Authors Point of view

21 13 1
                                    


Isang pangyayari ay magaganap.
mga bagay na tila ba ipagtatapat na ni jane sa kay liam ..isang pangyayari sa nakaraan na pilit niyang tinatakasan at kinakalimutan nalang pero ang sakit at pait nang nakaraan ay bumabalik pa din sa kanyang puso at isipan,mga sakit  na pinipilit lang itago  sa kanyang loob at puso. ay hindi pa din  naglalaho

Ilang minuto nang nagkatitigan mata sa mata ang dalawa .walang umiimik
Walang dumidistansya

At alam ko na alam niyo... na ,nahuhulog nadin ang loob nila para sa isat isa.

Umiwas nang tingin si jane at tumayo na naglakad papunta sa sofa

"Hintayin mo ko diyan ,ayusin ko lang to"banggit ni liam

Pagkalipas nang ilang minuto nagtunggo na si liam sa kinaroroonan ni jane ..

Umupo siya sa tapat nang babaeng .sasagutin lahat nang tanong niya ..at yun ay si jane

"Sabihin mo na lahat .lahat lahat!"ani ni liam

Nakayuko at walang imik si jane .
----------------------------------------------------------
Jane Point Of View

Sasagutin ko na lahat nang tanong niya noon sakin ..na pilit kong tinakasan pero hindi ko makayang kalimutan ..yung galit sa aking sarili ,yung dahilan lahat nang sakit sa puso ko ,yung guilt na nararamdaman ko sa ginawa ko sa pamilya ko..

"Sabihin mo na lahat .lahat .lahat"ani ni liam na para bang nagsasabi sakin na *"andito lang ako ,handa akong pakinggan yung kwento mo"

Nakayuko ako ..at walang imik
Gusto ko nang sabihin gamit ang aking bibig pero kusang nanggigilid yung luha ko pagdating sa pagsabi sa lahat  nang aking  nararamdaman .

."Jane ,sabihin mo na "
Iba yung pagtrato nitong si liam ,nafefeel ko sa kanya yung sincere at sweet ngayon ,hindi ko din alam kung bakit bukod kay micah .si liam pa yung pagsasabihan ko .

pagsasabihin ko nang sama nang loob ko sa sarili ko .bakit ko nga ba sa kanya sasabihin?
Dahil ba sa nararamdaman kong secure kapag siya na yung kausap ko .

"masaya ko na nakilala kita!"nagsimula nang manginig ang boses ko sa kadahilanan na patulo na ang luha ko

Nakunot na ang noo ni liam .hindi alam kung ano yung ibig kong sabihin

"Anong ibig sabihin,may gusto ka pang iparating sa sinasabi mo na yan?"

"Ang swerte mo noh  ,!"

"Huh??"

"Ang swerte mo ,dahil hindi ka katulad ko !!yung sakit na dahilan nang pagiging miserable nang buhay ko . Sakit mo din .pero maganda yung dulot sayo !"

"What do you mean by that?sakit?my sleep walking !?"

"Oo, yun yung tinutukoy ko !"

"Sleep walker ka ?"tanong niya

Nagsimula nang malukot ang aking muka  napahikbi na ako at tuluyan nang magluha ang aking mga mata pinipilit kong pigilan pero hindi ko kaya ..

Lumipat si liam sa tabi ko at hinagod yung likod ko

"Anong nangyaring masama,!dahil sa sakit mo."

"Ang swerte swerte mo !bakit ang unfair naman nang diyos !bakit ako lang ?.sa dinami dami nang taong may kaparehas nang sakit ko, ako lang !,kung alam niya lang !.. Hindi ko kaya yung ganito.gusto ko nang mamatay ang sakit sakit !!m"patuloy pa din ang pag iyak ko

"Ssshhhhh ,tahan na !!"yinakap ako ni liam

"Nasaksak ko siya napatay ko yung papa ko,napatay ko ,hindi ko sinasadya .hindi ko yun sinasadya .maniwala ka sakin! hindi ko gustong mapatay si papa ..hindi ko balak yun mahal na mahal ko siya ma-hal na mahal ko si papa !hindi ko yun kayang gawin sa kanya!"

Napalayo siya sa akin nang konti
At napatitig .titig na nagsasabi na

*Wala kang kasalanan ,kaya mo yan*na titig

"Sshhhh aksidente lahat ,wala kang kasalanan ,naniniwala ako sayo . alam kong hindi mo kayang gawin yun ,lalo na at papa mo yun "

"Ang sakit sakit ,liam .ang sakit !nawala na siya ..wala na si papa !at yung masakit pa ako yung dahilan nang pagkamatay niya .,ang sakit sa loob .ang hirap tanggapin  nang pagkakamali ko !!napakasakit !"

Ramdam ko pa din yung mahigpit niyang yakap

"ako di dapat yung nagsorry sa pamilya ko .pero .tumakas ako .tinakasan ko sila !kaya eto ako ngayon mukang basura ..taong grasa !araw araw na nagtitiis sa kalsada ,gabi gabing umiyak kasi hindi ko na kaya!gusto ko nang mamatay .!"

"Wag mo ngang sabihin yan ,oo .alam ko masakit !,pero hindi solusyon yung magpakamatay .Bakit ganyan ka magsalita napaka negatibo mo ,tutulungan kitang bumangon jane !tutulungan kitang bumangon sa mga problema mo !!"

"Paano mong magagawa yun ?eh hindi mo naman kayang ibalik yung nakaraan !"

Pinunasan  niya  luha ko
At tinignan niya ako sa mata

"Simula ngayon nandito lang ako para sayo !handa akong makinig sa mga sasabihin mo dadamayan kita .pero...gusto kong bumalik ka sa pamilya mo ,wag kang manatili sa kalsada delikado .mahal ka nang pamilya mo tatanggapan ka nun !!"

"Hindi ko alam kung magagawa ko yun liam ,nahihiya na ako ..ayoko nang iharap  sa kanila yung mukang to "

"Listen jane!your'e depressed because of the guilt that you have ,hindi ka makakawala sa guilt na yan kapag hindi mo babalikan yung mga taong natakasan mo non ,harapin mo jane ,.kayanin mo yung consequence na maaring mangyari sa buhay mo ,!hindi ka talaga makakapamuhay nang normal kung hindi ka manghihingi nang patawad ...diyos nga pinatawad na tayo sa kasalanan natin yung pamilya mo pa kaya !jane andito lang ako sasamahan kita ,sa ngayon yun lang kaya kong gawin para sayo !!"

"Pero papano kung hindi nila tanggapin yung sorry ko ?papano kung bigla nalang nila akong saktan? papano kung bigla nalang nila akong paalisin sa bahay !.kapag pumunta ako "

"Puro ka what if !pamilya mo sila .kung tunay ka nga  nilang pamilya kakausapin ka nila tatanggapin nila yung sorry mo mahal ka nila jane malay mo hinihintay ka  na nilang bumalik sa bahay niyo,ikaw lang itong natatakot sa maaring mangyari !"

"Jane. Please ,makinig ka naman sakin ngayon "

"Hindi ko kaya liam !"

"Pleaseee jane "

Wake Up Pessimist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon