,.
nang makakuha ako nang maiinom, at nalasahan kong may something sa iniinom ko agad akong nanghina at gusto kong maduwal,ubo ako nang ubo allergy pa naman ako sa alak., agad siyang nagtatakbo papunta sa akin,at hinahagod yung likod ko

"tignan mo kasi kung ano yung inilalagay mo sa bibig mo! "sabi niya sakin

Pagkatapos noon unti unti nang ,nagdilim paningin ko

Wake Up Pessimist Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon