Hime Point of viewSa kulay puting lugar na ito marami akong alaala,naalala ko .nagising ako dito noon , yun nga lang si abby yung kasama ko at siya yung idinala sa lugar na parang ganito
Andito ako sa school clinic ngayon,gising na gising ako .
inikot ko ang mata ko sa lugar na ito .at tanging school nurse lang ang nakaupo sa table ,walang abby .wala yung bestfriend ko,oo nga pala ,magkaaway pa kami .Ipinikit ko ang aking mga mata ,at iniisip ko na maipapaliwanag ko din ang katotohan na ,hindi ko masabi sabi
simula pa noon bestfriend ko na si cassandra ,Cassandra Collins o mas kilala sa eskwelahan bilang bagong personalidadFlashback
Lagi niya akong kasama ,ngunit nagkataon na hindi kami magkasama noong mga panahon na nasa binggit siya nang kamatayanNoong nangyari ang aksidente sa school na ito ,ang pagsunog sa dorm nakasama si cassandra doon .
isa siya sa sinasabing namatay .Mas lalong naapektuhan ang boyfriend niya na si zack marasigan
Nang nakapunta na nga ako sa school na ito kitang kita ko ang sunog at pinsala na idinulot nang sunog na kagagawan ni jiad
Nakita ko din ang mga estudyante na nakaligtas ngunit sugatan at ang tatlong namatay ay nakabalot na nang mga kumot .hindi ko alam ang gagawin ko ,nginig na nginig na ako sa nangyayari
Unti unti na akong papalapit .hinanap ko kung nasan yung katawan ni cassandra at natagpuan ko iyon at labis na lang ang panginginig ko at unti unti na ngang tumulo ang aking luha
Ang sakit sa pakiramdam
na yung taong lagi mong kasama
Yung taong laging andyan para damayan ka ngayon. makikita mong wala nang buhay at iniwan ka na
at ang masaklap pa ,hindi na siya babalik paHindi ko lubos maisip na ganito ang mangyayari kay cassandra ,ang hirap tanggapin gusto kong gumising kung panaginip man ito
Habang umiiyak ako..napatingin ako sa malayo . nakita ko sa malayo si zack ,ang boyfriend ni sandra .papalapit na din siya nang papalapit sa labi nito
Walang emosyon ,parang inosente siya sa nangyayari
Nagtatakbo na siya at yinakap na ang labi ni sandra umiiyak ,sumisigaw, nagwawala tila hindi alam kung ano ang gagawin
Doon ko lang nakita kung gaano kamahal ni zack si sandra .
Sobrang mahal na mahal niya
Pilit ginigising ang sunog na katawan ni sandra ang tanging palatandaan lang nito sa katawan ni sandra ay ang bracelet na bigay niya ,kaya nung makita ni zack na suot suot ito nang labi .mas lalo siyang nagwalaKinabukasan pagkatapos naganap ang sunog sa school ,pumunta ako sa bahay bahayan namin ni sandra sa tree house .ginawa namin yun nung bata pa kami
Dito kami tumatambay at naglalaro
Ang ginawa ko lang don ay kukuhanin sana ang mga litrato niya at aayusin ko ito para sa burol niya
mahilig kasi siya sa litrato ,ngunitPagkatapos kong buksan ang pinto
Laking gulat ko nang nakita ko si cassandra ,may sunog sa kanang bahagi nang braso at sobrang himbing na natutulog .napatakip nalang ako sa aking bibig nung oras na iyonBumilis ang tibok nang puso ko
Parang nanaginip lang ako ,dali dali kong tinignan kung may pulso pa siya at meron pa nga .Huminga ako nang malalim sa nakita ko ,hindi kasi ako makapaniwala
Nang magising siya hindi niya ako nakilala wala siyang maalala.pero ang nakapagtataka bakit siya nandito sa tree house ?kung hindi niya maaalala ang bawat detalye nang kanyang nakaraan
mas minabuti ko nang hindi sabihin ang kanyang totoong pangalan at itago na din ang totoong pagkatao niya ,pinaalam ko na din ito sa magulang niya .syempre nagulat din sila
Ngunit yung labi nang isang babae na may bracelet na katulad nang kay sandra na napagkamalan namin na siya yun ,ipinalibing na din nang mga magulang ni sandraSa kasalukuyan alam naman nang mga magulang ni sandra kung ano yung mas makakabuti sa kanya
Kaya pinalitan nila ang pangalan na sandra sa pangalan na abby ..Ayaw na ayaw ipaalam nang magulang ni abby na buhay pa siya sa boyfriend na si zack
Sa hindi ko malaman na rason nang mga magulang na cassandra
pero sa tingin ko .dapat ipaalam na nila iyon kay zack dahil hanggang ngayon nagluluksa pa din ang lalaki.hindi ko pa naman nakikita si zack sa school na ito
Kaya nakakahinga pa ako nang maluwag ,nakikita ko lang siyang nagpeperform bilang isang banda sa malayuan pero hindi ko siya nakakausap nang malapitan.
"Hoy ang layo nang iniisip mo ahh!"paggising sa reyalidad sa akin ni kris kararating lang niya dito sa clinic
"Anong nangyari sakin ?"pagtatanong ko kay kris
"Nahimatay ka po ,for the second time na kasama mo ako "mahinahon niyang sagot
"Uuwi na ako !"
"Hala .ayan ka nanaman !ang bilis mong mag aya .okay ka na ba ?wala nang masakit sayo?"pag-aalala niya
"Wala na . uuwi na ako !"
"Teka ihahatid kita !"sabi sakin ni kris
Inalalayan ako ni kris at nagpaalam na sa nurse nang clinic
"Pate ,wag kang masyadong nagpapagod at saka kumain ka nang maayos ,para hindi ka na mahimatay ulit !"bilin sa akin nang nurse
================================
Kris Point Of viewNaglalakad na kami ni hime pauwi
Wala man lang nagsasalita sa amin parehasNaalala ko kanina katagal niyang nakatulala sa clinic tila kalayo nang iniisip
ano kaya yung iniisip niya
Ako kaya??ahahaha syempre hindi !Dumaan na yung bus at
nagdadalawang isip ako kung isasakay ko na si hime pauwiPero gusto ko pang makasama nang matagal itong si hime at magtanong nang kung ano ano tungkol sa kanya
"Ayan na yung bus ,sakay na tayo!"sabi niya sa akin
"Ahh sige. "pinara ko na yung bus at saka nag madaling sumakay habang nasa likuran ko lang siya nasa kalagitnaan na kami nang bus nang nagsalita siya
"pero sandali.!"paghinto niya "may pupuntahan pa pala ako!"agad siyang bumaba at bigla naman umandar yung bus,kitang kitang kita ko ang pagmamadali niyang bumaba
"Kaya ko na sarili ko !"pagsigaw niya sakin
Napakamot nalang ako sa aking ulo
Noong umalis yung bus nagwave ako sa bintana sa kanya ,
akala ko mag wawave back .hindi pala
Wala pa din siyang reaksyon sa muka.
Ano kayang problema niya.ano kayang naisip niya bakit siya sumali sa frat ?ang dami kong tanong kung bakit at ano ang dahilan nang pagiging promlemadong babae niya ?
ayaw naman niya akong kausapin at makasama
BINABASA MO ANG
Wake Up Pessimist
Ação"Are you willing to wake up the pessimist?" Saksihan ang kanilang samahan kung saan ,handang gawin ang lahat malabanan lang ang kasamaan ,hanggat.may pananalig walang sukuan Maraming kapupulatan na aral . Halo halo ang magiging emosyon mo. Editing...