Jane Point of View
Ito na siguro ang araw na pinakakinatatakutan ko,andito ako ngayon sa bahay na ko ,
Marami ako ditong karanasan kung saan ang dahilan nang paglalayas ko ...
Nagsimula nang tumibok ang puso ko at kakaunti nalang patulo na ang luha ko
tumingin akonkay liam na ngayon ay nakasandal sa kanyang kotse at nakangisi na lamang sa akin
"Pindutin mo na yung doorbell" ani ni liam sa akin agad ko naman din iyong sinumod ngunit nanginginig pa din ang aking kamay sa kaba
Pipindutin ko pa la ang doorbell ngunit bumukas ang aming gate at bumungad sa akin ang aking ina
Nangungusap ang kanyang mata .nang makita niya ako,bakas pa din ang pagdadalamhati dito ..Napako na ako sa aking kinatatayuan dahil hindi ko alam kung ano ang aking gagawin ,bahagya akong tumingin kay liam .nakasandal pa din siya sa kanyang kotse ngunit ngayon ay abot tenga na ang kanyang ngiti nang makita niya ang aking ina
..
Napagdesisyunan ko na lumapit na kay mama. akmang lalapit pa lamang ako... ay dun naman na pagsalubong niya sa akin nang mahigpit at matamis na yakap
sa ginawa niyang iyon unti unti nang tumulo ang aking luha ,dahil ramdam ko ang pagmamahal sa bawat haplos niya sa aking buhok at paghagod sa aking likod...
"Ma-"Pagtawag ko sa kanya habang umiiyak pa din
"Namiss kita anak ...!"mas lalo pang tumulo ang luha ko sa binanggit niyang iyon ..tumutulo na din ang kanyang luha at mas lalong hinigpitan ang kanyang pagkayakap sakin
"Ma,sorry --po--" sabi ko na parang bata habang pinipunasan ang luha ko
"Shhh,anak .wag kang magsorry !wala kang kasalanan ...."nakuha niya pang magbiro sa kalagitnaan nang aming pagdadrama
"Ma..madami akong kasalanan !"sabi ko sa kanya.at bahagyang tinulak siya nang pabiro
"Tama na iyak anak ,saan ka ba nakikitulog ..?kaganda ganda mo tapos tignan mo yung mga suot mo!"sweet na pagsermon niya sa akin
Hindi ko siya maintindihan ,!kinurot ko sarili ko sa pag aakalang panaginip lamang to .ang bait bait niya sakin samantalang hindi na mabilang ang kasalanan ko sa kanya ..
Doon ko na pagtanto kung gaano tayo kamahal nang ating magulang ...
Kahit anong kasalanan ang gawin natin sa kanila ,patatawarin pa rin nila tayo
Tinignan ko si liam,nagtataka din siya sa ginagawa nang mama ko ..
"Anak ..pumasok muna tayo sa loob at may sasabihin ako sayo ,ayain mo na din dito ang boyfriend mo "
"Ma..hindi ko po siya boyfriend !"sabi ko sa kanya
Inaya ko nang pumasok si liam sa loob nang bahay namin.
*
**
Nakapasok na ako sa loob nang bahay namin ,nakakamiss din pala ..yung saya nang may sarili kang pamilya
Kaagad namang umupo si liam sa may couch .hindi ko pa man din pinapaupo siguro nangawit na din siya.kanina pa kasi siya nakatayo ,kumuha naman si mama nang meryenda para sa aming dalawa ni liam ..
BINABASA MO ANG
Wake Up Pessimist
Action"Are you willing to wake up the pessimist?" Saksihan ang kanilang samahan kung saan ,handang gawin ang lahat malabanan lang ang kasamaan ,hanggat.may pananalig walang sukuan Maraming kapupulatan na aral . Halo halo ang magiging emosyon mo. Editing...
