Chapter 26:Reincarnation of her

21 14 2
                                    

Liam Point of view

Nakatapos na nga palang mag -away si zack at abby ,kung alam ko lang na kapag nagharap yung dalawa na yun ,parang aso at pusa pala edi sana hindi ko na kinausap yung abby ..
natapos ang pag-aaway nila dahil sa nag walk out si zack ,hahahah hindi makaubra kay abby.kase yung bibig nung abby tuloy tuloy ..

Sa wakas nga natapos na din
Sinundan ko si zack sa magiging kwarto niya sa dorm ,

Tahimik at nakakunot lang ang noo ni zack ,habang kinaldabog ang pintuan nang kwarto ..
Umupo nalang ako sa kama niya.

nakalimutan ko yung libro ni abby .hindi ko sinoli,madami kasing nangyari kanina kaya hindi ko na din naisoli

Nakakatuwa dahil madaming bumabasa nang libro ko .

hawak hawak ko ang libro at iniitsa itsa ito habang pinagmamasdan ko si zack na nasa table at naka dukdok .

Ramdam ko ang inis niya ,ramdam ko din na kaya mainit ulo niya kasi naaalala niya si cassandra kay abby ,kung ako tatanungin niyo alam kong namomroblema si zack ,kasi hanggang ngayon asa puso pa din niya si cassandra pero ibang iba naman ang ugali abby kay sandra

Binato ko nang unan si zack,malambot naman yun

"Aray !bakit ba?"pagka angat nang ulo ni zack nakita ko ang pamumula nang mata niya

"Sabi na nga ba eh !,tignan mo oh umiiyak ka !"

"Hindi!"

"Anong ,hindi ?"

"basa na muka mo,wag ngang mag inarte diyan .sabihin mo kasi !ano ba yung nararamdaman mo kay abby?"

"Pag kabwiset!"

"Bakit yun yung nararamdaman mo?"

"Sa kaweirduhan na ginawa niya sakin!"

"Hindi siguro,alam ko ugali mo zack!"

"Kuya Liam ,matulog ka nalang .sumasakit ulo ko eh "

"Ulo lang ba yung sumasakit?eh yung puso ba ?"

Ibinato niya pabalik sa akin ang unan

"Matulog ka nalang kaya !gabi na inaasar mo pa ako !"

"Okay sabi mo eh !"

"Siguraduhin mo lang na hindi ka maglalakad habang tulog !"sabi ni zack ,alam niya kasi na may sleeping disorder ako

"Hindi ko maiiwasan yun zack !itago mo lang yung kutsilyo !,baka masaksak pa kita sa puso ,pero pasalamat ka dahil isang sakitan nalang yun!hindi araw araw.yun nga lang patay ka na nun!"

"Siraulo ka talaga !"

"Mana lang sayo "sabi ko habang humiga na sa kama

"Pero seryoso ,alam mo feeling ko si cassandra at abby ay iisang tao !!"

"Hindi ,"

"Oh eh papano ?,kamukang kamuka niya si sandra alangan naman magkakambal sila !"

"Walang sinisikreto si sandra sakin ,"

"Eh papano kung yun nga yung sikreto niya .na may kakambal siya !"

"Alam mo liam tigil tigilan mo na nga yung ,pagiimagine nang mga ganyan na bagay !. Sa libro mo nalang isulat lahat ,hinding hindi magiging si sandra si abby..tignan mo magkaibang magkaiba ugali !"


"Sinasabi ko lang yung nasa isip ko ,malay mo tama ako !"

"Malay mo lang yun!matulog ka na nga !"

Unti unti na akong inaantok gusto ko pa naman sanang makipagkwentuhan kay zack ...

Pero  ayon di ko namalayan na nakatulog na ako

---------------------------------------------------------

Zack point of view

D

inagdagan pa naman ni liam yung problema ko ,imbis na hindi ko iniisip yung mga ganun na bagay

Napapaisip ako .kasi naman naguguluhan na din ako kung ano ba tong nararamdaman ko ..
Sobrang init nang dugo ko kapag nakikita ko si abby ,ganun din naman siya sakin .

Ibang iba si sandra sa kanya !ibang iba .

Pero papano kung tama nga si liam na kambal niya si abby!

Sa katunayan pangalawang beses na namin magkita ni abby nung natamaan ako nang relo ..

Hindi niya din siguro  naalala ,noong
ako yung nagligtas sa kanya .
Niligtas ko siya sa lalake pinagsusuntok at sinipa ko pa yung lalake pag-kaalala ko .pagkatapos nun si abby nagtatakbo na

Sobrang dumi nang damit ni abby noon kulay puti pa naman .at gulo gulo yung buhok na para bang takas sa mental

Alam niyo yung parang kagising niya lang pero parang wala siya sa sarili na nagtatakbo at nadapa sa kalsada

Gusto ko sana siyang tulungan nung mga panahon na yun pero pinagmamasdan ko lang siya sa malayo..

Madaming gumugulo sa utak ko
Hindi na siguro ko makakatulog nito

Wake Up Pessimist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon