Liam's Point of View
Nagising ako nang may maramdaman akong malamig sa aking noo,unti unti kong dinilat yung mga mata ko at nakita ko yung babae kagabi na natutulog sa sofa namin,
Umaga na pala .ibig sabihin hindi umuwi yung babaeng maingay na ito ?hindi ako malagalaw at nilalamig ako .hindi naman nakasindi yung aircon .hindi talaga ako makatayo
kaya nanatiling nakahiga ako at tinitignan yung babae .
Kagabi nga pala nawalan ako nang malay .ibig sabihin binantayan lang ako magdamag nang babaing ito ?
"gising ka na pala !"nakadilat na ang mata nung babae ,gising na siya at nilapitan ako
Sinalat niya yung noo ko ,at inalis yung bimpo doon
"Hindi kita maiwanan kagabi ,naaawa ako sayo ,ang init init mo ,may tao palang allergy sa alak !"saad niya
Hindi ako makakibo medyo masakit pa lalamunan ko eh ,tinitignan ko nalang siya
"Sandali kukuha lang ako nang tubig sa ibaba .para makainom ka !"pumalatak pa siya bago umalis
Hinawakan ko siya sa braso .at napaupo tuloy siya sa gilid nang kama ko
"Dito ka muna ,wag ka munang umalis sa bahay ,wala akong kasama ! "mahinang saad ko ,
Inilapit niya yung tenga niya sa bibig ko ,para marinig kung ano yung sinsabi ko .bago tumingin sakin
"Ano ba naman kasing klaseng bahay ito !ang laki laki tapos iisa lang yung tao .paano nalang kung wala ako dito kagabi malamang ,patay ka na !asan ba kasi mga kasama mo dito ?"pagtatanong niya ulit
Umiling iling nalang ako ,para maintindihan niyang ,wala talaga akong kasama ,nanghihina pa kasi ang boses ko kaya hindi ako makapagsalita nang malakas na maiintindihan niya
"Kahit yaya wala kayo !hindi kumpleto ang isang mansyon
kung walang kawal hano .hays ,oo na hindi na ako aalis .eto pala yung napapala nang isang concern citizen napapasubo !"
Sabi niya at lumabas na nang kwarto ko at dala yung tray nang baso
Makalipas yung ilang minuto ,bumalik na ulit siya .inilapag niya yung tray at ipinainom sakin yung tubig .pagkatapos noon ay kinuha niya ang di keypad niyang cellphone at sinumulan magtipa
tinitignan ko lang siya habang nakatayo sa gilid nang kama ko,at tinignan niya ko bago siya magsalita
"kung balak mo magtanong kung ano ang gagawin ko ,itetext ko lang yung pinsan ko at sasabihin kong hindi ako makapagtitinda ngayon at pati kahapon ,sasabihan ko din siya na marami ako natulungan simula pa kahapon .babalik nalang ako sa pagtitinda kapag magaling ka na !s sobrang suplado mo kasi kahapon ayan tuloy ang nangyari sayo !"
Nakatitig nalang ako sa kanya ,sa ginagawa niya .habang patuloy siyang nagsasalita .
Gusto ko siyang makausap .gusto kong magtanong tanong tungkol sa kanya .kaya lang hindi ako makapagsalita,pinipilit kong ibuka ang bibig ko pero wala na itong nasasabi na salita ,kanina kasi kaya ko pa .gusto ko din magpasalamat sa kabaitan na ginagawa niya ngayon sakin .kahit na kahapon nagsusuplado ako sa kanya
BINABASA MO ANG
Wake Up Pessimist
Action"Are you willing to wake up the pessimist?" Saksihan ang kanilang samahan kung saan ,handang gawin ang lahat malabanan lang ang kasamaan ,hanggat.may pananalig walang sukuan Maraming kapupulatan na aral . Halo halo ang magiging emosyon mo. Editing...
