Abby Point of View
Pauuwi na kami galing camping
Medyo papalalim na gabi ,at nandito na kami sa isang kanto kung saan naglalakad kami pauwi ni hime ,hindi niya pa din ako kinakausap hanggang ngayon ,.medyo magkagalit kami sa ngayon .dito din siya ang tinitirhan niya kalapit nang bahay namin at iisa lang ang village na aming tinitirhanIkwento ko nalang sa inyo yung nangyari kaya kami nagkatampuhan ni hime
Flashback...
After dance contest
Katapat lang namin ang bahay nila hime kaya hinihintay kong pumasok siya sa kanilang gate ,kanina inaaya niya ako na gumala pero hindi nga pala ako pwedeng lumabas sa village namin ...
Nakaupo lamang ako dito kaya naabutan ko siya na bumaba sa kotse nang isang lalake ..
Paano kong nalaman na lalake?syempre nakita kong bumaba at naguusap sila ni hime ,yung lalake napaka hinhin maputi tapos gentleman pa dahil pinagbukas niya nang pinto nang kotse si hime ..pero bakit hindi naman sinabi sakin ni hime na may boyfriend na siya ....hindi na din nagkukwento si hime sakin .
Nakakapagtampo lang
Nung nakaalis na yung lalake at saka ko na kinompronta si hime .....
"Boyfriend mo?"pagtatanong ko kay hime ...
"si kris,.nakilala ko lang siya kanina sa dance contest !.eh wala akong kasama kanina kaya sinama ko siya ..nag celebrate lang kami nang pagkapanalo natin!"
*Pak*
"Bakit mo ako sinampal ?abby ano bang problema mo?"
"Bakit ka sumama doon ??paano kung masamang tao yun .tapos may mangyaring di maganda sayo .anong gagawin mo !?"pag-aalala ko sa kanya
"Mabait naman siya ahh ,at saka tigil tigilan mo na nga yung pagiisip mo nang kung ano ano ,lagi ka nalang ganyan !nakakairita na "
"Nag-aalala lang naman ako sayo ahh !"
"Hindi pag-aalala yan ,kailanvan mo pa akong sampalin dahil nag aalala ka ,nagiging possesive ka na ,nagiging kill joy ka na ,kaya ko lang naman siya inaya kanina dahil para akong tanga na nagcecelebrate magbisa nang pagkapanalo natin .!"
"Hime alam mo naman na gusto ko lagi lang kitang kasama ,sorry for being possesive ,para na kitang ate ko ,alam mo din naman ang kalagayan ko kaya hindi ako lumalayo nang village ...aral-bahay lang ako,kaya hindi na kita nasasamahan!"
"gusto mo nga akong laging kasama pero
palagi ka nalang nangungulit sa pagtatanong tungkol sa nakaraan mo !""Dahil gusto ko lang malaman kung sino at ano ako noon !"
Unti unti nang kumunot ang noo ni hime at sinabi sakin na
"Gusto mo ba talagang malama kung ano ka noon ,?alam mo yung salitang TANGA ?yun ka!!"
"Anong ginawa ko noon ?para pagsabihan mo na ako nang tanga hah?"
"Itinutuon mo lang ang oras mo sa isang lalake ,na alam mong madaming nagiging babae !!"
"Hindi kita maintindihan hime !"
"Kung hindi mo maintindihan ,wag mo nang intindihin at sa susunod na magkita tayo .wag mo nang tatanungin kung sino at ano kang klaseng tao ..dahil hindi ako yung
taong lagi mong nakakasama !""Papanong hindi ??"
"Umalis ka na abby !!!!"
"Hime bakit ka ba nagiging ganyan?"
"Hindi pa ba halata ?na ayaw na kitang makita ,ayaw na kitang sagutin sa mga tanong mong paukit ulit nalang ayaw na din kitang kaibigan !naiiintindihan mo ba ko abby!?"
"Ano bang nagawa ko sayo ?"
"Wala ...dumistansya ka nalang muna sakin!"nagsimula na akong umiyak sa mga pinagsasasabi niya
"Kung wala naman pala ,bakit ang cold mo sakin hime!"
"Basta lumayo ka nalang !!"
At that time ...parang naubusan ako nang isang pakpak ,feeling ko hindi na ako makakalipad nang mataas kung wala siya ...kung wala yung isang taong laging nandyan kapag kailangan ko ...mahirap kalimutan yung taong nagbigay sayo nang madaming alaala .alam niyo yung ang hirap makipaghiwalay sa bestfriend mas mahirap pa sa boyfriend
Feeling ko din madami na akong nagawang hindi maganda sa kanya naging ganoon ang pakikitungo niya sa akin ....ito yung dahilan kung bakit hanggang ngayon wala pa din kaming pansinan ....
Hanggang sa napag alaman ko nalang na kasama siya sa isang gang sa school .at ibinubuhos niya ang oras niya sa bagay na yun .
Kaya niyang makipagkapatiran sa iba
Pero makipagkaibigan ulit sakin ayaw na niya.-
------
Nauuna siyang maglakad sakin ni isang sulyap hindi niya man lang ako sinusulyapan ..hanggang ngayon galit pa din siya sakin ..:(ang hirap sa kanya naghahanap siya nang challenge pero ang bilis bilis niyang sumuko
BINABASA MO ANG
Wake Up Pessimist
Ação"Are you willing to wake up the pessimist?" Saksihan ang kanilang samahan kung saan ,handang gawin ang lahat malabanan lang ang kasamaan ,hanggat.may pananalig walang sukuan Maraming kapupulatan na aral . Halo halo ang magiging emosyon mo. Editing...