Liam point of view
Nag igting ang panga ko at namula yung tenga ko ,pinaulit niya kasi yung salitang bakla sa harap ko ,hindi na tuloy ako makakain .gusto ko nalang tuloy patunayan na hindi ako bakla .
Naagaw nang kutsilyo ang atensyon niya,matagal siyang nakatitig dun sa may kutsilyo sa pagkain at hinawakan niya ito bigla bigla
Ano ba gagawin niya sa kutsilyo na yun?Wag niyang sabihin sasaksakin niya ako
Nagsimula magtama ang mga mata namin pero nakita ko na umiiyak siya
bakit siya umiiyak ?anong problema nang taong to ,nakakapagtaka ahh!!!may ano sa kutsilyo
Kinuha ko ang kutsilyo sa kamay niya para maalis atensyon niya doon
"Bakit iniiyakan mo yung kutsilyo,at saka ito ginagamit to sa pagkain .hindi para iyakan !"
"pasen-sya na ,"panginginig nang kanyang boses
"bakit ?"
"Wala "
"Pag hindi mo sinabi sakin !--"
"Ano ,ano gagawin mo?"at saka siya tumitig sakin ,kitang kita ko yung pagtitig niya sakin merong sakit sa mga mata niya .
Ano bang problema niya .
"kumain ka na nga !"paguutos ko
.
"Akala ko ba paguusapan natin si mica ,yung bestfriend ko !"bigla niyang sambit at iniba usapan"Oo,at pati ikaw !"sabi ko
"Anong gusto mong malaman tungkol kay mica?"saad niya
"Ikaw muna bakit napaka misteryoso mo?bakit ang dami dami kong gustong malaman tungkol sayo !?"
Napatingin lang siya sakin
Pero hindi siya sumagot"Si mica !Bakit kilala niya si aaron?"pagtatanong ko ulit
"Hindi ko alam .!hindi ko alam kung bakit nagkakilala sila ni aaron ,"
"Ikaw naman tinatanong ko lang wag kang high blood ,wala ka man lang bang sasabihin sakin at ikukwento sakin !?"
Hindi pa din siya kumikibo
"Bakit ba ayaw mong sumagot ?!tinatanong kita!"
"Ayokong pag usapan to,ayokong umiy--"sabay tulo nang luha ni jane
Gustong gusto ko nang basahin yung nasa utak nang babaeng ito ang sarap
Kalkalin nang utak."Jane !"sambit ko upang kumalma siya at hinawakan ko ang balikat niya dahil sa hindi ko alam yung dahilan nang bigla bigla niyang pag iyak
"Liam ,pasensya ka na ,hindi ko talaga kayang sagutin !"agad nagtatakbo palabas nang yellow cab si jane habang umiiyak
Nanlaki yung mata ko sa ginagawa niya..gaano ba kalala yun at ayaw niyang sabihin sakin?
"Jane ,jane!"pahabol na sigaw ko sa kanya pero nagtatakbo siya at hindi nako pinansin .
Marami tuloy nakatingin na tao sakin ngayon sa nangyari ,baka akala kung ano yung ginawa ko kay jane ,wala man lang kaming pormal na paguusap ,hindi ko nga din mas lalong nakilala si jane ,ilang araw naman na siyang nasa bahay.dahil
Misteryoso ang kinilos niya ngayon
![](https://img.wattpad.com/cover/31633396-288-k157827.jpg)
BINABASA MO ANG
Wake Up Pessimist
Ação"Are you willing to wake up the pessimist?" Saksihan ang kanilang samahan kung saan ,handang gawin ang lahat malabanan lang ang kasamaan ,hanggat.may pananalig walang sukuan Maraming kapupulatan na aral . Halo halo ang magiging emosyon mo. Editing...