Aaron Point of view***
"hoy ,mr nerd !"habang busy ako sa panunuod may narinig akong tumatawag sakin hinanap ko kung asan yung sumisigaw ,ang dami kasing nagtitilian dahil sumasayaw sila kris .
Lumingon ako nang lumingon pero wala akong nakita
"Hoy ,lalakeng malabo mata andito ko sa likod mo !"
Agad akong lumingon sa likod at nakita ko si micaella .
"Hindi mo man lang ako tinawagan ,andito ka na pala ,tatapusin ko lang yung panunuod sa grupong to ,pagkatapos ay punta na tayo sa bahay"paliwanag ko sa kanya
"Teka lang,"natigilan si mica
"Bakit ?"
"Magkakapera ba ako dito ?"
"Oo babayaran kita !"
nanlaki mata ko sa sinabi ko ,baka mamali yung pag interpret niya
"Buti naman ,hindi nasayang yung paghahanap ko sayo dito may kahihinatnan din pala!"sabi ni mica pagkatapos ay umirap sakin
"Ahh,nakita mo na ?"pagtatanong ko sa kanya .kung nakita na niya ang dapat niyang makita
"Sino ?"inosenteng tanong niya sakin.
"Yung bestfriend mo ,kasama siya ng bestfriend ko !"paliwanag ko
"Si jane ? bakit kasama siya nang bestfriend mo?.halika nga puntahan natin asan ba "at saka niya ako hinila papalabas sa maraming tao
"Aray ko naman ,sandali "sabi ko sa kanya
" nawala na!"bulong ko sa aking sarili ,pero narinig yoon ni mica dahil yung eyeglasses ko tumilapon nanaman. Malakas kasi ng impact nang pagkakahila sakin ni micaela kaya ayun biglang ..nawala
"hayaan mo na mas bagay nga sayo walang salamin mas gwapo ka pa !"ngumiti siya at bigla naman uminit yung tainga ko sa sinabi niyang yoon ,may parang kung ano sa tiyan ko
.
===============================
Hime Point of view*
Natapos na ang patimpalak ,at sobra ang galak namin pare parehas noong kami yung tinawag na nanalo ,para ito sa magulang ko ,na kahit kailan hindi man lang ako binigyan nang halaga .hindi ako pinapakealaman.
Basta sila pinagpapatuloy yung mga mali nilang gawain ,tila hindi nila alam kung ano na nagyayari sa anak nila .sa akin .kung buhay pa ba,kung nakakain pa ba ,kung may sakit na o ano .
Gustong gusto ko patunayan ang sarili ko sa kanila .na kahit wala yung patnubay nila kaya ko pa din mag-isa ,pero madami akong insecurities sa buhay .gusto kong kahit papano mapansin nanan ako nang mga magulang ko ,pero hindi nila magawa .
Nambabae si papa at hindi na kami binalikan ,samantalang si mama dahil sa pagiging broken hearted naging sugalera !maayos naman talaga yung buhay namin noon kung hindi lang nagloko si papa ,kaya sa tuwing umuuwi ako nang bahay wala akong naabutang taong kakalinga sa akin .mag -aalaga at magmamahal ,kaya minsan kasarap na din mawala sa mundong ito .
Negatibo ang tingin ko sa buhay dahil eto yung reyalidad na nararanasan ko ,hindi lang naman ako pati yung kaisa-isahang bestfriend ko slash pinsan ko .marami kaming pinagdadaanan sa buhay pero kahit ganoon pinapasaya namin ang isat isa ,dahil nangako kaming walang iwanan .at alam kong kami nalang yoon nagkakaintindihan .
"Miss ."sabi sa akin ng schoolmates kong kasali din sa sayaw
tinawag niya ko sa kalagitnaan nang pagtingin ko sa magulang nang kasamahan ko sa sayaw .
Naiinggit ako sa mga taong masaya dahil buo yung pamilya
"Bakit po?"ako
"Tiga horizon university ka po ?"pagtatanong niya sakin
Tumango ako bilang sagot
"congrats anggaling mo pong sumayaw ,hindi nakakapagtaka na kayo yung nanalo !"siya
"salamat po "sabi ko .siya yung lalaki kanina na kasama noong lalaking nirita sa amin.
"Ikaw si hime diba ,yung kanina?"siya
"Ahh oo.pasen--!"ako
"Ako si kris ,ahmm sa kanina nga pala .sorry at sinigawan kayo ng kaibigan ko "sabi niya ,na sobrang hinahon nang boses niya feeling ko tuloy para siyang anghel.
Ang oa ko naman hahaha .
"Ok lang ,kami din naman yung mali eh !"sabi ko
"Alis na muna ko hanapin ko lang mga kaibigan ko ,yung mga kasamahan mo nga pala nasan ?"sabi ni kris at saka ako nginitian
"Umalis na sila eh ,magcecelebrate nalang daw kami next time "sabi ko
at ngumiti nalang,ginantihan naman niya din ako nang ngiti
"Ahh ganun ba ,osige .see you sa school .!"
Ang friendly niya mag-aaproach
==============================
Hiro Point of view
"Aray ko!"nasiko kasi ako nang isang babae habang nag liligpit siya nang mga gamit sa table dito sa backstage ako naman ay nagtatanggal nang sapatos .magkatabi kasi yung salaminan namin
"Ikaw nanaman ?"sigaw niya sa akin na ikinagulat ko.
aba siya pa may karapatan manigaw!
"Ate ,magingat ka naman! nakakasakit ka na oh "iritableng sambit ko
"Sorry hahh .sorry !"sarcastic niya pa yatang panghingi niya nang sorry
Natapos na siyang magligpit nang pangmake up nila ,at ako naman ay nakakunot noo na pinagmamasdan lang siya kung ano pang ka clumsy-han na kilos yung gagawin niya.kanina pa kasi niya pinag-iinit ulo ko
Umirap siya sakin at tinaasan ako nang kilay
Bigla siyang natalisod out of nowhere
Hindi kasi tumitingin sa dinaddaanan .iniirapan pa ako
yan yung napapala mo
"Oh ,taktee!"pagsigaw ko
"makasigaw naman to ako kaya nasaktan !at saka takaw aksidente ako kaya pasensya ka na hah."sabi niya sakin at saka ako inirapan nanaman for the third time habang pinapagpag ang kanyang sarili ,
lumapit ako sa kanya para tulungan siya pero bigla bigla nalang siyang natumba at nasama ako kaya ang ending parehas kaming natumba t nakaibabaw siya sakin,amoy na amoy ko yung pabango niya .
"Takaw aksidente ka nga talaga!"sabi ko at tinignan siya ,
tinititigan lang namin ang isat
at nung iniangat ko ang aking ulo,para makatayo .nabigla ako dahil aksidenteng nadampi nang labi ko ang kanyang malambot na labi.
---
✂✏
BINABASA MO ANG
Wake Up Pessimist
Action"Are you willing to wake up the pessimist?" Saksihan ang kanilang samahan kung saan ,handang gawin ang lahat malabanan lang ang kasamaan ,hanggat.may pananalig walang sukuan Maraming kapupulatan na aral . Halo halo ang magiging emosyon mo. Editing...
