Chapter 31:The leader

21 13 2
                                    

Hime Point of view

"Anong problema Sarrosa?"Pagtatanong ko sa ngayon ay nagugulumihanan na si clio ,at ako naman ay hindi pa din napapawi ang luha sa pagkatakot ko kanina

Si via sarossa isa sa kasamahan ko sa fraternity ,nauna siyang sumali sa gang

maganda ..mabait at matalino siya .katulad ko ,gusto din niyang pumasok doon .

"Kilala mo ba sila ?"may dinukot si sarrosa sa kanyang bulsa at yun ay ang mga larawan nang mga ibat ibang tao ,at saka ito ibinigay sakin

"Kailan ka pa naging stalker?At saka sino yung mga ito?!"

"Galing yan kay guzman !sa bahay nila guzman .may natuklasan ako !may nalaman ako tungkol sa nakaraan niya,at yung lalaki kanina yun yung nakatuklas nang lahat nang sikerto ni jiad ,kaya pinatay niya ito!"

"Ano ?"

"Naalala mo din  ba nung higschool tayo?nabalitaan mo ba yung sunog sa school na to,at may sampung taong namatay dahil sa sunog sa dorm dito!"pagtatanong sa akin ni sarossa

"Oo naalala ko yun !,wag mo na nga akong binibitin!sabihin mo na yung mga nalalaman mo!

"Mamamatay tao si guzman !marami nang buhay ang naputol dahil sa kanya .!"

Akala ko yung lalaki palang na yun ang napatay niya ,

Ano ba ang rason niya at pumatay siya ?anong klaseng tao siya

Agad nanlaki ang mga mata ko sa nalaman ko ,hindi ko alam ,pero tama pala yung sinabi noong lalaki kanina na .mamatay tao si guzman at marami na itong napatay .kumirot yung puso ko nang narinig ko ang mga katagang iyon na nanggaling kay via

Oo at isa kaming fraternity .magkakaibigan
Pinoprotektahan ang isat-isa ,itunuturing na kapatid ang bawat isa .Inaalagan ,ipinagtatanggol.isang samahan na akala ko puro saya lang pero hindi pala ..

May dulot pala itong pahamak sa buhay nang iba.

"Papaano mong nalaman !?"usisa ko kay sarossa

"Nagpunta kami sa bahay nila ,at doon ko nakita ang mga picture na yan .pero
Hime !anak siya nang may ari nang school na ito ,pero bakit tinangka niyang sunugin ang dorm na pagmamay-ari nila ?"

"Hindi ko din alam via,siya yung sumunog nang dorm noon?"

"Oo.madami pa tayong hindi alam kay guzman !mag-ingat tayo .lalo ka na .ikaw nga yung bagong salta !"babala sa akin ni via

Agad nang umikot ang paningin ko ,parang babagsak na ako sa mga nalaman ko

"Hime .."alalay sakin ni via

"Ano to?.may,---"

"Bakit ka may bukol sa dibdib hime?"nakapikit na ako nang sinasabi niya yun ,at tuluyan na nga akong nawalan nang malay

---------------------------------------------------------
Kris Point of view

"Tulong po!!"
May narinig akong sigaw sa second floor nang corridor at nanggaling iyon sa likod nang school,malakas ang pandinig ko at alerto kapag dating sa ganoon

Wake Up Pessimist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon