Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter 28:That one friend

29 15 2
                                        

Aaron Point of view

February 01-2017

Bandang hapon na nang nagising ako! maghapon akong natulog sa dorm ko .hahaha i mean sa bagong dorm

Pauwi muna ako ngayon sa bahay namin dala ang kotse ko at ,habang nagdadrive ako .patungo sa bahay namin ..

May muntik nanaman ako masagasaan! lingid sa aking kaalaman isang tao pala na nakilala o nakita ko na noon at yung tao na yun
minsan nang nakasama ni liam!

si jane pala!yung kasama niya noong monday

Napalingon ako sa kanya habang nagdadrive ako ,kaya ,ayon napahinto yung kotse ko!nagkusa eh

"Jane !"pagtatawag ko ,hindi siya lumingon at patuloy na naglalakad ,

Aba isnobera !hindi naman famous .

"Jane !"Pagtatawag ko ulit

pa din lumilingon

Isa pang hindi paglingon nito sasagasaan ko to!

"Jane,!nak nang!!"

Sa wakas lumingon din
Lumingon siya ngunit ,nang tumingin siya sakin walang emosyon ang muka

Bumaba na ako sa aking kotse at saka ako nagtungo sa kanya

"Jane!"

"Ako ba tinatawag mo?"sabi niya at itunro ang sarili

"Alangan naman yung damo!"

"Bakit po?.nagkakilala na ba tayo?"tanong niya

"Walang maalala may amnesia??"tanong ko  din pabalik dahil hindi niya ako maalala

"Hindi ko matandaan eh!"

"Matagal ka nang iniisip ni liam !.I  mean nag aalala sayo yung tao !!"

"Ahh . si liam!kilala ko na.at ikaw si aeson?oo nagkita na tayo minsan !"

"Aaron po .aaron ,kumusta ka na !"

"Okay naman na ako ,nagtitinda pa din "

"balita ko ,winalk -outan mo si liam noong monday ,

Agad siyang napayuko ,

"Pasensya na kamo ,pakisabi sa kanya ..bukas magkita kami !gusto kong magkita kami at magkausap ,ikukwento ko kamo lahat .at sasagutin ko ang mga tanong niya!"

"Matutuwa yun ,bakit hindi pa ngayon?bakit hindi pa kayo ngayon magkita?"

"May pupuntahan kasi ako ngayon!"

"Samahan na kita?,or ihatid na kita ?

"Okay lang ba ?sabi ko nung mapansin nakayuko pa din sya

Nagtungo na ako sa kotse ,at pinagbuksan siya ,agad naman siyang pumasok at umupo sa passenger seat.

--
Katahimikan lang ang bumabalot sa amin ni jane ,,kalakas maka stranger moment .

nabaling ang tingin niya sa libro sa harap nang kotse ko
yung napublished na book ni liam !

"Nightmare?"

"Okay lang naman hawakan yan !book nga pala yan ni liam siya yung gumawa "

"Talaga?bakit ganito yung title "

"Nightmare o panaginip!haha..sinulat niya yan kasi naiinspire siya sa mga napapanaginipan niya !may sakit kasi yang si liam !naglalakad siya habang tulog!"

"Ahh." saad niya at napalingon sa bintana nang kotse ko

"Ganyan din yung ano. ganyan din yung sakit nang pinsan ko ,buti nga si liam nakakatulong sa kanya yung sakit niya!pero yun?pinahamak pa siya napatay niya yung papa niya dahil sa sakit niya !"dagdag niya

"Hah?.saklap naman! napatay niya yung sarili niyang magulang ?grabe nakakaguilty!"

Naluha siya sa mga naikwento niya
At saka huminga nang malalim

"Bakit ka umiiyak?"

"Naaawa lang ako sa kanya*huk* Kahirap nang kalagayan niya ngayon diba!"

*Bigay panyo*

"Syempre ,ikaw ba naman makapatay nang magulang !ang sakit nun !'hindi naman niya ginusto yun !"

"Walang magagawa sakit niya yun!!"

"Sabagay ,so nasaan na yung pinsan mo na yun?"

"Nasa ibang lugar na,!hindi ko alam kung nasaan ,naglayas kasi siya sa bahay nila..sa kadahilanan na sobrang guilty!"

Habang nagkukwento siya ,hindi ko namamalayan yung direksyon .hindi ko nga alam kung saan kami pupunta, nagdadadrive kasi ako ngayon .

sobrang nakikinig ako sa kwento eh !ang ganda nakakaiyak kaya

"Teka saan ba tayo pupunta?"Pagtatanong ko

"Iwanan mo nalang ako dito !"

"Hah ?eh kadilim dito !!hindi ka ba natatakot?"

"Sige na ibaba mo na ko ,dito lang ako !"

"Sigurado ka ,?samahan na kaya kita !"

"Wag ka nang makulit!sabihin mo nalang kay liam ,yung sinabi ko sayo !"

"Okay sige !nakakatakot diyan jane !awoooooo"pagbibiro ko

"Baliw.."

Ramdan ko yung lungkot ni jane habang nagkukwento siya naiiyak din siya kasi parang sarili niyang buhay yung kinukwento niya

Hays kahirap kaya nun,!yung naglalakad habang tulog !

Tapos makakapatay pa ,ang masaklap pa don !magulang niya pa ang mapapatay niya .

Ang hirap nang kalagayan nang pinsan ni jane

Pinaandar ko na yung kotse ko at nagpaalam na kay ms iyakin ,
gusto ko sanang samahan si jane kaso ayaw naman niya ,kaya umalis nalang ako.ikukwento ko lahat nang to kay liam

---
Cut

Wake Up Pessimist Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon